Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sulat Pastoral sa Paglulunsad ng Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP) sa Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

 135,347 total views

Minamahal kong Bayan ng Diyos, maligayang kapistahan po ng Kristong Hari sa inyong lahat!

May dalawang bahagi ang sulat pastoral na ito. Ang una ay pagninilay sa ating ebanghelyo ngayon, Mateo 25: 31-46. At ang pangalawa ay pagninilay naman sa ebanghelyong pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP), Juan 21:1-19.

UNANG PAGNINILAY: MATEO 25:31-46

Simulan natin ang unang bahagi sa isang kuwentong isinulat ng Amerikanong awtor na si Mark Twain “Ang Prinsipe at ang Pulubi”.

Sa isang malayong bayan, may isang batang pulubi na di-sinasadyang nakatagpo ang isang batang prinsipe sa may bakuran ng palasyo. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Dahil sila’y magka-edad at malapit ang pagkakahawig sa isa’t isa, iminungkahi ng prinsipe sa kaibigang pulubi na magpalitan silang kasuotan. Bukod sa ibig maranasan ng prinsipe ang buhay sa labas ng palasyo, gusto rin niyang iparanas sa bagong kaibigan ang maginhawang buhay ng isang prinsipe. Kaya nagkabaligtad ang kanilang mga daigdig.

Doon sa labas ng palasyo, naranasan ng batang prinsipe ang lahat ng pinagdaanan ng kaibigan niyang batang pulubi—ang hirap, gutom at kalupitan. Naranasan din niya ang pagmamagandang-loob ng ilang tao, lalo na ng isang sundalong papauwi sa palasyo, galing sa giyera. Kilala niya ang sundalong ito ngunit hindi siya nakilala ng sundalo.

Mabilis na nagdaan ang isang taon. Minsan isang araw, umugong ang balita sa buong kaharian na ang Hari ay namatay na. Naging balita rin ang tungkol sa paghahanda ng buong bayan para sa pagluluklok sa trono ng magiging tagapagmana ng korona bilang bagong hari. Noon minabuti ng tunay na prinsipe na umuwi. Halos ipagtabuyan siya ng mga bantay nang sinikap nito na pumasok sa palasyo, ngunit mabilis na nakilala siya ng kanyang kaibigan.

Nabigla ang lahat nang kusang ilipat ng kaibigan ang suot nitong korona— sa ulo ng tunay na prinsipe na inakala ng lahat ay pulubi. Namangha rin silang lahat nang makita nila sa daliri ng pulubi ang singsing na nagtataglay ng selyo ng kaharian. Ito ang nag-iisang bagay na itinago ng prinsipe nang makipagpalitan siya ng lugar sa kaibigang pulubi. Ito rin ang nagsilbing patunay na siya nga ang totoong tagapagmana ng trono. Kaya ang lahat ay biglang lumuhod sa harapan niya nang makita ito. Kinilala siya at itinanghal bilang bagong hari ng buong kaharian.

Sa harapan ng lahat, kinilala ng bagong hari ang sundalong nagmalasakit sa kanya noong nasa labas pa siya ng palasyo. Nasorpresa ito nang gantimpalaan siya ng bagong hari at gawin siyang Heneral. Noon lang siya namulat na ang batang palaboy pala na minsa’y tinulungan niya ay ang tagapagmana ng trono ng kaharian.

Nabigla rin ang kaibigan na nakapalitan niya ng lugar. Handa na sana itong bumalik sa pagka-pulubi nang italaga siya ng bagong hari bilang Punong Ministro ng Kaharian upang tulungan daw ang hari sa pagtataguyod ng isang kahariang patas at makatarungan, mag-aangat sa kalagayan ng mga dukha at kapuspalad.

Hindi ako magtataka kung ang popular na kuwentong ito ni Mark Twain ay humugot ng inspirasyon sa ebanghelyong narinig natin ngayong araw ng kapistahan ng Kristong Hari.

