Sabado, Pebrero 22, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,672 total views

Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro

1 Pedro 5, 1-4
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Mateo 16, 13-19

Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White)

UNANG PAGBASA
1 Pedro 5, 1-4

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, sa matatandang namamahala sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang tulad ninyo. Nasaksihan ko ang paghihirap ni Kristo at makakahati naman ako sa karangalang nalalapit nang ipahayag. Ipinamamanhik kong alagaan ninyo ang kawang ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos. Pamahalaan ninyo ito nang maluwag sa loob, hindi napipilitan lamang, sapagkat iyan ang ibig ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa masakim na paghahangad ng pansariling kapakinabangan, kundi sa katuwaang maglingkod; hindi bilang panginoon ng inyong mga nasasakupan, kundi bilang uliran ng inyong mga kawan. At pagparito ng Pangulong Pastol ay tatanggap kayo ng maningning na koronang di kukupas kailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

ALELUYA
Mateo 16, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Pedro, ang saligan
ng aking simbahang banal
na daig ang kamatayan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ang Luklukan ni San Pedro

Ama naming Diyos, sa iyong pangangalaga sa mundo, pinili mo si San Pedro bilang pinuno ng mga Apostol at ulo ng Simbahan. Taglay ang tapat na pagtitiwala sa iyo, nananalangin kami bilang isang pamayanang may pananampalataya sa pamumuno ng kahalili ni San Pedro.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Basbasan mo ang iyong simbahan, O Panginon.

Ang ating Santo Papa (Francisco), ang kahalili ni Pedro, nawa’y gamiting ang kanyang kapangyarihan sa diwa ng paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Santo Papa at mga obispo at mga naglilingkod bilang mga diplomatiko ng tanggapan ng Santo Papa nawa’y maging mabibisang tagapaghatid ng pagkakaisa sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari at mga mananampalatayang layko nawa’y maging matatag sa kanilang pananampalataya at masunurin sa mga tagapagturo ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kagalingan sa pamamagitan ng ministeryo ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat sa Diyos na namayapa nawa’y makasama ng mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tulungan mo kaming maging mga tapat na tagasunod ng iyong Anak sa pamamagitan ng aming pagsunod sa pag-akay ng kahalili ni San Pedro. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 51,004 total views

 51,004 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 68,904 total views

 68,904 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 115,470 total views

 115,470 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 103,254 total views

 103,254 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 120,866 total views

 120,866 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Mayo 10, 2026

 2,566 total views

 2,566 total views Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 8, 5-8. 14-17 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20 Sangkalupaang

Read More »

Sabado, Mayo 9, 2026

 3,827 total views

 3,827 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan

Read More »

Biyernes, Mayo 8, 2026

 5,235 total views

 5,235 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 22-31 Salmo 56, 8-9. 10-12 Sa gitna ng mga bansa sabihing “D’yos

Read More »

Huwebes, Mayo 7, 2026

 4,106 total views

 4,106 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng

Read More »

Miyerkules, Mayo 6, 2026

 3,388 total views

 3,388 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 1-6 Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top