Archbishop Caccia, sinaksihan ang ‘March of the Saints’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total views

Binigyang pagpupugay ng mga kabataan sa iba’t-ibang Parokya ang mga Santo sa pamamagitan ng pagbibihis na tulad sa mga ito.

Nakiisa si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop. Gabriele Giordano Caccia sa isinagawang March of the Saints ng Good Shepherd Parish sa Diocese of Parañaque.

Isinagawa ang March of the Saints noong ika-27 ng Oktubre, alas 2:30 ng hapon na at sinundan ito ng banal na misa nang alas 6:00 ng gabi.

Ito ay bahagi ng paggunita ng Parokya sa nalalapit na ‘All Saints Day’ upang bigyang pagkilala ang mga banal na naglingkod sa Simbahan at patuloy na nagiging inspirasyon para sa mga mananampalataya.

Layunin din nito na mahimok ang mga kabataan na tularan ang naging buhay ng mga Santo at makibahagi sa kanilang kabanalan upang lalo pang mapalapit ang bawat isa sa Panginoon.

Kasabay ng March of Saints, binuksan din ang ‘Year of the Youth sa Good Shepherd Parish’ at inaasahang lalo itong magbibigay ng inspirasyon at kalakasan sa paglilingkod ng mga kabataan.

Pinangunahan naman ng Youth Ministry ng San Felipe Neri Parish (SFNP) sa Mandaluyong ang pagdaraos ng ika-anim na taon ng kanilang Holy-Win: Dress Like A Saint Contest noong linggo ika-28 ng Oktubre.

Ayon sa Youth Ministry, layunin ng kanilang grupo na hikayatin ang mga bata at kabataan na tularan ang mga banal sa halip na magsuot o gayahin ang mga nakakatakot na imahe.

Maliban sa pagdadamit na tulad ng sa mga banal umaasa din ang Youth Ministry na ang ganitong aktibidad ay makakahikayat sa bawat mananampalataya na maging sa pag-uugali ay masalamin din sa bawat isa ang kabanalan.

“Each area, Ministry, and Organization of the Parish, together with the Parishioners, where highly encourage to participate in the activity to replace the secular celebration of the Halloween with a Sacred and meaningful one and to encourage the children, the youth and the adults to become Models of Holiness by imitating the Saints,” bahagi ng pahayag ng SFNP Youth Ministry

Ang Holy-Win: Dress Like A Saint Contest ay nagkaroon ng tatlong kategorya, ang una ay Children’s Category na mula edad 5 hanggang 12, sumunod naman ang Youth Category na may edad 13 hanggang 25 at ang Adult Category na 26 na taong gulang pataas.

Umabot sa 63 ang bilang ng mga sumali sa pagtitipon na nagmula sa walong iba’t-ibang organisasyon sa parokya.

Nagsimula ang pagtitipon sa pagmamartsa at pagpapakilala sa bawat kalahok, sinundan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa pangunguna ni Father Hans Magdurulang, Parochial Vicar ng San Felipe Neri Parish, at matapos ito ay binigyang parangal ang sampung napiling nagwagi sa patimpalak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,991 total views

 44,991 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,860 total views

 40,860 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 77,062 total views

 77,062 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,823 total views

 85,823 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,320 total views

 111,320 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,751 total views

 324,751 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top