24,957 total views
DRUG REHAB HINDI PAGPATAY
Ang simbahan ang magbibigay ng guidance sa community na eto yung mga mabubuting gawin. In fact, marami kaming mga engagement with the church halimbawa kabahagi kami ng koalisyon ng mga organisasyon na nagsusulong ng community rehabilitation ng mga drug addicts, ‘yun tamang paraan para i-convert hindi ‘yung pagpatay. Kabahagi kami ng grupong yun. May mga social action centers na mga partner namin sa Angat Buhay, sila yung tumutulong sa amin mag-identify ng mga taong dapat tulungan or gumagawa ng ground work for us. Kasi talagang simbahan lang ‘yung may ganung capacity. Yung simbahan ang andun sa pinaka-sulok ng ating bansa. At yung simbahan din ang yung dinudulugan ng mga tao sa oras ng kagipitan whether sa sakuna yan, problema sa kabuhayan, walang kinakain. Yung tao ang tendency ang simbahan ang unang pupuntahan.
SIMBAHAN AT PAMAHALAAN
So sa akin, napakahalaga yung role ng simbahan at napakahalaga sa Gobyerno sana to partner with the Church. Kapag ang pamahalaan partner yung simbahan nasa tama sanang landas ang patutunguhan. Dapat sana tinitingnan ng pamahalaan ang pinakamaigeng partnership na kaya nyang gawin with the church. Kasi yung paghuhubog ng Filipino as better citizen magagawa nya ‘yun with the help of the church. Kaya sa akin sana hindi dapat tinitingnan na kalaban ang simbahan. Sana tinitingnan na partner kasi kapag nag-join forces ang pamahalaan at simbahan marami ang magandang pwedeng gawin.
KOMUNIKASYON SA PANGULO
Wala na akong access. Nung nasa cabinet meron. Nung nasa cabinet ako pinaparating ko sa kaniya ang mga problema. Pero pinaparating namin ang mga problema sa mga agencies. Maraming mga agencies na sinusulatan namin ng mga problemang nakikita namin, mga problema on the ground. Unfortunately may mga agencies na hindi responsive. Ang experience mas mabuti yung mga regional offices, ang local offices ng mga agencies siguro sila yung first line na nakakausap ng mga tao mas yung sense of urgency mas grabe.
CORRUPTION at PAGLIPAT NG MGA TAONG MAY ISYU
Ang nawawala sa atin because of corruption grabe. Ako in all honesty I was very hopeful nung pag-upo ng Pangulong Duterte kasi isa ito sa ipinaglalaban nya at nakita ko naman yung political will nandiyan. Pero para sa akin hindi napanindigan ang laban sa korupsyon. Kasi maraming korupsyon na lumalabas ngayon, wala namang napaparusahan napo-promote pa yung gumagawa. Hindi lang ito sa CUSTOMS pero marami ng iba na na-find out na involve sa corruption hindi naman napaparusahan. So ano ang mensahe na ibinigay natin sa mga kawani ng gobyerno na ‘okay lang kumurakot’ basta kakampi mo ang pamahalaan. Ang pinakamalaking ‘deterrent’ ng corruption kapag pinarusahan. Pero walang ganun ,walang aksyon. Kapag ganito erosion ng trust ng tao sa pamahalaan grabe. Kapag walang tiwala ang tao sa pamahalaan hindi mo maasahan na magiging cooperative sila.
PAGTAAS NG PRESYO NG BIGAS
Tingin ko kaya tayo naging ganito kaya lumalala ng ganito ang inflation dahil sa kapabayaan ng pamahalaan. Maraming external na factors, halimbawa ang mataas na presyo ng langis worldwide. Pero dapat sana na-arrest natin yung epekto nito kung maaga tayong umaksyon. Halimbawa yung pagtaas ng presyo bigas kasalanan natin yun, hindi yun kasalanan sa labas. Kung kataasan ng presyo ng bigas kasalan ng NFA, to a certain extent kasalanan ng DA. At kasalanan din siguro ng pamahalaan in general. Sinasabi ko na umaksyon, umaksyon.Parang masyado naging kampante na lilipas din ito. Last year pa ito nagsimula, yung signs nandyan late last year, lumala nung summer pero parang ang bagal ng aksyon. Inefficient dito ang gobyerno. Halimbawa, hinayaan ang away sa loob ng NFA pati sa DA. Yung disagreement sa policy got in the way of government acting swiftly. Yung pinag-awayan nila before whether to import or not. Dapat sana noon nag-step na kaagad si Pangulo nagsabi na siya na ‘ito ang gusto kong mangyari’ para naaksyunan na. Nagdecide na mag-import pa din too late. Darating ang imported na bigas ng Nobyembre kung kailan panahon ng ani. Kung inasikaso na ito before hindi na dapat lumala.
