Mga residente, pinayuhang sundin ang babala ng lokal na pamahalaan sa bagyong Rosita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 346 total views

Hinimok ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang mga residente na apektado ng Bagyong Rosita na sundin ang mga kautusan ng paghahanda ng mga lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.

“Manatili pong nakahanda kasi hindi po natin alam ang mga nangyayari bagama’t pahina na ang hangin. Basta kung anuman ang sabihin ng Local Government units natin ay makipag-ugnayan at sundin para sa ikabubuti natin at magdasal po tayo para sa sakuna na ito maiwasan natin at ipagdasal din ang mga nasalanta ng bagyong Rosita sa ibang lugar lalu na sa Isabela kung saan ito naglandfall,” ayon kay Bishop Presto sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, bukod sa pagdarasal sa kaligtasan ng lahat ay mahalagang patuloy na maging handa lalu’t hindi batid ang badya ng panahon.

Nangangamba rin ang obispo sa mga kabuhayan ng mga residente na maaring maapektuhan ng bagyo.

“Ang pinangangambahan nga lang ay ang mga pananim sa mga bukirin. Ready for harvest na yun mga ‘yun at ito ay baka pag umulan nakadapa ang mga palay natin baka masira yan ang pinangangambahan ng karamihan,” ayon sa Obispo.

Pangunahing produkto ng mga taga-La Union ay palay, mais, mga prutas at gulay bukod pa sa pangingisda.

Ang La Union ay kabilang sa pinakamataas na produksyon ng palay sa bansa.

Sa kasalukuyan ayon sa obispo ay malakas ang hangin sa La Union subalit wala pa namang pag-ulan habang nakataas na rin ang Signal number 3 sa kanilang lugar.

Dahil sa babala ng bagyo na signal number 3, walang pasok sa mga tanggapan at lahat ng antas ng paaralan sa La Union.

Diocese ng Ilagan, Isabela

Ayon sa Ilagan Social Action Center, wala ng kuryente sa 34 na munisipalilidad ng Isabela at ilang mga bahay ang nasira sa pagdaan ng bagyong Rosita.

May 151 pamilya na rin ang inilikas mula sa munisipalidad ng Benito Soliven, Echague at San Isidro habang ilang mga simbahan din ang bahagyang nasira sa mga nasabing lugar.

Naghahanda na rin ang diyosesis ng pamamahagi ng relief goods sa higit na naapektuhang lugar lalu na sa Southern Isabela.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 45,069 total views

 45,069 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,938 total views

 40,938 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 77,140 total views

 77,140 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,901 total views

 85,901 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,395 total views

 111,395 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top