Lahat ng tao, may pagkakataong maligtas at makasama sa kaluwalhatian ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total reads

Sinasaad sa Gaudium Et Spes o Pastoral Constitution in the Modern World na bawat tao ay binigyan ng pagkakataon na maligtas at makasama sa kaluwalhatian ng Diyos.

Kabilang dito ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga batang biktima ng aborsyon o hindi sinasadyang isinilang ng wala sa panahon at namatay.

“Turo ng Simbahan, sinasabi that God gives to each person the opportunity the chance to be save. So, no one is done in hell unless that person rejects the love of God. Kung hindi ni-reject ang love of God ng taong ‘yun mapupunta yun sa kaharian ng langit. Kaya ang taong na-abort o kaya nakukunan o kaya yung mga sanggol na nakalabas na subalit wala pang kaisipan ang mga iyan ay dapat nating asahan na napapasakaharian ng ating Amang nasa langit,” paliwanag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Sa tala, taong 1997 bagama’t ilegal sa Pilipinas ang aborsyon tinatayang umaabot sa 400 libo ang mga na-abort sa bansa batay sa datos ng World Health Organization.

Ayon pa sa ulat, 70 porsiyento sa mga ito ay dahil sa ‘unwanted pregnancies’.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang mga batang walang muwang ay nakakatiyak na bibiyayaan ng awa ng Panginoon.

Inihayag ng Obispo na sinasabi sa katuruan ng Simbahan na ang sinumang hindi tinalikuran ang pagmamahal ng Diyos ay tiyak ang lugar sa langit tulad ng mga batang pumanaw dahil sa sakit o wala pang sariling kaisipan.

Sinabi naman ng Obispo na malaki ang responsibilidad ng bawat magulang na ibigay ang lahat ng pagkakataon na mailapit ang kanilang anak sa Panginoon sa pamamagitan ng mga sakramento ng simbahan.

“Lahat ng maitutulong ng Simbahan para sa kaligtasan ng bata, para din sa ikababanal ng bata. The parents are the first educator of children. Isang pinakaunang responsibilidad na bigyan ng lahat ng tulong na bigyan ng binyag. Na ang batang ‘yan ay magkaroon ng super natural help na mula sa Diyos na mamuhay bilang anak ng Diyos,” ayon pa sa Obispo.

Dagdag pa ng Obispo, maari ding binyagan ng mga magulang ang kanilang bagong silang na sanggol lalu na’t nasa bingit ng kamatayan o may malubhang kalagayan at maaring hindi na umabot pa sa Simbahan.

Payo naman ni Bishop Bacani sa mga magulang na nawalan ng anak sa batang edad na ipaubaya na sa Panginoon at umasang igagawad ng Diyos ang kaniyang pagpapala at pagmamahal sa mga pumanaw.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 46,984 total reads

 46,984 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 162,791 total reads

 162,791 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 248,160 total reads

 248,160 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 294,900 total reads

 294,900 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 342,767 total reads

 342,767 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 438,664 total reads

 438,664 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 46,985 total reads

 46,985 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top