4,026 total views
TAGALOG VERSION:
Mga minamahal na kapatid sa Arkidiyosesis ng Manila,
Mula ika-12 hanggang ika-17 ng Agosto dumalo ako sa pulongng Caritas Latin America na ginanap sa El Salvador, isangbansang nakaranas ng guerra sivil at maraming namatay. Hanggang ngayon hinaharap pa rin nila ang mga grupongarmado.
Sa El Salvador ko nabalitaan ang pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa Pilipinas sanhi ng pinaigting na paglaban sa ilegal na droga. Inaanyayahan ko kayo na magnilay, manalanginat kumilos.
Una, sumasang-ayon ang lahat ng Pilipino na totoo at nakapipinsalang problema ang ilegal na droga. Kung kaya’t kailangan natin itong harapin nang sama-sama, bilang iisang bayan.
Sa kasawiang palad, ito ang naghahati sa atin. Masalimuot ang problemang ito, kaya walang tao, grupo o institusyon na makapagsasabing siya lamang ang may tamang sagot. Kailangan natin ang isa’t isa. Hindi natin maisasantabi ang bawa’t isa.
Inaanyayahan natin ang mga pamilya, ahensiya ng pambansang pamahalaan, mga local na pamahalaan, mga organisasyong panlipunan, mga paaralan, mga sambayanang pang-relihiyon, ang mga doktor, mga pulis at militar, mga dating adik na gumaling na at iba pang grupo na magsama-sama, makinig sa bawa’t isa at humanap ng nagkakaisang landasin.
Hindi natin dapat tingnan ang problema ng ilegal na droga bilang usaping politika o kriminal lamang. Ito ay usaping pang-tao na sangkot ang lahat tayong mga tao.
Handa ang Arkidiyosesis ng Manila na pangunahan ang isang dialogo ng iba-ibang sektor na may kinalaman sa usaping ito.
Mayroong mga mabubuting kawani ng pamahalaan, ng kapulisan at militar na nakikipagtulungan sa amin at ito ay nakapagpapalakas ng loob.
Ikalawa, para maunawaan pang higit ang sitwasyon, hindi sasapat ang mga estadistika o numero lamang. Kailangan natin ng mga kuwento ng tao.
Hayaan nating magkuwento ang mga pamilyang may miyembro na sinira ng droga. Hayaan nating magkuwento ang mga pamilyang may miyembro na pinatay sa kampanya laban sa droga, lalo na yaong mga inosente.
Hayaan nating magkuwento ang mga dating adik na nagbagong buhay na. Hayaan nating maisalaysay ang kanilang mga kuwento. Makikita ang kanilang mga mukha.
Kumakatok tayo sa konsiyensa ng mga gumagawa at nagtitinda ng ilegal na droga: itigil na ninyo ang gawaing ito.
Kumakatok tayo sa konsiyensiya ng mga pumapatay kahit ng walang kalaban-laban, lalo na ang mga nagtataklob ng mga mukha: huwag ninyong sayangin ang buhay ng tao. Alalahanin natin ang wika ng Dios kay Cain pagtapos niyang paslangin ang kapatid niyang si Abel, “Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid”
(Genesis 4:10).
Ang may sugatang puso at nabagabag na konsiyensiya ay maaring lumapit sa inyong mga pari, ibahagi ang inyong mga kuwento at kami na ang iipunin ang inyong kuwento para maibahagi sa mas malawak na lipunan.
Tinatawagan ko ang mga parokya sa Arkidiyosesis ng Manila na ilaan ang siyam na araw mula ika-21 ng Agosto (kapistahan niSan Papa Pio X) hanggang ika-29 ng Agosto (ang pagpatay kay San Juan Bautista) sa pag-aalay ng panalangin sa lahat ng misa para sa kapayapaan ng mga namatay sa kampanya laban sa droga, para sa katatagan ng kanilang pamilya, para sa pananatiling masigasig ng mga nagbagong-buhay na at para sa pagbabalik-loob ng mga pumapatay.
