Pagkakasagip ng mga OFW sa Denmark, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 457 total reads

Ikinatuwa ng Obispo ang pagkasagip sa mga Overseas Filipino Workers sa Denmark na nakararanas ng hindi kaaya-ayang pamumuhay sa kanilang pinagtatrabahuan.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, magandang balita ito para sa kamag-anak ng mga biktimang OFW at nakababawas sa kanilang alalahanin.

“It is a huge relief and consoling news that our 22 OFWs in Denmark were rescued from demeaning and dehumanizing living conditions.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Dahil dito hinimok ng Obispo ang pamahalaan na pag-ibayuhin ang pagsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga Filipinong naghahanapbuhay sa ibayong dagat.

“The Government priority should always be the protection and preservation of rights and dignity of our OFWs. All means and government resources should be used for the promotion of wellbeing.” ani ng Obispo.

Iginiit ng Obispo na dapat mapanagot at maparusahan ang mga mapanamantala at pabayang indibidwal na nambibiktima ng mga maliliit na manggagawa at walang boses sa lipunan.

Kaugnay dito, nagpasalamat ang Department of Foreign Affairs sa mga otoridad ng Denmark na tumulong sa pagsagip sa 22 OFW sa Padborg Denmark na pawang mga truck drivers.

Tiniyak ng Department of Labor and Employment na kumikilos ang pamahalaan upang imbestigahan ang sitwasyon at makamit ng mga OFW ang katarungan.

Magugunitang sa ensiklikal ni Pope John XXIII na Mater Et Magistra o On Christianity and Social Progress binigyang diin dito na nararapat magtulungan ang lahat ng institusyon ng Simbahan at estado sa pagtataguyod ng kabutihan at pagsusulong sa dignidad ng buhay ng tao.

Batay sa ulat ng Interagency Council Against Trafficking ng Estados Unidos noong 2017, tinatayang sampung milyong Filipino sa ibayong dagat ang biktima ng sex trafficking at forced labor habang tumataas naman ang bilang ng sex child trafficking sa mga malalayong kanayunan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 9,077 total reads

 9,077 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 45,577 total reads

 45,577 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 266,197 total reads

 266,197 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 300,867 total reads

 300,867 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 316,219 total reads

 316,219 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top