Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

SHARE THE TRUTH

 33,093 total views

AVT Liham Pastoral

Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay,

Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi. Ito po ay galing kay propeta Malakias sa Biblia: “Narito pa ang isang bagay na inyong ginagawa. Dinidilig ninyo ng luha ang dambana ni Yahweh; nananangis kayo’t nananambitan sapagkat ayaw nga niyang tanggapin ang mga handog ninyo sa kanya. Itinatanong ninyo kung bakit. Sapagkat alam niyang sumira kayo sa pangako ninyo sa inyong asawa na pinakasalan ninyo nang kayo’y bata pa. Siya’y naging katuwang ninyo, ngunit ngayo’y sumira kayo sa pangako ninyo sa kanya, bagamat nangako kayo sa Diyos na maging tapat kayo. Di ba kayo pinag-isa ng Diyos sa katawan at sa espiritu? Ano ang layon niya? Upang magkaroon kayo ng mga supling na tunay na mga anak ng Diyos. Mag-ingat nga kayo – huwag magtaksil ang sinuman sa inyo sa babaing pinakasalanan ninyo nang kayo’y kabataan pa. Nasusuklam ako sa naghihiwalay, sabi ni Yahweh.” (Mal 2:13-16) Maliwanag po, I hate divorce, sabi ng Panginoon.

Totoong maraming mga problema ang hinaharap ng mga pamilya ngayon. May mga hindi pagkakasundo, kapos ang pera, may mga asawa at anak na nalululong sa bisyo, may mga magulang na pabaya at violent pa, at marami pang iba. Ang solusyon ba sa problema ay paghihiwalay? Naniniwala po tayo na ang kasal sa simbahan ay hindi lang pagkakasundo ng mag-asawa. Ito ay isang sakramento. Sa sakramento kumikilos ang Diyos. Sa sakramento ng kasal ang mag-asawa ay pinagsasama ng Diyos, kaya nakataya din ang Diyos dito. Mahaharap at malalampasan ang lahat ng problema kung sila ay may pananampalataya sa kapangyarihan at sa pag-ibig ng Diyos sa kanila. Walang imposible sa kanya. Kaya mahalagang tanungin, bahagi ba ang Diyos sa inyong pamilya? May panahon ba kayo sa kanya at humihingi ng kanyang tulong? Nagdarasal ba kayo bilang pamilya? Sinusunod ba ninyo ang kanyang mga utos sa inyong pamilya?

Habang ang Diyos ay nandiyan na nagmamalasakit sa ikabubuti ng ating pamilya, tayo rin ay magsikap at magtulungan sa ikabubuti nito. Turuan natin ang ating mga anak ng kahalagahan ng pamilya. Tugunan ang pangangailangan ng mga mas mahihina sa bahay, tulad ng maliliit na bata o ng mga lolo at lola. Kahit na bata pa sila, itanim sa puso ng inyong mga anak na ihanda nila ang kanilang sarili kapag sila ay tinawag ng Diyos na bumuo ng pamilya. Ang pagpapamilya ay isang tawag ng Diyos, hindi lang ito tawag ng laman. Sikaping hanapin ang kagustuhan ng Diyos para sa ating buhay, kasama na dito ay ang pagpapamilya. Mag-asawa lang kung may kahandaan nang magbuo ng pamilya. Huwag magmadali sa pag-aasawa.

Magtulungan ang mga magulang paano magpalaki ng mga anak nang maayos. Ito ay dapat pinag-uusapan sa mga pagpupulong ng mga Kriska sa ating simbahan. Ang mga miyembro ng mga Kriska ay tumulong na ang mga problema na dinadaan ng mga pamilya ng mga miyembro nila ay masulosyunan sa makakristiyanong pamamaraan.

Kung talagang malala na ang problema, maaari namang maghiwalay muna ang mag-asawa upang mapag-isip-isipan ang kanilang kalagayan. Legal separation ang tawag dito. Maaari mamuhay ang mag-asawa na hiwalay muna pero sila ay mag-asawa pa rin at hindi pwedeng magpakasal sa iba. Ito ay nangyayari lalo na kung may pang-aabuso mula sa isa sa kanila. Para maiwasan ang pang-aabuso, mamuhay na muna sila ng hiwalay. Kung nagbago ang ugali o naging maayos na ang relasyon, maaari muli silang magsama kasi talagang mag-asawa pa sila.

Mayroon ding tinatawag na annulment ayon sa batas. Ang mag-asawa na magpapa-annul ay may hinala na hindi naman talaga silang tunay na mag-asawa kasi sa simula ng kanilang pagsasama mayroon ng kamalian, tulad ng napilitan lang, tulad may malaking pagsisinungaling, tulad ng hindi wasto ang edad, tulad ng may kakulangan sa maturity na gumawa ng panghabang buhay na commitment. Ang mga ito ay iniimbistigahan ng simbahan at ng civil court at kung mapapatunayan, idinideklara na annulled ang kanilang kasal. Ang ibig sabihin, wala talagang kasal na nangyari. Sila ay makapag-aasawa ng iba kasi wala naman talaga silang asawa kahit may anak pa sila.

