Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Rehab, isasagawa ng Diocese of Iligan sa IDPs ng Marawi

SHARE THE TRUTH

 1,247 total views

Labis ang pasasalamat ng Diocese of Iligan sa mga tulong na dumarating mula sa iba’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika para ipamahagi sa mga Internally Displaced Persons na lubhang apektado ng kaguluhan sa Marawi.

Ayon kay Fe Salimbangon, Social Action Coordinator ng Diocese of Iligan, kasalukuyan silang nagsasagawa ng liquidation sa mga tulong na ibinahagi sa kanila ng iba’t-ibang grupo.

Bagamat kulang sa manpower, aminado si Salimbangon na hindi maaring ipagwalang bahala ng Diocese ang maayos na liquidation and accountability para matiyak sa mga donors na nakakarating at naipapamahagi sa Marawi bakwits ang mga tulong.

Unang nagbahagi ang Caritas Manila ng P500 libong piso at 100 cavan ng bigas habang pinoproseso ang pagpapadala muli ng P500-libong pisong cash para sa patuloy na relief at rehabilitation program ng Diocese of Iligan.

Tumulong din ang Caritas Philippines, Catholic Relief Services, Diocese of Tagbilaran, Diocese of Tagum, Butuan, Archdiocese of Ozamis at Zamboanga sa Diocese of Iligan para sa mga biktima ng digmaan sa Marawi.

Inihayag ni Diocese of Iligan outgoing Social Action Director Father Albert Mendez na ang pagtutulungan ay pagpapakita lamang ng masigasig na pakikiisa at pag-alalay ng Simbahang Katolika maging sa mga kapatid nating Muslim.

Nauna rito, personal na namahagi ng tulong ang Caritas Manila, Diocese of Iligan at Radio Veritas sa mga lumikas na residente ng Marawi na nasa mga evacuation center.

Read: Simbahan, naghatid ng tulong sa Marawi bakwits

Batay sa datos, mahigit sa 78 libong pamilya ang apektado ng kaguluhan sa Marawi City kung saan dumarami na rin ang bilang ng mga nasawing evacuees sa iba’t-ibang evacuation centers sa Iligan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,360 total views

 5,360 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,947 total views

 21,947 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,316 total views

 23,316 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,974 total views

 30,974 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,478 total views

 36,478 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest News
Rowel Garcia

Ihalal ang mga hindi makasariling pinuno

 1,789 total views

 1,789 total views Pumili ng lider na may katangian ng isang mabuting pastol at hindi makasarili. Ito ang panawagan ni Diocese of Kabankalan Bishop Louie Galbines

Read More »
Politics
Rowel Garcia

Boundary sa pangingisda, alisin na

 1,237 total views

 1,237 total views Ito ang naging pahayag ni Lipa, Batangas Archbishop Emeritus Ramon Arguelles matapos na mailigtas ang animnapu’t limang mga Pilipinong mangingisda na nahuling iligal

Read More »
Election Live Coverage
Rowel Garcia

Simbahan, handang makipagtulungan kay Duterte

 1,254 total views

 1,254 total views Tiniyak ni Caritas Philippines na bukas ang Simbahan sa pakikipagtulungan sa bagong administrasyon basta’t ito ay para sa kapakanan ng taongbayan at hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top