INFLATION
Halimbawa, sa Bicol tayo ang number 1, ang epekto ng inflation sa atin inflation 10.1 percent. Napakataas nya sa national average kasi ang national average less than 7 percent. Parang napaka-insensitive natin sa epekto nito sa ordinaryong mamamayan. Sa atin, nagrereklamo tayo pero makakain pa tayo. Pero may mga taong hindi ganun. May mga taong hindi nakakareklamo pero hindi na rin nakakakain.
HUMAN RIGHTS
Parang tini-twist kasi masyado kung ano gustong sabihin sa karapatang pantao. Sa atin, parang yung pamahalaan, parang dinepict nya yung human rights as something na istorbo sa ginagawa ng gobyerno. Hindi yun ganun, kasi ang human rights kaya tayo nakakain araw-araw, nakakapasok sa paaralan, yung respeto sa kababaihan, yung karapatan na makatanggap ng magandang serbisyo sa kalusugan lahat ‘yun bahagi ng human rights. At hindi gustong sabihin na paghiningi mo na irespeto ang karapatang pantao ay hinaharangan mo yung pamahalaan. Dapat ang pagtingin dito ng pamahalaan na sa lahat ng ginagawa nya sinisuguro nya na napapangalagaan yung karapatang pantao. Ang human rights universal ito. Nakadikit ito sa ‘yo hindi ito something na pwedeng tanggalin. Inherent ito, at obligasyon ng pamahalaan na protektahan ito. Obligasyon naming na in everything that we do ‘yun yung pinaka-primary sa lahat na sinisiguro na nirerespeto yung karapatang pantao ng bawat mamamayan.
PAGTINGIN NG PANGULO SA MGA BABAE
Wala naman ako sa posisyon na maggawa ng sweeping na observation. Nung nasa kabinete ako talagang mahilig siyang magbiro. In all fairness to the president naging very civil sya sa akin even after wala na ako sa cabinet. Ako ang tingin ko, alam nya na wala naman akong hangarin. Ako tingin ko genuinely alam nya ‘yun. Siguro nadadala lang sa sinasabi ng ibang nasa paligid kaya maraming paniniwala na hindi rin tama. Halimbawa, yung dahilan ‘yung pagtanggal sa akin sa kabinete inakusahan ako na sumama ako sa iasng rally sa Edsa na hindi ko naman ginawa. Yun kasi dangerous na precedent na umaaksyon ka sa isang bagay based on wrong information. Sa akin nakakabahala ito kung namumuno ka, pinamumunuan mo yung bayan tapos may nagsasabi sa ‘yo ng mga information na hindi totoo. Kaya ito rin ang danger ng Tokhang-tokhang di ba. Pag kinikikitil mo ang buhay ng tao based on wrong information, kahit pa nga tama ang information hindi pa rin tama. Pero sana may recognition na obligasyon na hindi ka aaksyon hanggang walang katotohanan. Yung katotohanan parang walang espasyo sa trabaho namin na magkamali.
RECOUNT
Sana soon. Yung pinakahuling desisyon ng Supreme Court na pinanigan yung aming motion ang laking bagay noon. We are still leading, walang dapat ikabahala kaya dapat matapos na para walang platform for fake news. Mensahe sa publiko (bold letters) Huwag nating iasa lahat sa pamahalaan, kung ano ang magagawa natin, walang maliit walang sayang na effort. Yung lahat ng magagawa natin para kababayan natin na nangangailangan. Kapag pinagsama-sama ito napakalaking bagay na. yung kahirapan damang-damang, I’m sure yung simbahan dahil sila ang nasa baba yung every little bit of help napakalahalaga. Magpull tayo ng resources together, yung energies together para makatulong. Pag ginawa natin ito as one community ‘yung multiplier effect nito malaki.