Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

SHARE THE TRUTH

 34,444 total views

Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang mga nagawa nito sa bansa bago bantaan ang kaniyang mga kritiko.

Ayon sa Obispo, kung nagbibiro na naman ang Pangulo ay hindi na dapat ito pansinin subalit kung seryoso si Duterte sa kanyang pahayag ay maaaring wala na ito sa katinuan.

“Una sa lahat tingnan natin baka nag-jo-joke na naman siya. Pero kung hindi siya nag-jo-joke, yan po ay isang concern na masasabi nating may serious [problem] ang presidente, he is out of his mind.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Bishop Pabillo na bahagi ng demokrasya sa bansa ang paghahayag ng mga puna sa mga namumuno sa bayan upang mas mapabuti ang kalagayan ng lipunan.

Ayon sa Obispo, hindi dapat gamiting solusyon ang pagpatay sa mga kritiko upang maipakita na inaalala ng isang pinuno ang kanyang bansa.

Iginiit ng Obispo na ang tunay na “concern” o pag-alala sa bayan ay naipakikita sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga punang ibinabato sa administrasyon.

“Ba’t hindi n’ya tingnan yung kan’yang pamamahala? Kasi may problema talaga s’ya sa kan’yang pamamahala na marami sa mga pangako n’ya hindi naman natutupad at naghihirap yung bayan, so yun dapat ang kanyang tingnan. Sa halip na kapag may nagpupuna sa kan’ya ang kanyang solusyon ay patayin ang solusyon n’ya dapat, kung talagang concerned s’ya sa bayan ano yung mga pagpupuna tama ba?” dagdag pa ng Obispo.

Iginiit ng Obispo na lahat ng mamamayan ay may pakialam sa bayan kaya naman mas dapat pang pasalamatan ng pangulo ang kan’yang mga kritiko dahil nais lamang nitong makatulong sa pagsasaayos ng bansa.

Nanindigan naman si Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo na ang pagiging tahimik ay matibay na palatandaan ng hindi pagsang-ayon.

Ito ang tugon ng Obispo sa panibagong pahayag ni Duterte na patayin ang mga Obispo.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na dapat ipadama sa Pangulo na binabalewala at hindi pinakikinggan ang kaniyang mga sinasabi sa taumbayan.

“Minsan silence is a sign of protest. Minsan silence can be a stronger …meaning of saying no,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Sa pahayag ni Pangulong Duterte awarding ceremony ng 2017 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities na ginanap sa Malacañang tila hinimok nito ang mamamayan na patayin ang mga Obispo dahil sa pamumuna sa kaniyang pamamalakad sa bansa.

Magugunitang una nang inakusahan ng Pangulo si Caloocan Bishop at CBCP Vice President Pablo Virgilio David ng kurapsyon at isinangkot sa iligal na droga dahil sa hayagang pagpuna ng Obispo sa mga maling polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

Aktibo si Bishop David sa pagkalinga sa mga biktima ng iligal na droga sa pamamagitan ng inilunsad na Salubong program, isang Church at community based drug rehabilitation program ng Diyosesis ng Caloocan upang tulungan ang daan-daang lulong sa iligal na droga.

Bagamat sang-ayon ang Simbahan sa adhikain ng pamahalaan na sugpuin ang ipinagbabawal na gamot sa lipunan ay nanindigan din itong dapat pairalin ang tamang prosesong nakasusunod sa batas at hindi ang pagpaslang sa mga itinuturong sangkot sa iligal na gawain.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,042 total views

 6,042 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,026 total views

 24,026 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,963 total views

 43,963 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,156 total views

 61,156 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,531 total views

 74,531 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,182 total views

 16,182 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,803 total views

 71,803 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 97,618 total views

 97,618 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,930 total views

 135,930 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top