Miyerkules, Mayo 13, 2026

SHARE THE TRUTH

 10,865 total reads

Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1
Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

Juan 16, 12-15

Wednesday of the Sixth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, ang mga naghatid kay Pablo ay sumama sa kanya hanggang sa Atenas. Pagkatapos, nagbalik sila sa Berea, taglay ang bilin ni Pablo kina Silas at Timoteo na sumunod sa lalong madaling panahon. At si Pablo ay tumayo sa harap ng kapulungan ng Areopago at nagsalita, “Mga taga-Atenas, napapansin kong buhos na buhos ang inyong kalooban sa relihiyon. Sapagkat sa paglalakad ko sa lungsod at pagmamasid sa mga sambahan ninyo, nakakita ako ng isang dambanang may nakasulat na ganito: ‘Sa Diyos na hindi nakikilala.’ Ang inyong sinasamba kahit hindi ninyo kilala ang siya kong ipinapahayag sa inyo. Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng naroroon ang siyang Panginoon ng langit at lupa, kaya’t hindi siya tumatahan sa mga templong ginawa ng tao. Hindi sa siya’y nangangailangan ng anuman kaya siya pinaglilingkuran ng tao; sapagkat siya ang nagbibigay ng buhay, hininga, at ng lahat ng bagay sa sangkatauhan. Mula sa isa’y nilikha niya ang lahat ng lahi sa balat ng lupa. Itinakda niya ang kanya-kanyang panahon at hangganan. Ginawa niya ito upang hanapin nila ang Diyos, baka sakaling sa kanilang pag-aapuhap ay matagpuan siya. Ang totoo, hindi naman siya malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat

‘Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’
Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata,
‘Tayo nga’y mga anak niya.’

Yamang tayo’y mga anak ng Diyos, huwag nating akalain na siya ay tulad ng larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at kamay ng tao. Mahabang panahong di pinansin ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng tao, ngunit ngayo’y iniuutos niya na magsisi sila’t talikdan ang kanilang masamang pamumuhay. Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan at ito’y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat, nang buhayin niyang muli ang taong iyon!”

Nang marinig nila ang sinabi ni Pablo tungkol sa muling pagkabuhay, tinuya siya ng ilan ngunit sinabi naman ng iba, “Ibig namin kayong mapakinggan uli tungkol dito.” At umalis doon si Pablo. May ilang sumama sa kanya at sumampalataya sa Diyos; kabilang dito si Dionisio na isa sa mga bumubuo ng kapulungan ng Areopago. May sumama ring babaing nag-ngangalang Damaris, at mga iba pa.

Pagkatapos, umalis si Pablo sa Atenas at nagtungo sa Corinto.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

o kaya: Aleluya

Purihin ang Diyos, nitong kalangitan,
kayo sa itaas siya’y papurihan.
Ang lahat ng anghel, magpuri’t magdiwang,
kasama ang hukbo roong karamihan!

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

Pupurihin siya ng lahat ng tao,
hari at prinsipe, lahat ng pangulo,
babae’t lalaki, mga kabataan,
matatandang tao’t kaliit-liitan.

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

Sa ngalan ng Poon lahat ay magpuri,
ang kanyang pangala’y pinakamaigi;
sa langit at lupa’y walang kasimbuti.

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

Siya’ng nagpalakas sa sariling bansa,
kaya pinupuri ng piniling madla,
ang bayang Israel, mahal niyang lubha!

Ang kadakilaan ng D’yos
sa lupa’t langit ay lubos.

ALELUYA
Juan 14, 16

Aleluya! Aleluya!
Hihilingin ko sa Ama
Espiritu’y isugo n’ya
upang sumainyo’t t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 12-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako, sapagkat sa aking magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Hindi tayo iniwang ulila ng ating Amang nasa Langit, bagkus ipinadala niya sa atin ang kanyang Banal na Espiritu. Sambitin natin ang ating sama-samang panalangin sa kapanyarihan ng Espiritu ng Katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Akayin nawa kami ng Iyong Espiritu ng Katotohanan, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging masigasig sa paghahatid ng mensahe ni Jesus sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namamahala at maykapangyarihan nawa’y maghatid ng kapayapaan at katarungan sa mga bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hinahamak, mga itinatakwil o mga walang nagmamahal sa ating lipunan nawa’y makaranas sa kanilang buhay ng pangangalaga ng Diyos sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y makakita at makadama ng mapagmahal na presensya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y muling buhayin alang-alang sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, loobin mong lalo pang ihayag sa amin ng Banal na Espiritu ang mga katotohanang inihayag ni Jesus na nabubuhay na kasama mo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

