SABADO, ENERO 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,937 total views

Paggunita kay Santa Agnes, dalaga at martir

Hebreo 9, 2-3. 11-14
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Marcos 3, 20-21

Memorial of St. Agnes, Virgin and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 9, 2-3. 11-14

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, itinayo ang isang tolda na may dalawang bahagi; ang una’y tinatawag na Dakong Banal. Naroon ang ilawan, ang hapag at ang mga tinapay na handog sa Diyos. Ang ikalawa’y nasa kabila ng pangalawang tabing at tinatawag na Dakong Kabanal-banalan.

Ngunit dumating na si Kristo, ang Dakilang Saserdote ng bagong tipan. Siya’y naglilingkod doon sa sambahang lalong dakila at walang katulad, hindi ginawa ng tao, alalaong baga’y wala sa sanlibutang ito. Minsan lamang pumasok si Kristo sa Dakong Kabanal-banalan, at ito’y sapat na. Hindi dugo ng mga kambing at bisirong baka ang kanyang dalang handog, kundi ang sariling dugo, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin. Ang dugo ng mga kambing at mga toro at ang abo ng dumalagang baka ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi. Sa gayon, sila’y nagiging malinis ayon sa Kautusan. Ngunit higit na di-hamak ang magagawa ng dugo ni Kristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso’t isip upang talikdan na natin ang mga gawang walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buhay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
pumalakpak kayong may awit at tuwa,
bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na Poon, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan,
siya’y naghahari sa sangkatauhan.

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Umakyat sa trono ang Panginoong Diyos,
hatid ng tambuling malakas ang tunog;
masayang sigawan ang ipinansuob.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya’y papurihan!

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa,
awita’t purihin ng mga nilikha!
Maghahari siya sa lahat ng bansa,
magmula sa tronong banal at dakila.

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

ALELUYA
Mga Gawa 16, 14b

Aleluya! Aleluya!
Kami’y iyong pangaralan
upang aming matutuhan
ang Salitang bumubuhay!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 20-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pag-uwi ni Hesus, muling nagkatipon ang napakaraming tao, anupat hindi man lamang makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kasambahay, sila’y pumaroon upang kunin siya, sapagkat ang sabi ng mga tao, “Nasisiraan siya ng bait!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang matutunan natin sa kanyang Anak na si Jesu-Kristo ang kahulugan ng paglilingkod.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, turuan Mo kami sa pamamaraan ni Jesus.

Bilang isang Simbahan nawa’y lumabas tayo sa lungga ng ating sariling daigdig at maglingkod sa tao nang may pagpapakumbaba, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga taong naglilingkod sa bayan nawa’y ibigay nila ang pinakamabuti at pinakamagaling na pagsisilbi sa mga tao at hindi paglingkuran ang kanilang pansariling kapakanan at interes, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga naglilingkod sa atin sa iba’t ibang pamamaraan nawa’y maipakita nating lahat ang ating pasasalamat, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Maria, tayong lahat nawa’y nakatuon at mulat sa pangangailangan ng kapwa at hindi sa ating makasariling kaginhawahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at matatanda nawa’y makatagpo ng kalinga at paggalang mula sa kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon naming Diyos, hindi madali sa amin ang tumulong sa iba lalo na kung magdudulot ito sa amin ng hindi kaginhawahan. Matuto nawa kami mula kay Jesus na laging handang tumulong sa nangangailangan at bigyan mo kami ng lakas na gawin ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 31,912 total views

 31,912 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Pwedeng taumbayan naman?

 45,747 total views

 45,747 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 80,972 total views

 80,972 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »

Proteksyon para sa mga gig workers

 126,847 total views

 126,847 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »

Online work at kababaihan

 127,883 total views

 127,883 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »

Watch Live

Related Story

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 648 total views

 648 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 1,525 total views

 1,525 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 2,476 total views

 2,476 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 2,815 total views

 2,815 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 21, 2024

 2,810 total views

 2,810 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta

Read More »

MARTES, PEBRERO 20, 2024

 2,402 total views

 2,402 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

LUNES, PEBRERO 19, 2024

 1,814 total views

 1,814 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 18, 2024

 1,214 total views

 1,214 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 9, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong minamahal ang tapat sa iyong tipan. 1 Pedro 3, 18-22 Marcos 1, 12-15 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 9, 8-15 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Ito ang

Read More »

SABADO, PEBRERO 17, 2024

 999 total views

 999 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 16, 2024

 988 total views

 988 total views Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 1-9a Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Mateo 9, 14-15 Friday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 1-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 15, 2024

 7,759 total views

 7,759 total views Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo Deuteronomio 30, 15-20 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 9, 22-25 Thursday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 30, 15-20 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 14, 2024

 8,263 total views

 8,263 total views Miyerkules ng Abo Joel 2, 12-18 Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17 Poon, iyong kaawaan kaming sa ‘yo’y nagsisuway. 2 Corinto 5, 20 – 6, 2 Mateo 6, 1-6. 16-18 Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Joel 2, 12-18 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi

Read More »

MARTES, PEBRERO 13, 2024

 9,542 total views

 9,542 total views Martes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Santiago 1, 12-18 Salmo 93, 12-13a. 14-15. 18-19 Mapalad ang tumatanggap ng aral ng Poong tapat. Marcos 8, 14-21 Tuesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Santiago 1, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago Mapalad ang taong nananatiling tapat,

Read More »

LUNES, PEBRERO 12, 2024

 10,349 total views

 10,349 total views Lunes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Santiago 1, 1-11 Salmo 118, 67. 68. 71. 72. 75. 76 Poon, ako’y kahabagan upang mabuhay kailanman. Marcos 8, 11-13 Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Santiago 1, 1-11 Ang simula ng sulat ni Apostol Santiago Mula kay Santiago, alipin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 11, 2024

 11,437 total views

 11,437 total views Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Levitico 13, 1-2. 44-46 Salmo 31, 1-2. 5. 11 Sa ‘yong tulong at pagtubos ako’y binigyan mong lugod. 1 Corinto 10, 31 – 11, 1 Marcos 1, 40-45 Sixth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Levitico 13, 1-2. 44-46 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi

Read More »
Scroll to Top