Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ANG KAMPANA NG KONSENSIYA!

SHARE THE TRUTH

 19,609 total views

Panawagan sa Bayan ng Diyos sa Archdiocese ng Lingayen Dagupan

Ang gulo ng bayan!

Parami nang parami ang mga ulila sa magulang, sa asawa at sa anak. Pakiusap na “Huwag po!” naririnig sa mga eskinita at tambakan. Patayan sa magdamag. Panaghoy at hikbi sa madaling araw galing sa mga ulila. Ang multo ng mga pinatay ay humihingi ng awa. Ang isip ng mga buhay ay puno ng lungkot at takot “Baka ako na ang isusunod? Sino ang nakatitiyak.”

Ang gulo ng bayan!

Ang opisyal na pumatay ay may parangal. Ang pinatay ay sinisisi. Hindi na makapagpaliwanag ang mga bangkay sa bintang sa kanila “Nanlaban kasi”. Hindi na nila masabi “Nagmakaawa po ako hindi ako lumaban!” Sino ang magtatanggol sa kanila?

Kung may tatlumpu at dalawang patay daw araw-araw ay gaganda ang ating buhay…at ang mga kababayan ay tumatango sa pagsang-ayon. Pumapalakpak ang kababayan at sumisigaw nang may ngiti “Dapat lang!” habang binibilang ang bangkay sa dilim, habang bumabaybay sa kaliwa’t kanang lamay sa patay.

Pagpatay daw ang lunas sa lahat ng kasamaan. Pagpatay daw ang dapat para sa taong sinira ng droga. Ang bayang ayaw daw sa droga ay dapat na pumayag na patayin ang pusher. Kapag nanindigan para sa dukhang na tokhang, tiyak na maliligo ka sa mura at banta. Marami naman ang nagpapatakot!

Ito na ba ang bagong tama?

Bakit kakarampot na lamang ang kababayang naaawa sa mga ulila? Hindi na ba tayo marunong umiyak? Bakit hindi na tayo nasisindak sa tunog ng baril at agos ng dugo sa bangketa? Bakit walang nagagalit laban sa drogang ipinasok galing Tsina? Bakit ang mga mahihirap na lang lagi ang binabaril at kapag mayamang “malakas sa itaas” ay kailangan muna ng imbestigasyon at affidavit?

Ang gulo ng bayan! May maling nangyayari sa bayan!

May dapat iwasto sa bayan! May dapat pagsisihan ang bayan! Humingi tayo ng tawad sa Diyos.

Sabi ng Banal na Kasulatan “Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” (2 Chronicles 7:14)

May pagkukulang tayo sa Diyos kaya may gulo at dugo. May dapat tayong gawing tama upang manumbalik ang paghahari ng Diyos sa ating bayan. Hindi likas sa atin ang matuwa sa patayan.

Nang dahil dito…

Simula ikadalampu at dalawa ng Agosto (Agosto 22) Pista ni Mariang Reyna ng Sanlibutan, ang lahat ng KAMPANA sa LAHAT NG SIMBAHAN SA LINGAYEN DAGUPAN ay IBABAGTING SIMULA ALAS OTSO NG GABI SA LOOB NG BUONG KINSE MINUTOS NANG TULOY TULOY. Gagawin natin ito hanggang ikadalawampu at pito ng Nobyembre (Nobyembre 27) pista ng Birhen Medalya Milagrosa.

Ang pagkampana tuwing alas otso sa loob ng kinse minutos ay alay na panalangin para sa mga pinatay. Matanggap nawa nila ang kapayapaang hindi nila naranasan noong sila ay nabubuhay pa.

Ang tunog ng kampana ay tinig ng Diyos na sana ay gumising sa konsensiyang manhid at bulag. Huwag kang papatay! Kasalanan yan! Labag sa batas yan! Yan ang sabi ng kampana!

Ang bagting ng kampana ay tawag ng pag gising sa bayang hindi na marunong makiramay sa ulila, nakalimutan ng makiramay at duwag na magalit sa kasamaan. Ang tunog ng kampana ay tawag na ihinto ang pagsang ayon sa patayan!

Ibalik natin ang pagiging tao. Ibalik natin ang dangal Pilipino. Ikampana ang dangal ng buhay! Ikampana ang karapatan ng mga pinapatay na mahihirap!