Panghuli, “daigin natin ng mabuti ang masama” (Roma 12:24). Iligtas natin ang buhay ng mga taong madaling mahikayat sa adiksiyon: mga kabataan, ang dukha at walang trabaho.
Walang maaabot ang mga salita ng pagdamay kung hindi sasabayan ng mga luha at gawa ng pagdamay.
Tinatawagan ko ang mga parokya at bikaryato na magtalaga muli ng sarili sa programa ng Arkidiyosesis ng Manila para makatulong sa pagbabagong-buhay ng mga nalululong sa ilegal na droga.
Ang tawag sa programa ay Sanlakbay, at katuwang natin ang pamahalaang lokal at kapulisan.
Hinihimok ko ang mga BEC o munting Sambayanang Kristiyano at iba pang organisasyon ng mga layko na makipagtulungan sa ating mga katuwang para mapanglagaan ang ating mga kapit-bahayan at kapaligiran.
Pagpalain nawa kayo at ingatan ng Dios! Nawa’y kabahagan Ka kayo at subaybayan! Lingapin nawa Niya kayo at bigyan ng kapayapaan! (Bilang 6:24-26)
ENGLISH VERSION :
Dear Brothers and Sisters in the Archdiocese of Manila,
On August 12-17, 2017, I participated in the meeting of Caritas Latin America held in El Salvador, a country where many people had been killed in a civil war. Until now it still contends with armed groups. In El Salvador, I heard news of the increase of killings in our own country due to an intensified war against illegal drugs. I am inviting you to reflect, pray and act.
First, all Filipinos agree that the menace of illegal drugs is real and destructive. We must face and act upon together, as one people. Unfortunately, it has divided us. Given the complexity of the issues, no single individual, group or institution could claim to have the only right response. We need one another. We cannot disregard each other. Let us invite families, national government agencies, local government units, people’s organizations, schools, faith-based communities, the medical profession, the police and military, recovering addicts etc. to come together, listen to each other and chart a common path. The illegal drug problem should not be reduced to a political or criminal issue. It is a humanitarian concern that affects all of us. The Archdiocese of Manila would be willing to host such multi-sectoral dialogue. To date we have been encouraged by our partnership with some good government servants, police and military personnel.
Secondly, to understand the situation better, we need not only statistics but also human stories. Families with members who have been destroyed by illegal drugs must tell their stories. Families with members who have been killed in the drug-war, especially the innocent ones, must be allowed to tell their stories. Drug addicts who have recovered must tell their stories of hope. Let their stories be told, let their human faces be revealed. We knock on the consciences of those manufacturing and selling illegal drugs to stop this activity. We knock on the consciences of those who kill even the helpless, especially those who cover their faces with bonnets, to stop wasting human lives. Recall the words of God to Cain who killed his brother Abel, “Your brother’s blood cries out to me from the soil” (Genesis 4:10). Those with sorrowful hearts and awakened consciences may come to your pastors to tell your stories and we will document them for the wider society. I call on all the parishes in the Archdiocese of Manila to mark the nine days from August 21 (Memorial of St. Pope Pius X) to August 29 (Beheading of St. John the Baptist) as time to offer prayers at all masses for the repose of those who have died in this war, for the strength of their families, for the perseverance of those recovering from addiction and the conversion of killers.
Finally, let us conquer evil with good (Romans 12:21). Let us save the lives of people most vulnerable to drug dependency: the youth, the poor and unemployed. Words of solidarity without tears and acts of compassion are cheap. I enjoin our parishes and vicariates to commit again to the parish-based drug rehabilitation program of the Archdiocese of Manila called Sanlakbay in partnership with the local government and police. I ask the Basic Ecclesial Communities and other organizations of the lay faithful to care for our neighborhoods in coordination with our partners.
“May the Lord bless you and keep you! May the Lord let His face shine upon you and be gracious to you! May the Lord look upon you kindly and grant you peace!” (Numbers 6:24-26)
+ Luis Antonio G. Cardinal Tagle
Arsobispo ng Manila
19 Agosto 2017