Iba ito sa divorce. Sa divorce talagang valid ang kasal ng dalawa pero sila ay idineklarang hiwalay at makapag-aasawa ng muli. Mali ito kasi nangako sila sa kasal na magsasama sila bilang mag-asawa habang buhay. Dapat maging tapat sila sa kanilang pangako sa isa’t-isa na ginawa nila sa harap ng Diyos.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang divorce. Ito ay pumasa na sa Lower House ng Kongreso. Kaya nakatuon ang ating atensyon ngayon sa Senado. Kailangan ng pagsang-ayon ng dalawang kamera ng Kongreso upang ang isang bagay ay maging batas. Hinihikayat natin ang ating mga mambabatas na huwag itong gawing batas kasi pinaghihina nito ang katatagan ng pamilya. Kung may divorce, hindi na siseryosohin ang pag-aasawa kasi makapaghihiwalay naman sila. Magiging kawawa dito ang mga anak at ang babaeng asawa. Sila ang nabibiktima ng divorce at sila ang nagdadala ng sugat nito sa kanilang buhay.

Pero kahit na pumasa ang divorce at ginawang batas sa ating bansa, dapat maunawaan ng lahat na ang divorce ay mangyayari lang sa mga ikinasal sa sibil. Walang divorce sa kasal sa simbahan kasi hindi lang nga ito kontrata sa mata ng Diyos. Ito ay isang sakramento at maliwanag ang sinabi ni Jesus na ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao. Kaya talagang mas mabisa ang kasal sa simbahan kaysa kasal sa huwes. Mas tumatagal ito at mas maaasahan. Pinangangalagaan ito ng Diyos kasi ginawa ito ng may pananampalataya sa kanyang pagmamahal. Iba po ang kasal sa simbahan at ang kasal sa sibil.

Tinututulan po natin ang divorce bill. Kung ito ay magiging batas, sa halip na palakasin ang institusyon ng kasal, pinahihina ito. Pero habang tumututol tayo rito, nagsisikap naman tayo sa simbahan na ihanda ang mga kabataan sa tunay na kahulugan ng pag-ibig at tulungan ng mga mag-asawa na maging malakas at maganda ang kanilang relasyon sa isa’t-isa at sa kanilang mga anak. Palakasin ng bawat Parokya at mission station ang kanilang family and life ministries. Tanggapin natin ang hamon na ito kasi ang pamilya ay ang pugad ng buhay. Kung maayos ang ating mga pamilya, magiging maayos ang ating simbahan at ang ating bayan. Ang pamilya ay ang pundasyon ng ating lipunan.

Ang kasama ninyo sa pagpapatatag ng ating mga pamilya,
Bishop Broderick Pabillo

Apostoliko Bikaryo ng Bikaryato ng Taytay, Palawan
Ika-9 ng Hunyo, 2024

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 25,864 total views

 25,864 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 76,427 total views

 76,427 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 23,883 total views

 23,883 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 81,607 total views

 81,607 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 61,802 total views

 61,802 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral tungkol sa Digmaan sa Gaza

 48,749 total views

 48,749 total views “Ang nakapinsala sa kapwa ay pipinsalain din, tulad ng kanyang ginawa. Baling buto sa baling buto, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kung ano ang ginawa niya gayundin ang gagawin sa kanya.” (Levitiko 24:19-20) Mga mahal kong Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Sumusulat ako sa inyo tungkol sa isang mabigat na nangyayari sa

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Sulat Pastoral sa Paglulunsad ng Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP) sa Diocese of Kalookan

 136,027 total views

 136,027 total views Minamahal kong Bayan ng Diyos, maligayang kapistahan po ng Kristong Hari sa inyong lahat! May dalawang bahagi ang sulat pastoral na ito. Ang una ay pagninilay sa ating ebanghelyo ngayon, Mateo 25: 31-46. At ang pangalawa ay pagninilay naman sa ebanghelyong pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP),

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral Pagkatapos ng Halalan

 135,647 total views

 135,647 total views “Ang Panginoon ay papurihan, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa” (Awit 103:2) Mga minamahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay, Katatapos lang ng halalan. Iba’t iba ang damdamin na naglalaro sa puso natin. Huwag tayong magpadala sa mga damdamin o mga sulsol na magpapabigat ng ating puso. Sa halip na

Read More »
CBCP
Veritas Team

‘Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng kapwa’ (cf. Filipos 2:4)

