SABADO, ENERO 6, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,917 total reads

Ika-6 ng Enero

1 Juan 5, 5-13
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Marcos 1, 7-11
o kaya Lucas 3, 23-28

Weekday of Christmas Season (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 5, 5-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, sino ang makapagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sumasampalatayang si Hesus ang Anak ng Diyos. Si Hesukristo ang naparito sa sanlibutan, bininyagan sa tubig, at nagbubo ng kanyang dugo sa kanyang kamatayan – hindi lamang bininyagan sa tubig, kundi nagbubo pa ng kanyang dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. Tatlo ang nagpapatotoo: ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at nagkakaisa ang tatlong ito. Tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ngunit lalong matibay ang patotoo ng Diyos, at iyon ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. Ang sinumang nananalig sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang ayaw maniwala sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos, sapagkat hindi siya naniniwala sa patotoo nito tungkol sa kanyang Anak. At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito’y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan, ngunit wala nito ang hindi pinananahan ng Anak ng Diyos. Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,
purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,
bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin,
ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

ALELUYA
Marcos 9, 6

Aleluya! Aleluya!
Nagsalita ang Diyos Ama:
“Ang Anak kong sinisinta
ay narito, dinggin n’yo siya!”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 7-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinasabi ni Juan Bautista sa kanyang pangangaral: “Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa sa akin: ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo.”

Hindi nagluwat, dumating si Hesus mula sa Nazaret, Galilea, at siya’y bininyagan ni Juan sa Ilog-Jordan. Pagkaahung-pagkaahon ni Hesus sa tubig ay nakita niyang nabuksan ang kalangitan, at bumababa sa kanya ang Espiritu na gaya ng isang kalapati. At isang tinig ang nagmula sa langit: “Ikaw ang minamahal kong Anak, lubos kitang kinalulugdan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya
Lucas 3, 23-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, magtatatlumpung taon na si Hesus nang magsimula siyang mangaral. Ayon sa palagay ng mga tao, siya’y anak ni Jose na anak ni Eli, na anak ni Matat. Si Matat ay anak ni Levi na anak ni Melqui, at si Melqui naman’y anak ni Jana na anak ni Jose. Si Jose’y anak ni Matatias na anak ni Amos. Itong si Amos ay anak ni Nahum na anak ni Esli. Si Elsi’y anak naman ni Nage, anak ni Maat na anak ni Matatias. Si Matatias ay anak ni Semei na anak ni Jose. Si Jose’y anak ni Juda na anak ni Joana. At si Joana ay anak naman ni Resa na anak ni Zorobabel, anak ni Salatiel na anak naman ni Neri. Si Neri’y anak ni Melqui na anak ni Adi. Si Adi ay anak ni Cosam na anak ni Elmodam, na anak ni Er. Si Er nama’y anak ni Josue na anak ni Eliezer, anak ni Jorim na anak ni Matat. Si Matat ay anak ni Levi na anak ni Simeong anak ni Juda. Si Juda’y anak naman ni Jose. Si Jose’y anak ni Jonan na anak ni Eliaquim, na anak ni Melea. Itong si Melea’y anak ni Mainan na anak ni Matata, anak ni Natan na anak ni David. Si David ay anak ni Jesse na anak ni Obed, at si Obed ay anak naman ni Booz. Si Booz ay anak ni Salmon na anak ni Naason, anak ni Aminadab na anak ni Admin. Si Admin ay anak naman ni Arni na anak ni Esrom, na anak naman ni Fares. Si Fares ay anak ni Juda na anak ni Jacob. Si Jacob ay anak ni Isaac na anak naman ni Abraham. Si Abraham ay anak ni Tare na anak ni Nacor. Si Nacor ay anak ni Serug na anak ni Ragau, na anak naman ni Peleg, at si Peleg ay anak ni Heber na anak ni Sala. Si Sala’y anak ni Cainan na anak ni Arfaxad na anak naman ni Sem. Si Sem ay anak ni Noe, anak ni Lamec na anak ni Matusalem na anak naman ni Enoc. Si Enoc ay anak ni Jared na anak ni Mahalaleel na anak ni Cainan. Si Cainan ay anak ni Enos na anak naman ni Set. At si Set ay anak ni Adan na anak ng Diyos.

PANALANGIN NG BAYAN
ENERO 6

Sa Binyag ni Jesus sa ilog ng Jordan, ipinaaalaala sa atin ang ating sariling Binyag kung saan ginawa tayong mga anak ng Diyos kaya’t natatawag nating Ama ang Diyos. Lumalapit tayo ngayon sa kanya habang sinasabi natin:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na aming Ama, malugod ka nawa sa amin.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging malinis sa Binyag upang magtamasa ng kalayaan at dignidad bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kalayaan at karangalan ng bawat mamamayan nawa’y pangalagaan at igalang ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang mag-aangat sa kalidad ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga pamayanan nawa’y tunay na maranasan ang kanilang pagiging iisa sa pamamagitan ng kanilang buhay at pagpapahayag ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman at mga nagdurusa nawa’y makalaya sa panghihina ng kanilang katawan at pag-iisip, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang namayapa na ay makabahagi nawa sa kaligayahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, ginawa kaming mga tagapagmana ng iyong Kaharian sa pamamagitan ni Jesus na iyong Anak. Loobin mo na sa pananalangin namin para sa isa’t isa ay manahin namin aang Kahariang iyon kung saan ikaw ay nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,255 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 4,566 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 4,410 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,256 total reads

 5,256 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 43,081 total reads

 43,081 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 96,919 total reads

 96,919 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 160,327 total reads

 160,327 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 228,105 total reads

 228,105 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Agosto 13, 2026

 651 total reads

 651 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 2,280 total reads

 2,280 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,105 total reads

 4,105 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,136 total reads

 6,136 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 6,924 total reads

 6,924 total reads Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top