Di ba’t ayon sa ebanghelyo, sa bandang dulo ng kuwento, nasorpresa daw ang mga matuwid na ang dukha kanilang pinagmalasakitan ay walang iba kundi ang Hari mismo. Sa kuwento ni Mark Twain, isang haring kusang bumaba sa trono, naghubad ng dangal ng maharlika at nakipagpalit ng lugar sa isang kapus-palad upang maranasan ang mga pinagdaraanan ng mga nagugutom, nauuhaw, hubad, palaboy, maysakit, at bilanggo sa lipunan. Siya ang mamumuno, kasama ng mga nakakikilala sa kanya, upang ang maghari sa daigdig ay habag, malasakit, katarungan at kasaganaan para sa lahat.
Sa 2 Cor 8:9, isinulat ni San Pablo, “Sapagkat alam ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na bagamat mayaman ay nagpakadukha alang-alang sa atin, upang sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo.” Siya ang Anak ng Diyos na nakipamuhay sa atin bilang Anak ng Tao, siya na naghubad ng kanyang dangal hanggang kamatayan sa krus ay itinaas at itinampok, upang sa ngalan niya ang sanlibutan ay lumuhod upang ipahayag na siya ang Panginoon, ang Hari ng Sanlibutan. (Filipos 2:6-11) Siyang Anak ng Diyos ang kusang loob na nagpakumbaba upang maiangat ang dangal ng mga tao sa pagiging mga anak ng Diyos.

Ang misyon ni Kristo ay misyon din ng Simbahan na sa bisa ng kaloob na Espritu Santo sa binyag ay kumakatawan sa kanya. Hindi ba’t ito rin ang isa sa mga adhikain ng PCP2? Ang maging isang simbahan ng mga dukha para sa mga dukha? Simbahang ang hangad ay maghatid ng buhay na ganap, katulad ng layunin ng Anak ng Diyos sa hatid niyang Mabuting Balita?

IKALAWANG PAGNINILAY: JUAN 21:1-19

Ang Panginoong nakikilala sa mga taong mapagkumbaba—ito rin ang diwa ng ebanghelyong paghuhugutan naman natin ng inspirasyon para sa tema ng inilulunsad nating DSPP: Juan 21:1-19. Katulad ng iba pang mga ulat tungkol sa pagpapakita ng Kristong muling nabuhay, hindi rin kaagad nakilala ng mga alagad ang Panginoon sa kuwento ito. Inakala nilang isang matandang pulubing nagpapalimos ng makakain ang kausap nila sa dalampasigan. Sa bandang dulo may sorpresa rin: ang akala nilang humihingi ng pagkain ang siya palang magpapakain sa kanila. Ang akala nilang nagdidilihensya ng isda ang siya palang magtuturo sa kanila kung paano manghuli ng maraming isda.

Kung mga tupa at pastol ang larawan sa naunang ebanghelyo, mga isda at mangingisda naman ang sa pangalawang ebanghelyo. Kung paanong sa Mateo 25 ang mga tupa ay kikilalanin ng Pastol at itatalaga niya bilang mga katuwang niya sa misyon ng pagpapastol, sa Juan 21 ang mga alagad na nagsimula na parang mga isdang nahuli sa lambat ng Panginoon ay ihahanda sa pagiging kapwa-Mangingisda para sa kaharian ng Diyos.

Ang simbahang sinodal ay sambayanan ng mga alagad na nakikipagkaisang puso’t diwa at nakikikahok sa gawain at misyon ng Panginoong ating Mabuting Pastol. Naging kaibigan siya ng mga abang mangingisda ng Capernaum sa may lawa ng Galilea. Nakipamuhay siya sa kanila at nakibabad siya sa mundo nila. Hinuli muna ang loob nila sa pahayag niyang Mabuting Balita bago niya sila tinuruan ng “ibang klaseng pangingisda” upang makasama niya sa panghuhuli ng loob para sa kaharian ng Diyos.

Ito ang diwang gagabay sa ating inilulunsad na DSPP (Diocesan Synodal Pastoral Planning) sa araw na ito. Gagawin natin ang buong proseso ng DSPP sa loob ng isang buong taon (2024). Sasabay tayo sa nagaganap na pandaigdigang Sinodo tungkol sa adhikaing maging simbahang sinodal na. Itataon natin ang simula ng implementasyon ng DSPP sa taon 2025, taon ng Hubileo ng Simbahang Katolika.

Magsisimula ito sa lipatan ng ating kaparian sa kani-kanilang mga bagong mga parokya at ministries sa Enero 2025. At ang magiging kasunod ng paglulunsad na ito ay apat na hakbang. Sa first quarter ng taon 2024, magkakaroon tayo ng marubdob na mga konsultasyon at pagpupulong. Isasagawa natin ito sa anyo ng “spiritual conversations” na harinawa’y totoong pamunuan ng Espiritu Santo. Sa kanya lang tayo magpapagabay para sa direksyon na dapat nating sundin bilang sambayanan ng mga alagad. Gagawin natin ito sa lahat ng antas ng simbahan: mula sa mga BEC, Kapilya, Mission Stations, Parokya, Bikaryado at Diyosesis.

