Mutual cooperation, susi ng kapayapaan at kaunlaran ng bansa

SHARE THE TRUTH

 229 total views

Ito ang panawagan ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa taumbayan upang ganap na matamasa ang kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Iginiit ni Bishop Santos na maiiwasan lamang ang kasamaan at ang mga sumisira sa bayan kung magkakasamang maninindigan ang mamamayan laban sa mga ito.

“Ang magandang panawagan yung mutual cooperation magtulungan, sino pa ba ang magkakasama, ang magkakapitan kundi tayo na rin. Kailangan natin ang bawat isa at nang ating bansa, kaya magtulungan at kapag may tulungan at damayan may kapayapaan at maiiwasan natin yung mga kasamaan at mga bagay na makakasira sa atin…”pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, naunang umapela ng tulong sa publiko ang Armed Forces of the Philippines para sa pagiging alerto.

Sinabi ng A-F-P na ang pagtiyak sa peace and order ay isang shared responsibility na tungkulin ng bawat mamamayan sa komunidad hindi lamang ng mga sundalo at pulis kundi maging ng bawat mamamayan.

Ayon sa A-F-P, malaki ang maitutulong ng bawat isa sa pagbibigay ng impormasyon upang ganap na mabantayan ang bawat pamayanan mula sa mga kahinahinalang gamit o tao sa komunidad.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang opensibang isinasagawa ng puwersa ng pamahalaan laban sa Maute group sa Marawi City.

Sa pinakahuling datos ng A-F-P at D-S-W-D, umaabot na sa mahigit 400-katao ang nasawi sa labanan habang mahigit sa 400-libong mamamayan na ang apektado ng bakbakan na maitinuturing na bilang isang humanitarian crisis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,878 total views

 24,878 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,883 total views

 35,883 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,688 total views

 43,688 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,246 total views

 60,246 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,978 total views

 75,978 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top