153 total views
Pinuri ng National Economic Development Authority (NEDA) ang naging estratehiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa nakalipas na isang taon.
Binigyang-diin ni NEDA Undersecretary for Planning and Policy Rosemarie Edillon na ang pagtugon sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng bansa partikular na ang kahirapan at kakulangan ng modernong imprastruktura ay isang magandang hakbang na ginawa ng pangulo.
“Very strategic yung mga naging actions at yung mga naging decisions ng pangulo. Sinimulan nya yung para doon sa talagang pinakamahihirap natin, tapos nandiyan na rin yung focus on service orientation, mas pinalawaig yung validity ng sa license at passport, yung paggawa ng Philippine development plan, ito yung naging unang mga hakbang niya,” pahayag ni Edillon.
Tinukoy ni Edillon ang pagiging organisado at paglalahad ng administrasyon ng kanilang plano sa publiko.
Sa scorecard na 1-10 kung saan sampu ang pinakamataas, 8 ang grado ng N-E-D-A kay pangulong Duterte.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority, lumago sa 7.1-percent ang ekonomiya ng bansa sa ang unang tatlong buwan ni Pangulong Duterte, mas mataas sa 6% na Gross Domestic Product sa parehong panahon noong 2015.
Kaugnay nito ay positibo ang N-E-D-A na maaabot ng administrasyon ang target na 6.5-percent hanggang 7.5-percent na GDP growth sa mga susunod na taon at mapanatili ang estado ng Pilipinas na may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa buong Asya.
Una nang ibinahagi ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang isang tunay na maunlad na bayan ay ang bayang ginagalang ang karapatan ng mga mamamayan at bayang nakasentro ang pag-usad sa Dakilang Maylalang.