Liham Pastoral tungkol sa Digmaan sa Gaza

SHARE THE TRUTH

 12,272 total views

“Ang nakapinsala sa kapwa ay pipinsalain din, tulad ng kanyang ginawa. Baling buto sa baling buto, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kung ano ang ginawa niya gayundin ang gagawin sa kanya.” (Levitiko 24:19-20)

Mga mahal kong Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay,

Sumusulat ako sa inyo tungkol sa isang mabigat na nangyayari sa ating panahon ngayon. Hindi natin masasabi na hindi natin ito alam kasi ito ay nakikita natin sa telebisyon at sa social media at naririnig sa radio sa loob na ng anim na buwan. Ang tinutukoy ko ay ang digmaan sa Gaza. Kahit na malayo sa atin ang Gaza hindi tayo maaaring magwalang kibo kasi alam natin ang nangyayari. Suriin natin ang mga kaganapan. Mabahala tayo. Magdasal at magsalita tayo . Ang pangyayaring hindi makatarungan sa isang bahagi ng mundo ay may epekto sa buong mundo at sa pagkatao natin.
Sa Banal na Kasulatan tinuturuan tayo ni Jesus na huwag maghiganti. Binago ni Jesus ang katuruan sa Lumang Tipan na siyang Bibliya ng mga Hudyo na huwag sundin ang batas ng mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ito ang katuruan ng paghihiganti. Pero ang batas ng mata sa mata at ngipin sa ngipin ay inilagay sa Lumang Tipan upang pigilan ang labis na paghihiganti. Kaya narinig natin sa pagbasa sa aklat ng Levitiko na kung ano ang ginawa sa iyo gayundin ang gagawin sa kalaban – kaya mata lang sa mata, ngipin lang sa ngipin, baling buto lang sa baling buto. Hindi ito sinusunod ng mga Israelis sa mga Palestinians ngayon.

Masama ang ginawa ng Hamas noong October 7, 2023 na bigla na lang pinatay ang mga 1,200 na mga Israelis sa labas ng Gaza at dumukot pa sila ng mga 250 na mga bihag. Oo, bigla itong nangyari pero may mahaba nang kasaysayan ng pang-aapi ng mga Israelis sa mga Palestinians sa Gaza. Sa loob ng 57 years, sinakop nila ang higit na 2.3 million Palestinians sa loob ng Gaza at kinontrol ang buhay nila, binabantayan ang pagpasok at paglabas ng mga Palestinians sa maliit na lugar ng Gaza. Basta na lang dumadampot ang mga Israelis ng mga Palestinians sa Gaza at sa West Bank at kinukulong na walang kasong pinapataw sa kanila. Administrative detention ang tawag nila dito. Higit na isang libo ang ganitong nakakulong. Ang nangyari noong October 7 ay hindi nagsimula sa araw na iyon. Matagal nang inaapi ng mga Israelis ang mga Palestinians sa kanilang lugar.

Masama ang pagpatay ng 1,200 na mga Hudyo at ang pagbihag ng 250 sa kanila na walang dahilan pero sa loob ng higit na anim na buwan binubomba ng Israeli army ang higit na dalawang milyong mga Palestinians, kasama dito ang mga residential areas, mga paaralan, mga ospital at mga mosquea at mga simbahan. Higit na 33,000 na ang namatay, marami dito ay mga bata, mga babae at matatanda. Sa ngayon higit na 14,000 na mga bata na ang pinatay. Isipin na lang natin: 1,200 Israelis ang pinatay, higit na 33,000 na Palestinians ang pinatay at patuloy na pinapatay! Anong klaseng paghihiganti ito?

Ngayon, kinokontrol ng mga Israelis ang pagpasok ng tulong sa mga Palestinians na wala nang matakbuhan. Hindi naman sila pinalalabas ng Gaza. Hindi pinapapasok ang mga pagkain, mga gamot at pati na ang malinis na tubig. Ginugutom nila ang mga Palestinians, at marami na ang namamatay sa gutom. Namamatay sila sa gutom hindi dahil sa walang pagkain. Ilang daan na mga trucks ang nasa labas ng Gaza na may dalang pagkain at gamot, pero hindi pinapapasok ang mga ito sa loob ng Gaza. Tinatarget pa ang mga tumutulong na galing sa ibang bansa. Pinapatay sila, tulad ng pagbomba ng 3 sasakyan at pagpatay ng 7 tumutulong na galing sa NGO na World Central Kitchen na nagpapakain sa mga nagugutom.

Habang nangyayari ang mga ito maaari ba tayo na mga Kristiyano ay magwalang kibo? Napapanood natin sa TV ang mga pangyayari. Sa harap ng mga mata natin nagaganap ito, ngayon! Mabahala tayo! Magsalita tayo! Manawagan tayo! Magdasal tayo! Tumulong tayo!