 


 

Paggunita sa Mahal na Birhen ng Fatima

Isaias 61, 9-11
Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

Lucas 11, 27-28

Memorial of Our Lady of Fatima (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 61, 9-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Itong lahi ng aking bayan
ay makikilala sa lahat ng bansa,
pati anak nila’y
makikilala rin sa gitna ng madla;
sila’y kikilanling anak ng Panginoon saanman makita,
at tatawaging bayang pinagpala, hinirang ng Panginoon.
At ang Jerusalem
sa ginawang ito’y pawang malulugod,
anaki’y dalagang gayak ay pangkasal,
siya’y parang dinamtan
ng kaligtasan at pagtatagumpay.
Kung paanong ang binhi
ay tiyak na tutubo at sisibol,
gayun ang pagliligtas ng Panginoon
sa bayang kanyang hinirang.
Dahil dito, lahat ng bansa
ay magpupuri sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

O kabiyak nitong hari, ang payo ko’y ulinigin;
ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.
Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin;
siya’y iyong panginoon, marapat na iyong sundin.

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

Ang prinsesa sa palasyo’y pagmasdan mo’t anong ganda;
sinulid na gintu-ginto ang niyaring damit niya.
Sa makulay niyang damit, sa hari ay pinapunta,
haharap sa haring yaong mga abay ay kasama.

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak
na pumasok sa palasyo at sa hari ay humarap.
Darami ang iyong supling, sa daigdig maghahari,
kapalit ng ninuno mo sa sinumang mga lahi.

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Birheng Mariang mapalad,
dapat magpuri ang lahat
sa iyo at sa ‘yong Anak.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 27-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus sa mga tao, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, “Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa inyo!” Ngunit sumagot siya, “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Mayo 13
Birhen ng Fatima

Inihandog sa atin ng Diyos ang kapayapaan ng pakikipagkasundo sa pamamagitan ni Jesus, ang Anak ni Maria. Ipanalangin natin na manatili sa atin ang kapayapaan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng Kapayapaan, basbasan Mo kami.

Ang mga pinuno ng Simbahan, sa ilalim ng pagtangkilik ng Birhen ng Fatima, nawa’y higit na mailapit ang Bayan ng Diyos kay Kristo at sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno sa buong mundo nawa’y patnubayan ni Maria, ang Birhen ng Fatima, sa kanilang pagsisikap na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan ang mga bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong pamayanan nawa’y magsikap na makamit ang kapayapaan ni Kristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa sa mga espiritwal o pisikal na kahinaan nawa’y kahabagan ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lukuban ng kapanyarihan ng Banal na Espiritu upang makita sa ating mundo ang handog ng kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, nalalaman namin na nagmumula sa iyo ang lahat ng mabubuting bagay. Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan sa tulong ng makapangyarihang pamamagitan ni Maria. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 6,421 total reads

Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering his wife, Ashley, while their two young daughters were at home. Evidence presented at the trial also revealed an extramarital relationship. He has now been sentenced to life imprisonment without parole.

It is difficult to imagine the wounds left behind, especially in the lives of the children: a mother violently taken from them, and a father responsible for her death.

The story struck me because I am presently in Rome for our meeting marking ten years of Amoris Laetitia, reflecting precisely on how the Church proclaims the Gospel with families today.
Earlier, Pope Leo XIV asked us: “What kind of Church do people encounter precisely when they are most fragile?”

Cases like this remind us that “family fragility” is not an abstract pastoral category. Sometimes behind the doors of a seemingly Christian home are relationships already being torn apart by infidelity, deception, abuse, violence, loneliness or despair.

And accompaniment cannot mean simply keeping a family together at all costs. It must also mean learning to recognize danger, protecting the vulnerable, especially children, confronting wrongdoing with truth, and helping wounded people find justice, healing and hope.