 135,529 total views

 135,529 total views Mga Kapatid, Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.Filipos 2:3-4 Sa mga salita ng Apostol San Pablo, bumabati at nanawagan kaming

Read More »
Circular Letter
Veritas Team

Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020

 135,232 total views

 135,232 total views Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020 “There are six things that the Lord hates, seven that are an abomination to him: haughty eyes, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, a heart that devises wicked plans, feet that make haste to run to evil, a

Read More »
Cultural
Veritas Team

To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila

 3,496 total views

 3,496 total views To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila Note: These guidelines are given due to our extraordinary situation. They are therefore temporary in nature. Furthermore, the situation is so fluid that we foresee that there will be other guidelines that

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church

 3,492 total views

 3,492 total views Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church My dear People of God in the Archdiocese of Manila, As we strive to be personally connected with God, let us also be connected with each other in and through the Church as the Body of Christ. Let us join then in the

Read More »
Latest News
Veritas Team

Special Day of Prayer for Medical Frontliners

 3,474 total views

 3,474 total views Circular No. 20-18 TO ALL THE BISHOPS AND THE DIOCESAN ADMINISTRATORS Your Eminences, Your Excellencies and Reverend Administrators: RE: A CALL AND INVITATION TO A SPECIAL DAY OF PRAYER FOR OUR FRONTLINE MEDICAL PERSONNEL IN THIS TIME OF CRISIS Although I am quite sure that many of us, if not all, have been

Read More »
Latest News
Veritas Team

Sa TV at Radyo makibahagi sa banal na misa.

 3,454 total views

 3,454 total views Hinikayat ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na makibahagi sa banal na misa sa pamamagitan ng telebisyon at radyo bilang pag-iingat sa lumalaganap na COVID-19. Sa pastoral letter na inilabas ni Bishop Pabillo, hinikayat nito ang mga mananampalataya lalo na ang mga nakakaranas ng sintomas ng sakit na

Read More »

Executive Order sa pagpapatayo ng nuclear power plant, tinuligsa ng Simbahan.

 6,048 total views

 6,048 total views March 4, 2020 2:18PM Ikinababahala ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Commission on Social Action Justice and Peace (ECSA-JP) ang draft Executive Order ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi na kabilang ang nuclear power sa isusulong ng pamahalaan na pagkukunan ng enerhiya sa bansa.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER On the Safety and Security of our Churches and special attention to Heritage Churches in the Archdiocese of Caceres

 3,251 total views

 3,251 total views Addressed to the Parish Priests, Heads of Institutions in Caceres and the Clergy of the Archdiocese of Caceres. Our Dear Parish Priests, Institution Heads and the Clergy, Peace of the Risen Christ! Just a few days after our solemn celebration of the Lord’s Resurrection or Easter Sunday, we were shocked and angered by

Read More »
Cultural
Veritas Team

Santuario de San Antonio Parish Statement regarding their new wedding regulations

 3,504 total views

 3,504 total views Pax et bonum: We again sincerely apologize for the dismay caused by the presentation of the proposed new regulations governing weddings at Santuario de San Antonio Parish (SSAP). We would like to reiterate that those regulations are still a work in progress as communicated during the Wedding Congress. The new regulations were meant

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Reflect, Pray and Act

 3,256 total views

 3,256 total views TAGALOG VERSION:  Mga minamahal na kapatid sa Arkidiyosesis ng Manila, Mula ika-12 hanggang ika-17 ng Agosto dumalo ako sa pulongng Caritas Latin America na ginanap sa El Salvador, isangbansang nakaranas ng guerra sivil at maraming namatay. Hanggang ngayon hinaharap pa rin nila ang mga grupongarmado. Sa El Salvador ko nabalitaan ang pagtaas ng

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER REGARDING POWER PLANTS IN BATAAN

 3,340 total views

 3,340 total views Magmula noong December 8, 2015 hanggang December 8, 2016, sa utos ni Papa Francisco, ipinagdiwang natin ang Dakilang Hubileo na tinawag nating “TAON NG AWA.” Sa kalatas na Misericordiae Vultus (Bull of Indiction of the Extra Ordinary Jubilee of Mercy), binigyan diin ng Papa ang dakilang larawan ng Diyos Ama bilang isang mahabagin.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Cardinal Tagle’s Statement (Invitation) on Death Penalty

 2,997 total views

 2,997 total views Circular No. 2017-05 2 February 2017 Feast of the Presentation of the Lord TO: ALL CLERGY, SUPERIORS OF RELIGIOUS COMMUNITIES, DIRECTORS OF RCAM-ES SCHOOLS IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: CARDINAL TAGLE’S STATEMENT (INVITATION) ON DEATH PENALTY Dear Brother Priests, The peace of the Lord Jesus! I am pleased to send you a

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top