Kaya ako sumulat ng liham na ito upang pukawin ang ating makataong damdamin. Huwag tayong maging manhid. Hindi tama ito! Makiisa tayo sa kapwa tao na naghihirap at inaapi. Hindi man sila Pilipino, iba man ang lahi nila, marami sa kanila ay hindi man Kristiyano – mga muslim sila, pero may mga Kristiyano ding Palestinians at sila rin ay tinatarget – sila ay kapwa tao natin. Ang pagmamahal na inutos ng Panginoong Jesus ay pagmamahal sa lahat, lalo na sa mga inaapi at mahihina.

Manawagan tayo sa mga Israelis at mga Hamas na itigil na ang labanan. Papasukin na ang pagkain at mga gamot. Nananawagan din tayo sa mga Western Countries lalo na sa America at sa Germany na huwag nang bigyan ng tulong militar ang mga Israelis upang pumatay ng kapwa tao. Ang dugo na nasa kamay ng mga sundalong Israelis ay nasa kamay din ng mga politiko sa USA at sa Germany at iba pang mga bansa na tumutulong sa mga Israelis na pumatay sa pamamagitan ng kanilang mga armas.

Hangarin po nating lahat ang kapayapaan. Pigilan na na mamatay ang ating kapwa tao sa bala, sa bomba, sa gutom at sa sakit. This is a man-made disaster and it is entirely avoidable.

Ang kasama ninyong nababahala at nananawagan,
Obispo Broderick Pabillo
Obispo ng Bikaryato ng Taytay, Palawan.
April 9, 2024

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Haka-haka lang ang kahirapan?

 23,830 total views

 23,830 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot mo sa tanong na ito ng Social Weather Stations (o SWS): “Saan ninyo ilalagay ang inyong pamilya sa kard na ito: hindi mahirap o mahirap?” Nang huling tinanong ‘yan ng SWS noong Marso, 46% ang nagsabing sila ay “mahirap” habang 23% ang nagsabing silay ay “hindi mahirap”. Ang

Read More »

Maliit na Kabuhayan

 38,715 total views

 38,715 total views Maliit man ang kabuhayan, ito naman ang pinanggagalingan ng yaman ng maraming pamilyang Pilipino. Ang small business, kapanalig, ay karaniwang source of livelihood na natin. Minsan ito na ang main source of income, minsan, side gig lamang ito para may pandagdag pang-gastos. Ang kasabihan na ang maliit ay nakakapuwing ay totoo pagdating sa

Read More »

Technical Vocational Education and Training

 48,954 total views

 48,954 total views Kapanalig, marami sa atin sa technical and vocational education umaasa para magkaroon ng trabaho. Tinatayang umabot sa mahigit pa sa 1.2 million ang technical vocational education and training (tech-voc) graduates at halos isang milyon na rin ang certified skilled workers noong 2023. Ang laking tulong ng tech-voc sa maraming pamilya. Dahil dito, nagkakaroon

Read More »

Paglago ng Artificial Intelligence

 37,729 total views

 37,729 total views Maraming inobasyon at modernong teknolohiya ang nagdadala ng malawakang pagbabago sa job landscape hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo ngayon. Malaking hamon ito sa mga bansang gaya sa atin na nangangailangan ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa maraming mamamayan. Isa ngang halimbawa ngayon ay ang mabilis na paglaganap ng

Read More »

“Climate crisis is a child crisis”

 57,326 total views

 57,326 total views Mga Kapanalig, para maiwasan nang makulob ang ating mga estudyante sa mainit na silid-aralan tuwing Abril at Mayo, ia-adjust na ng Department of Education (o DepEd) ang darating na school year. Ang paparating na school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at matatapos sa March 31 ng susunod na taon.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Pastoral Letter
Veritas Team

Sulat Pastoral sa Paglulunsad ng Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP) sa Diocese of Kalookan

 99,550 total views

 99,550 total views Minamahal kong Bayan ng Diyos, maligayang kapistahan po ng Kristong Hari sa inyong lahat! May dalawang bahagi ang sulat pastoral na ito. Ang una ay pagninilay sa ating ebanghelyo ngayon, Mateo 25: 31-46. At ang pangalawa ay pagninilay naman sa ebanghelyong pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP),

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral Pagkatapos ng Halalan

 99,608 total views

 99,608 total views “Ang Panginoon ay papurihan, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa” (Awit 103:2) Mga minamahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay, Katatapos lang ng halalan. Iba’t iba ang damdamin na naglalaro sa puso natin. Huwag tayong magpadala sa mga damdamin o mga sulsol na magpapabigat ng ating puso. Sa halip na

Read More »
CBCP
Veritas Team

‘Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng kapwa’ (cf. Filipos 2:4)