Perhaps this too is part of proclaiming the Gospel to and with families: helping our homes become places where love is not merely preached, but truly lived—and where those who are wounded know that the Church will not look away

ULTIMATE GOAL

 7,617 total reads

Gospel Reading for October 09, 2026 – Luke 11: 15-26

ULTIMATE GOAL

When Jesus had driven out a demon, some of the crowd said: “By the power of Beelzebul, the prince of demons, he drives out demons.” Others, to test him, asked him for a sign from heaven. But he knew their thoughts and said to them, “Every kingdom divided against itself will be laid waste and house will fall against house. And if Satan is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that it is by Beelzebul that I drive out demons. If I, then, drive out demons by Beelzebul, by whom do your own people drive them out? Therefore they will be your judges. But if it is by the finger of God that I drive out demons, then the Kingdom of God has come upon you. When a strong man fully armed guards his palace, his possessions are safe. But when one stronger than he attacks and overcomes him, he takes away the armor on which he relied and distributes the spoils. Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters. “When an unclean spirit goes out of someone, it roams through arid regions searching for rest but, finding none, it says, ‘I shall return to my home from which I came.’ But upon returning, it finds it swept clean and put in order. Then it goes and brings back seven other spirits more wicked than itself who move in and dwell there, and the last condition of that man is worse than the first.”

————

One thing is certain—Beelzebul/Satan can never be more powerful than God. Therefore, he would be of no use to Jesus, the Son of God.

Satan’s ULTIMATE GOAL is always to destroy what belongs to God, which is why he possesses humans who are created by God in his image and likeness. He is SO DESPERATE to destroy God’s image. Why, then, would he destroy himself? It would defeat his ULTIMATE GOAL.

St. Michael the Archangel, defend us from the evil one!

TRUTH AWARDS

 78,519 total reads

Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan ang kahirapan, nagiging kultura na ang korapsyon at katiwalian na kinasasangkutan mismo ng mga opisyal ng gobyerno at mga halal ng bayan., lumalala ang kawalang katarungan, hindi na halos makahinga ang maraming Pilipino sa epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na nagdudulot ng mahal na halaga ng mga bilihin at tumataas na bayarin sa serbisyo publiko.

Hindi pa rin natatapos ang multi-bilyong pisong flood control projects scam.,nahaharap na naman tayong mga Pilipino sa kinatatakutang matinding epekto ng climate change tulad ng El Nino phenomenon na nagdudulot ng matinding init at tagtuyot. Sa kasalukuyan, 106 na lungsod at munisipalidad sa buong bansa ang apektado ng tagtuyot.

May pag-asa ba tayong mga Pilipino? May nababanaag pa kaya tayong liwanag?

Kapanalig, sa kabila ng mga agam-agam na ito., mayroon pa bang matapang na tatayo, haharap “head on” sa mga suliranin nating mga Pilipino?

Sa hangaring ito, binuo ng Radyo Veritas 846 katuwang ang Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila, OneGodly vote-Catholic Advocates for Responsible Electorate (C.A.R.E) ang Truth Awards 2026 “Standing Tall in a World of Shadows”.

Misyon ng Radyo Veritas Truth Awards 2026 na kilalanin ang mga indibidwal at organisasyong nagsusulong ng katotohanan, pananagutan, transparency, at integridad sa kanilang paglilingkod sa lipunan.

Nakapaloob sa Truth Awards ang mga kategorya:
T—Triump of Integrity Award
R—Rays of Light in Darkness Award
U—Unwavering Voice of Conscience Award
T—Testimony of Life Award
H—Heart for Justice and truth award

Ang “highest recognition” ay ang Summum Veritatis award na ipagkakaloob sa isang institusyon na nagpapakita ng katatagang moral, dedikasyon sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at katarungan at dalisay na paglilingkod at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Kapanalig, ang Veritas Truth Awards 2026 ay sumailalim sa rigorous screening at selection process ng pitong(7) kapitag-pitagang hurado na binubuo ng mga lider ng simbahan, academe at civil society.

Ang mapipiling awardee mula sa mahigit-kumulang na 100 nominee at 30-finalists ay nagtataglay ng “light of truth” o buhay na testamento ng faithfulness at katotohanan na siyang magpapalaya sa atin.

Kapanalig, sinasabi ng JOHN 18:37-38: “You are a king, then!” said Pilate. Jesus answered, “You say that I am a king. In fact, the reason I was born and came into the world is to testify to the truth. Everyone on the side of truth listens to me.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,520 total reads

 78,520 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 173,197 total reads

 173,197 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,465 total reads

 217,465 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,574 total reads

 240,574 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 312,167 total reads

 312,167 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 12, 2026

 1,794 total reads

 1,794 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 2,458 total reads

 2,458 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 5,004 total reads

 5,004 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 6,053 total reads

 6,053 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 7,464 total reads

 7,464 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top