Sa second quarter naman ng Taon 2024, gagawin natin ang ikalawang antas ng DSPP—ang Pagsusuri sa mga nakalap sa konsultasyon. Sa 3rd quarter noon tayo magdedesisyon kung aling mga hangarin ang bibigyan natin ng prayoridad sa ating pagpaplano. At sa 4th quarter, noon natin gaganapin ang aktwal na Pagbabalangkas ng mga Planong Aksyon ng DSPP para sa susunod na anim na taon.
Ang magiging simula ng Implementasyon mula sa taon 2025 matapos ang lipatan ng kaparian sa Enero ng buwang iyon ay ang sinodal na pagpaplanong pastoral naman sa mga parokya, mga Kapilya, mga Mission Stations at Mission Centers, at mga BEC (Basic Ecclesial Communities), sa isang paraan na naka-angkla sa DSPP (diocesan synodal pastoral plan).

Ang magiging tema ng ating sa DSPP ay huhugot ng inspirasyon sa Juan 21: 1-19. Hango ito sa sinabi ni San Pedro at ang mabilis na sagot ng mga kasama niya: “Mangingisda ako; sasama kami!” Tungkol naman ito sa ginawang pagpapakilala ng Kristong muling nabuhay sa kanyang mga alagad, upang sa pamamagitan ng kanilang pakikipagkaisang-puso’t diwa sa kanya at pakikilahok sa kanyang buhay at halimbawa, sila’y maihanda niya sa pakikibahagi sa kanyang misyon.

Ito rin ang gagawin natin sa DSPP na inilulunsad natin mula sa araw na ito. Ako na inyong Obispo, kasama ang lahat ng mga kapwa pinunong lingkod sa mga kaparian, relihiyoso at laiko ang gaganap sa papel ni Pedro. Kung paanong sinabi niya, “Mangingisda ako!” At isinagot nila sa kanya, “Sasama kami!” Inaanyayahan ko rin kayong lahat mula sa araw na ito na makiisa sa gawain at misyon ng simbahan sa Diocese of Kalookan. Mangingisda tayo. Kung handa na rin kayong sumama sa misyon, ang isasagot sa paanyaya ay SASAMA KAMI!

Mangingisda ako!
Sasama kami!
Mangingisda ako!
Sasama kami!
Viva Cristo Rey!
Mabuhay ang Kristong Hari!

+Pablo Virgilio S. David
Obispo ng Kalookan
26 Nobyembre 2023

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 33,837 total views

 33,837 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 40,061 total views

 40,061 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 48,754 total views

 48,754 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 63,522 total views

 63,522 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 70,642 total views

 70,642 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Pastoral Letter
Veritas Team

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 32,413 total views

 32,413 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi. Ito po ay galing kay propeta Malakias sa Biblia: “Narito pa ang isang bagay na inyong ginagawa. Dinidilig ninyo ng luha ang dambana ni Yahweh; nananangis kayo’t nananambitan sapagkat ayaw

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral tungkol sa Digmaan sa Gaza

 48,069 total views

 48,069 total views “Ang nakapinsala sa kapwa ay pipinsalain din, tulad ng kanyang ginawa. Baling buto sa baling buto, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kung ano ang ginawa niya gayundin ang gagawin sa kanya.” (Levitiko 24:19-20) Mga mahal kong Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Sumusulat ako sa inyo tungkol sa isang mabigat na nangyayari sa

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral Pagkatapos ng Halalan

 134,982 total views

 134,982 total views “Ang Panginoon ay papurihan, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa” (Awit 103:2) Mga minamahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay, Katatapos lang ng halalan. Iba’t iba ang damdamin na naglalaro sa puso natin. Huwag tayong magpadala sa mga damdamin o mga sulsol na magpapabigat ng ating puso. Sa halip na

Read More »
CBCP
Veritas Team

‘Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng kapwa’ (cf. Filipos 2:4)

 134,864 total views

 134,864 total views Mga Kapatid, Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.Filipos 2:3-4 Sa mga salita ng Apostol San Pablo, bumabati at nanawagan kaming

Read More »
Circular Letter
Veritas Team

Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020

 134,798 total views

 134,798 total views Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020 “There are six things that the Lord hates, seven that are an abomination to him: haughty eyes, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, a heart that devises wicked plans, feet that make haste to run to evil, a

