Pamilya, maaring magbasbas sa puntod ng mga pumanaw na mahal sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 648 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na mag-ingat sa mga pekeng Pari sa mga sementeryo.

Ang babala ni Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ay kasabay na rin ng paggunita ng ‘Todos Los Santos’.

Ipinaliwanag ng Obispo sa mga mananampalataya na maari naman ang pamilya na ang magbasbas sa mga puntod ng kanilang kaanak sa pamamagitan ng panalangin para sa mga namayapa na ipinamamahagi ang kopya sa mga Parokya.

“Tayo na mismo ang magbasbas sa ating mga patay. Huwag na mag-imbita sa kanila. Tayo na mismo pag-nandun tayo sa sementeryo tayo na magdasal maari namang kumuha ng Holy Water sa Simbahan at puwede mag-bless ng patay. Kaya hindi na tayo kailangang mag-imbita ng nandiyan na hindi natin kilala. Mayroon ding prayer na makukuha sa Parokya,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tiniyak ng Obispo na walang bayad ang pagbabasbas ng mga pari sa mga puntod na maaring samantalahin ng mga pekeng pari para pagkakitaan.

Ayon naman kay Fr. Stephen Espinosa ng Archdiocese ng Lingayen-Dagupan, hingin sa mga nagpapakilalang pari ang kanilang ‘celebret’ o ang katibayan bilang isang pari.

“Karaniwan namang ginagawa ng mga lehitimong pari kapag pumapasyal sa Catholic cemeteries ay basbasan ang lahat ng mga puntod. Kumbaga hindi naman pupunta ‘yan puntod to puntod’ upang magtanong kung ikaw ba ay magpa-bless at mamaya ay maniningil. Usually ay panglahatan,” ayon kay Fr. Espinosa.

Ang All Souls Day ay ipinagdiriwang ng Nov. 2, subalit tradisyunal na ipinagdiriwang ng mga Filipino ang ‘Araw ng mga Patay’ at pagpunta sa sementeryo tuwing ‘All Saints Day’ o sa unang araw ng Nobyembre.

Higit naman sa 32 libong mga pulis at 87 libong mga volunteers ang itinalaga ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan para pangasiwaan ang kaligtasan ng mga dadalaw sa mga puntod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 87,834 total reads

 87,834 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 134,821 total reads

 134,821 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 182,692 total reads

 182,692 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 286,640 total reads

 286,640 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 368,788 total reads

 368,788 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top