Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tutukan ang COVID-19 pandemic at Marawi rehab sa halip na Anti-Terrorism bill-AMRSP

SHARE THE TRUTH

 35,426 total views

June 4, 2020, 11:35AM

Manila,Philippines — Nagpahayag ng pangamba ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP sa pagpapasa ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Anti-Terrorism Bill na mag-aamyenda ‘Human Security Act of 2007′ na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag na inilabas ng grupo, nangangamba ito sa pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa pagpasa ng mga batas na lalabag sa karapatang pantao at freedom of expression ng mga Filipino.

Ayon sa AMRSP, dapat tutukan ng pamahalaan ang epektibong pagtugon sa pandemyang kinahaharap hindi lamang ng bansa kung hindi ng buong mundo bunsod na rin ng coronavirus disease.

“COVID-19 is the enemy in our midst. Terrorism is not our immediate concern. Marawi’s rehabilitation and the continued displacement of communities should be our priority. People’s health, safety and well-being should be first in our agenda.”pahayag ng AMRSP.

Iginiit ng grupo na masyadong malawak at hindi malinaw ang kahulugan ng terorismo at terorista sa batas na maaaring maging dahilan ng pang-aabuso at maling pagpapatupad ng nasabing batas.

Nanawagan rin ang grupo sa muling pagbubukas ng mga simbahan at parokya alinsunod na rin sa muling pagbubukas ng mga negosyo at mga malls.

Ayon sa grupo, mahalaga rin na mabuksan ang simbahan sa mga mananampalataya lalo sa mga frontliners na nangangailangan ng inspirasyon upang patuloy na labanan ang pandemya na COVID-19.

“Meanwhile churches remain under strict rules of 10 persons in a church activity. If we can open businesses and malls where surely mass gatherings and contacts can occur why can we not open churches so that our people may find solace and may partake of the body and blood of our Lord Jesus Christ? Our frontliners need most these places of worship to keep their sanity and draw inspiration to make them stronger in fighting the pandemic.” Ayon sa AMRSP

Samantala, unang kinondena ng Commision on Human Rights ang Anti-terror bill dahil maraming nakakabahalang probisyon sa panukalang batas na lalabag sa karapatang pantao ng mga ordinaryong mamamayan.

Read: https://www.veritas846.ph/anti-terror-bill-kinontra-ng-chr/

Nasasaad naman sa encyclical ni Pope Leo the 13th noong 1891 na Rerum Novarum na bagamat bahagi ng katungkulan ng pampublikong awtoridad na supilin at parusahan ang anumang paglabag sa batas ay nararapat na igalang ang karapatang pantao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 10,023 total views

 10,023 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 26,112 total views

 26,112 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 63,873 total views

 63,873 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,824 total views

 74,824 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 19,539 total views

 19,539 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 62,543 total views

 62,543 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 88,358 total views

 88,358 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 129,186 total views

 129,186 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top