Kawalan ng accountability ng mga opisyal ng pamahalaan, pinuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang naging talumpati sa pagbisita sa Pilipinas ang hamon sa mga pulitiko na unahin ang kapakanan ng taong bayan at talikdan ang anumang uri ng katiwalian na isang salik sa patuloy na paghihirap ng taumbayan.

Sa ganitong konteksto, nagpahayag ng pagkadismaya si Rev. Fr. Atillano “Nonong” Fajardo – Chairman ng Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry sa kawalan ng accountability o pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga nagaganap na katiwalian.

Tinukoy ng Pari ang ginagawang paglilipat lamang sa ibang ahensya ng Administrasyong Duterte sa mga opisyal na nauugnay sa katiwalian sa iba pang sangay ng pamahalaan tulad ng paglilipat kay Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“Alam mo yung pagkalipat niya sa TESDA sa totoo lang, dapat una hindi siya inilipat dun, kasi dapat ni-relieve siya dahil may kaso pa siya dun (BOC). Hindi pa nga nareresolba inilipat na siya kahit nga ilipat siya sa TESDA hindi dapat na ginagawa yun at this point in time, pero the very fact na may kaso siya ibig sabihin nun magpapatong lang…” pahayag ni Father Fajardo sa panayam sa Radio Veritas.

Iginiit ni Fr. Fajardo na sa halip na ilipat ng ahensya o posisyon ang mga opisyal na may kasong ng katiwalian ay dapat tuluyang tanggalin ang mga ito sa posisyon upang maimbestigahan at mapanagot sa kanilang nagawang kasalanan.

Ipinaliwanag ng Pari na dahil sa paglilipat lamang sa mga opisyal na may kaugnayan sa mga anomalya at katiwalian ay nawawala rin ang accountability o pananagutan ng mga ito sa taumbayan.

“Hindi sila nagkakaroon ng accountability sa batas meron silang accountability dun sa Presidente, nirerelyebo lang sila so ibig sabihin kapag ni-relyebo lang sila ng Presidente yung kanilang dapat na accountability nawala na. Very very dangerous kasi parang pinatawad sila ngayon meron na silang utang na loob na naman sa Presidente at ganun yung nangyayari sa lahat ng officers, lipat lang ng lipat. inililipat lang yan sa kung saan saan, nawala na yung accountability sa taumbayan, sa batas tapos ngayon nagka-ikot ikot lang yan, so nakakalungkot yung ganung pamamaraan na nangyayari ngayon…” Dagdag pa ni Fr. Fajardo.

Ikinatwiran naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglilipat kay Lapena ay matagal ng plano ng Pangulo upang mailigtas ang naturang opisyal mula sa mga intriga.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 47,836 total reads

 47,836 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 164,993 total reads

 164,993 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 250,362 total reads

 250,362 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 297,102 total reads

 297,102 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 344,969 total reads

 344,969 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 440,793 total reads

 440,793 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top