Mula Katedral ng San Juan Evangelista, Dagupan City, Agosto 20, 2017

+SOCRATES B. VILLEGAS
Arsobispo ng Lingayen Dagupan

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

POGO’s

 14,109 total views

 14,109 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 22,502 total views

 22,502 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 30,519 total views

 30,519 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 36,979 total views

 36,979 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 42,456 total views

 42,456 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Pastoral Letter
Riza Mendoza

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 19,742 total views

 19,742 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All elections are important. Each vote is the power of the people to choose their leaders. It is the backbone of democracy. The candidates are job applicants for vacant positions. They

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

GOD IS LOVE

 19,655 total views

 19,655 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan: Through social media, you have been sadly exposed to the cursing, threats and shaming by the President of our country. Choose to love him nevertheless, but stay in the

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 19,635 total views

 19,635 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to bring Him home by force. Jesus was thought to be possessed by the Scribes because His powers looked superhuman. Jesus had been called many names and accused of many crimes

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 19,635 total views

 19,635 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion was the armament of the Popes in the past against the attacks of kings and emperors on the Church. The devotion to Mary Help of Christians has been the recourse

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

CBCP President Message for Lent and Easter

 19,757 total views

 19,757 total views Lent and Easter My brothers and sisters in the Lord! I am grateful for this opportunity to share with you myLenten and Easter message, my thoughts and reflections these days. I have to tell you that I have been very much inspired by the Lenten Message of our Holy Father for us this

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

Should you blindly follow those Holy Week traditions?

 29,387 total views

 29,387 total views By: Archbishop Socrates Villegas Holy Week is about what Christ has done for humanity. Let the memory of God’s mercy sink in without any compulsion to do something. Just relish His mercy and bask in the radiance of His love. During Holy Week, tell God “Thank you.” Holy Week is not what men

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

FILIPINO CITIZENS AND CITIZENS OF HEAVEN

 19,627 total views

 19,627 total views Pastoral Moral Guidelines for Our Catholic Faithful in the Archdiocese of Lingayen Dagupan Dear brothers and sisters in Christ: For some time now, the President and his followers have campaigned aggressively for the revision of the Constitution to establish a federal government. As your pastor, I discern the responsibility to enlighten in the

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

INVITATION TO START THE HEALING

 19,626 total views

 19,626 total views Our Catholic Bishops in the Philippines appealed for a season of mourning and prayers for the dead from September 23 until November 1 this year, by daily rosary, church bell ringing and candle lighting at eight o’clock each night for the victims of the spreading culture of killings. The whole message of this

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

LORD HEAL OUR LAND(cf. 2 Chronicles 7:14)

 19,643 total views

 19,643 total views Our brothers and sisters in Christ: Kian, Carl, Reynaldo…they were young boys, enjoying life, loving sons of parents who doted on them. Now an entire nation knows them by name because their lives have been snuffed out so cruelly, their dreams and aspirations forever consigned to the sad realm of “what could have

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

CONSECRATE THEM IN THE TRUTH

 19,652 total views

 19,652 total views Brothers and sisters in Christ: A key dimension of Jesus’ mission was to preach the truth, and in His high priestly prayer, He prayed that His disciples might be consecrated in the truth. We, the Filipino nation, are part of the community of disciples for whom He prayed. At his trial, the question

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

AND GOD SAW THAT IT WAS GOOD…

 19,618 total views

 19,618 total views God saw all that he had made…and it was all very good! The Christian must nurture earth and care for creation, for so is the Creator paid homage and done reverence. Creation bears the Divine imprint, and they who deface it transgress against God’s sovereignty. For too long now, we have dealt with

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

Post-Permanent Council Meeting CBCP Pastoral Statement on Death Penalty

 19,624 total views

 19,624 total views “God proved his love for us that while we were still sinners, Christ died for us.” (Rom 5:8) On this third Sunday of Lent, the Gospel of John tells us how the Samaritan woman—having found in Jesus the “living water” she had longed for—left her jar of water by the well (John 4:28).

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

Prayer To Heal Our Land

 19,633 total views

 19,633 total views We turn to God in fervent prayer to heal our land. We beg the Lord to pour forth upon us the passion NOT for vengeance but for justice. We humbly pray to the Lord who called Himself the Truth to set our hearts aflame for the truth, the truth that sets all of

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

CBCP Pastoral Letter on Deaths and Killings

 17,154 total views

 17,154 total views Pastoral statement on deaths and killings. For I find no pleasure in the death of anyone who dies – oracle of the Lord God (Ezekiel 18:32) Beloved People of God We, your bishops, are deeply concerned due to many deaths and killings in the campaign against prohibited drugs. This traffic in illegal drugs

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top