694 total views
Ating inaalala sa araw na ito si San Juan Bautista, na kung saan ipinaglaban niya ang katotohanan hanggang sa kaniyang huling hininga. Itinuro niya sa atin na mahalaga na huwag tayong matakot na ipaglaban ang katotohanan, ang pagiging tapat, at tumayo para sa ating kapwa na ginigipit, iniipit, at pinagsasamantalahan. Higit sa lahat, ang pagbabago hindi lamang sa ikabubuti natin, kundi pati na rin sa ikabubuti ng ating mga kapatid.