Sabado, Setyembre 6, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,647 total views

Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Colosas 1, 21-23
Salmo 53, 3-4. 6 at 8

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

Lucas 6, 1-5

Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Colosas 1, 21-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, dati, kayo’y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong kasamaan. Ngunit dahil sa kamatayan ni Kristo, ginawa niya kayong mga kaibigan upang makaharap sa kanya nang walang kapintasan, banal, at walang batik. Subalit kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging tagapangaral ng Mabuting Balitang ito na ipinahayag sa lahat ng tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 53, 3-4. 6 at 8

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

Makapangyarihang Diyos, ako ay iligtas,
ipagsanggalang mo ng iyong lakas;
dinggin mo, O Diyos, itong iyong anak,
sa aking dalanging ngayo’y binibigkas.

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

Batid kong ang Diyos ang aking katulong,
tagapagsanggalang ko ang Panginoon.
buong galak naman akong maghahandog
ng pasasalamat sa Panginoong Diyos,
dahilan sa kanyang mabuting kaloob.

Ang D’yos ang s’yang
tumutulong at sa aki’y nagtatangol.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 1-5

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Hesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. “Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?” tanong ng ilang Pariseo. Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama, bagamat ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.” At sinabi pa niya sa kanila, “Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Diyos Ama na umangkin sa atin bilang kanyang mga malayang anak kay Jesu-Kristo, na kanyang bugtong na Anak.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sagipin nawa kami ng iyong Salita, O Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y kilalanin ang mga utos ng Diyos bilang pinto sa kalayaan mula sa kasalanan at kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga may tungkulin sa pagpapatupad ng batas at sa gobyerno nawa’y unahin ang kabutihan ng mga tao kaysa sa mga pinagkakaabalahan ukol sa batas, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagsamba sa Diyos na hindi natin nakikita, nawa’y hindi natin malimutan ang nangangailangan nating mga kapatid na ating nakikita, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nagdurusa sa iba’t ibang pisikal at espiritwal na karamdaman nawa’y hilumin ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y mamahinga sa piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ang bawat batas mo nawa’y maging paanyaya sa amin upang mahalin at paglingkuran ang aming mga kapatid, unawain sila, igalang, at gabayan upang maging gabay rin namin sila. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 71,270 total views

 71,270 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 71,270 total views

 71,270 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 71,270 total views

 71,270 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 69,078 total views

 69,078 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 63,156 total views

 63,156 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Marso 7, 2026

 4,065 total views

 4,065 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 6, 2026

 4,065 total views

 4,065 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 5, 2026

 4,065 total views

 4,065 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 4, 2026

 1,872 total views

 1,872 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 18, 18-20 Salmo 30, 5-6. 14. 15-16 Pag-ibig mo’y walang maliw kaya’t ako’y

Read More »

Martes, Marso 3, 2026

 1,872 total views

 1,872 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top