Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, OKTUBRE 7, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,942 total views

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario

Baruc 4, 5-12. 27-29
Salmo 68, 33-35. 36-37

Dinirinig ng Maykapal
ang mga may kailangan.

Lucas 10, 17-24

Memorial of Our Lady of the Rosary (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Baruc 4, 5-12. 27-29

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Baruc

Lakasan ninyo ang inyong loob, mga kababayan. Dahil sa inyo, buhay pa ang bansang Israel. Ipinagbili kayo sa mga dayuhan hindi upang lipulin. Ipinasakop kayo sa iba pagkat ginalit ninyo ang Diyos. Nang maghandog kayo sa mga demonyo sa halip na sa kanya, nilait ninyo ang sa inyo’y lumikha. Kinalimutan ninyo ang Diyos na sa inyo’y nag-alaga sa pasimula, at dinulutan ng pighati ang Jerusalem na sa inyo’y nag-aruga. Nakita ng Jerusalem ang parusa ng Diyos sa inyo at kanyang sinabi, “Mga kalapit-bayan ko, ako’y pinararanas ng Diyos ng matinding hirap. Ang mga mamamayan ko’y ipinabihag ng Walang Hanggang Diyos sa kanilang mga kaaway. Maligaya ko silang pinalaki ngunit nanangis ako sa dalamhati nang sila’y kunin sa akin. Huwag sanang ikagalak ninuman ang aking kasawian. Naiwan akong nangungulila dahil sa pagkakasala ng aking mga mamamayan. Tinalikdan nila ang Kautusan ng Diyos at ako’y naging isang bayang wasak at tiwangwang.

“Lakasan ninyo ang inyong loob, mga anak. Tumawag kayo sa Diyos. Pinarusahan nga niya kayo, ngunit hindi niya kayo pababayaan. Noon, kayo ay lumayo sa kanya. Ngayon nama’y manumbalik kayo at maglingkod sa kanya nang buong pagsisikap. Ang Diyos na nagpadala sa inyo ng kahirapang ito ang siya ring magkakaloob sa inyo ng tuwang walang katapusan pag kayo’y iniligtas na niya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 68, 33-35. 36-37

Dinirinig ng Maykapal
ang mga may kailangan.

Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.
Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa,
maging karagata’t naroong nilikha.

Dinirinig ng Maykapal
ang mga may kailangan.

Ang Lungsod ng Sion, kanyang ililigtas,
bayang nasa Juda’y muling itatatag:
doon mananahan ang mga hinirang,
ang lupain doo’y aariing tunay.
Magmamana nito’y yaong lahi nila
may pag-ibig sa Diyos ang doo’y titira.

Dinirinig ng Maykapal
ang mga may kailangan.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 17-24

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpu’t dalawa. “Panginoon,” sabi nila, “kahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa ngalan ninyo.” Sumagot si Hesus, “Nakita ko ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit – parang kidlat. Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo. Gayunman, magalak kayo, hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo.”

Nang oras ding iyon, si Hesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba’y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.”

“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.”

Humarap si Hesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Mahal na Birheng Maria ng Rosaryo

Manalangin tayo sa ating Ama sa tulong ng makapangyarihang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Banal na Rosaryo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain mo kami sa pamamagitan ng mga panalangin ng Birheng Maria.

Tulad ni Maria nawa’y pagnilayan ng Simbahan ang misteryo ng buhay at pag-ibig ng Diyos na nahayag kay Kristo at sa mga pangyayari ng ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa halip na tustusan ng mga bansa ang kanilang mga sandatang pandigma at pangwasak nawa’y higit nilang paglaanan ang mga kagamitan para sa pagtataguyod ng kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Kaisa ni Maria tayo nawa’y magpatuloy sa pananalangin at pagsisikap na matupad ang plano ng Diyos para sa ating kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng maka-inang pangangalaga ni Maria, ang mga maysakit at nagdadalamhati nawa’y makatagpo ng paghilom at paglubag ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin para sa rosaryo at sa mensahe ng kapayapaan na hatid ni Maria sa aming mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,905 total views

 34,905 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 46,035 total views

 46,035 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,396 total views

 71,396 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,767 total views

 81,767 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,618 total views

 102,618 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 12, 2025

 25 total views

 25 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Genesis 49, 29-32; 50, 15-26a

Read More »

Biyernes, Hulyo 11, 2025

 652 total views

 652 total views Paggunita kay San Benito, abad Genesis 46, 1-7. 28-30 Salmo 36, 3-4. 18-19. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at

Read More »

Huwebes, Hulyo 10, 2025

 1,333 total views

 1,333 total views Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 44, 18-21. 23b-29; 45, 1-5 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod

Read More »

Miyerkules, Hulyo 9, 2025

 1,861 total views

 1,861 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga

Read More »

Martes, Hulyo 8, 2025

 2,254 total views

 2,254 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 32, 22-32 Salmo 16, 1. 2-3. 6-7. 8b at 15 Yamang ako ay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top