Read More »
Cultural
Veritas Team

To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila

 3,457 total views

 3,457 total views To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila Note: These guidelines are given due to our extraordinary situation. They are therefore temporary in nature. Furthermore, the situation is so fluid that we foresee that there will be other guidelines that

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church

 3,453 total views

 3,453 total views Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church My dear People of God in the Archdiocese of Manila, As we strive to be personally connected with God, let us also be connected with each other in and through the Church as the Body of Christ. Let us join then in the

Read More »
Latest News
Veritas Team

Special Day of Prayer for Medical Frontliners

 3,435 total views

 3,435 total views Circular No. 20-18 TO ALL THE BISHOPS AND THE DIOCESAN ADMINISTRATORS Your Eminences, Your Excellencies and Reverend Administrators: RE: A CALL AND INVITATION TO A SPECIAL DAY OF PRAYER FOR OUR FRONTLINE MEDICAL PERSONNEL IN THIS TIME OF CRISIS Although I am quite sure that many of us, if not all, have been

Read More »
Latest News
Veritas Team

Sa TV at Radyo makibahagi sa banal na misa.

 3,412 total views

 3,412 total views Hinikayat ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na makibahagi sa banal na misa sa pamamagitan ng telebisyon at radyo bilang pag-iingat sa lumalaganap na COVID-19. Sa pastoral letter na inilabas ni Bishop Pabillo, hinikayat nito ang mga mananampalataya lalo na ang mga nakakaranas ng sintomas ng sakit na

Read More »

Executive Order sa pagpapatayo ng nuclear power plant, tinuligsa ng Simbahan.

 5,977 total views

 5,977 total views March 4, 2020 2:18PM Ikinababahala ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Commission on Social Action Justice and Peace (ECSA-JP) ang draft Executive Order ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi na kabilang ang nuclear power sa isusulong ng pamahalaan na pagkukunan ng enerhiya sa bansa.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER On the Safety and Security of our Churches and special attention to Heritage Churches in the Archdiocese of Caceres

 3,214 total views

 3,214 total views Addressed to the Parish Priests, Heads of Institutions in Caceres and the Clergy of the Archdiocese of Caceres. Our Dear Parish Priests, Institution Heads and the Clergy, Peace of the Risen Christ! Just a few days after our solemn celebration of the Lord’s Resurrection or Easter Sunday, we were shocked and angered by

Read More »
Cultural
Veritas Team

Santuario de San Antonio Parish Statement regarding their new wedding regulations

 3,463 total views

 3,463 total views Pax et bonum: We again sincerely apologize for the dismay caused by the presentation of the proposed new regulations governing weddings at Santuario de San Antonio Parish (SSAP). We would like to reiterate that those regulations are still a work in progress as communicated during the Wedding Congress. The new regulations were meant

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Reflect, Pray and Act

 3,219 total views

 3,219 total views TAGALOG VERSION:  Mga minamahal na kapatid sa Arkidiyosesis ng Manila, Mula ika-12 hanggang ika-17 ng Agosto dumalo ako sa pulongng Caritas Latin America na ginanap sa El Salvador, isangbansang nakaranas ng guerra sivil at maraming namatay. Hanggang ngayon hinaharap pa rin nila ang mga grupongarmado. Sa El Salvador ko nabalitaan ang pagtaas ng

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER REGARDING POWER PLANTS IN BATAAN

 3,303 total views

 3,303 total views Magmula noong December 8, 2015 hanggang December 8, 2016, sa utos ni Papa Francisco, ipinagdiwang natin ang Dakilang Hubileo na tinawag nating “TAON NG AWA.” Sa kalatas na Misericordiae Vultus (Bull of Indiction of the Extra Ordinary Jubilee of Mercy), binigyan diin ng Papa ang dakilang larawan ng Diyos Ama bilang isang mahabagin.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Cardinal Tagle’s Statement (Invitation) on Death Penalty

 2,973 total views

 2,973 total views Circular No. 2017-05 2 February 2017 Feast of the Presentation of the Lord TO: ALL CLERGY, SUPERIORS OF RELIGIOUS COMMUNITIES, DIRECTORS OF RCAM-ES SCHOOLS IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: CARDINAL TAGLE’S STATEMENT (INVITATION) ON DEATH PENALTY Dear Brother Priests, The peace of the Lord Jesus! I am pleased to send you a

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top