Quiapo Church, nagpaabot ng pakikiramay sa nasawing deboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total views

Nagpahayag ng kanilang pakikiramay ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa pagkamatay ng isang deboto matapos ang pakikibahagi sa Traslacion ng Poong Hesus Nazareno 2018 na tumagal ng 22 oras.

Ayon kay Fr. Douglas Badong- Parochial Vicar ng Quiapo Church, nabigyan naman ng paunang lunas ng medical volunteer ang biktima at agad na naisugod sa pagamutan.

“Sinikap po ng ating medical volunteer na sya ay mabigyan ng tulong at isinugod sa hospital. Ang sabi po kasi siya ay may karamdaman, at naghihintay sa pagdaan ng Nazareno nang makaranas ng paninikip ng dibdib,” ayon kay Fr.Badong.

Si Ramil Dela Cruz, isang deboto ng Nazareno ay dating jail officer na nasawi nang isugod sa Jose Reyes Memorial Center makaraan makaranas ng pagkahilo.

Sinabi pa ni Fr. Badong na hindi naman nagkulang ang pamunuan ng Quiapo Church maging ang lokal na pamahalaan ng Maunila na paalalahanan ang mga deboto lalu na yaong may mga karamdaman at matatanda na huwag nang sumama sa prusisyon upang maiwasan ang mga ganitong insidente.

“Lagi naman po kami nagpapaalala kung kayo ay may karamdaman, matatanda huwag na po sumiksik lalu na po sa dami ng tao kasi nga dahil delikado,” ayon kay Fr. Badong.

Tiniyak naman ng pari na magpapaabot ng tulong pinansyal ang simbahan sa nasawing deboto at personal na magtutungo sa burol para makiramay.

“Kami po ay nakikiramay at handa rin namang tumulong. Dadalawin din po siya ni Msgr. Coronel kung saan siya nakaburol,” ayon pa kay Fr. Badong.

Sa tala ng Quiapo Command Center higit sa 1,000 katao ang naitala sa medical reports kung saan kalimitan ay dahil sa hirap sa paghinga, hypertensions at mga sugat sa paa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 15,934 total views

 15,934 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 86,046 total views

 86,046 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 160,661 total views

 160,661 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 240,739 total views

 240,739 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 283,339 total views

 283,339 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top