 99,490 total views

 99,490 total views Mga Kapatid, Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.Filipos 2:3-4 Sa mga salita ng Apostol San Pablo, bumabati at nanawagan kaming

Read More »
Circular Letter
Veritas Team

Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020

 119,225 total views

 119,225 total views Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020 “There are six things that the Lord hates, seven that are an abomination to him: haughty eyes, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, a heart that devises wicked plans, feet that make haste to run to evil, a

Read More »
Cultural
Veritas Team

To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila

 2,450 total views

 2,450 total views To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila Note: These guidelines are given due to our extraordinary situation. They are therefore temporary in nature. Furthermore, the situation is so fluid that we foresee that there will be other guidelines that

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church

 2,444 total views

 2,444 total views Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church My dear People of God in the Archdiocese of Manila, As we strive to be personally connected with God, let us also be connected with each other in and through the Church as the Body of Christ. Let us join then in the

Read More »
Latest News
Veritas Team

Special Day of Prayer for Medical Frontliners

 2,433 total views

 2,433 total views Circular No. 20-18 TO ALL THE BISHOPS AND THE DIOCESAN ADMINISTRATORS Your Eminences, Your Excellencies and Reverend Administrators: RE: A CALL AND INVITATION TO A SPECIAL DAY OF PRAYER FOR OUR FRONTLINE MEDICAL PERSONNEL IN THIS TIME OF CRISIS Although I am quite sure that many of us, if not all, have been

Read More »
Latest News
Veritas Team

Sa TV at Radyo makibahagi sa banal na misa.

 2,412 total views

 2,412 total views Hinikayat ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na makibahagi sa banal na misa sa pamamagitan ng telebisyon at radyo bilang pag-iingat sa lumalaganap na COVID-19. Sa pastoral letter na inilabas ni Bishop Pabillo, hinikayat nito ang mga mananampalataya lalo na ang mga nakakaranas ng sintomas ng sakit na

Read More »

Executive Order sa pagpapatayo ng nuclear power plant, tinuligsa ng Simbahan.

 4,169 total views

 4,169 total views March 4, 2020 2:18PM Ikinababahala ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Commission on Social Action Justice and Peace (ECSA-JP) ang draft Executive Order ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi na kabilang ang nuclear power sa isusulong ng pamahalaan na pagkukunan ng enerhiya sa bansa.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER On the Safety and Security of our Churches and special attention to Heritage Churches in the Archdiocese of Caceres

 2,281 total views

 2,281 total views Addressed to the Parish Priests, Heads of Institutions in Caceres and the Clergy of the Archdiocese of Caceres. Our Dear Parish Priests, Institution Heads and the Clergy, Peace of the Risen Christ! Just a few days after our solemn celebration of the Lord’s Resurrection or Easter Sunday, we were shocked and angered by

Read More »
Cultural
Veritas Team

Santuario de San Antonio Parish Statement regarding their new wedding regulations

 2,469 total views

 2,469 total views Pax et bonum: We again sincerely apologize for the dismay caused by the presentation of the proposed new regulations governing weddings at Santuario de San Antonio Parish (SSAP). We would like to reiterate that those regulations are still a work in progress as communicated during the Wedding Congress. The new regulations were meant

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Reflect, Pray and Act

 2,286 total views

 2,286 total views TAGALOG VERSION:  Mga minamahal na kapatid sa Arkidiyosesis ng Manila, Mula ika-12 hanggang ika-17 ng Agosto dumalo ako sa pulongng Caritas Latin America na ginanap sa El Salvador, isangbansang nakaranas ng guerra sivil at maraming namatay. Hanggang ngayon hinaharap pa rin nila ang mga grupongarmado. Sa El Salvador ko nabalitaan ang pagtaas ng

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER REGARDING POWER PLANTS IN BATAAN

 2,370 total views

 2,370 total views Magmula noong December 8, 2015 hanggang December 8, 2016, sa utos ni Papa Francisco, ipinagdiwang natin ang Dakilang Hubileo na tinawag nating “TAON NG AWA.” Sa kalatas na Misericordiae Vultus (Bull of Indiction of the Extra Ordinary Jubilee of Mercy), binigyan diin ng Papa ang dakilang larawan ng Diyos Ama bilang isang mahabagin.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Cardinal Tagle’s Statement (Invitation) on Death Penalty

 2,329 total views

 2,329 total views Circular No. 2017-05 2 February 2017 Feast of the Presentation of the Lord TO: ALL CLERGY, SUPERIORS OF RELIGIOUS COMMUNITIES, DIRECTORS OF RCAM-ES SCHOOLS IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: CARDINAL TAGLE’S STATEMENT (INVITATION) ON DEATH PENALTY Dear Brother Priests, The peace of the Lord Jesus! I am pleased to send you a

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Statement on Death Penalty

 2,247 total views

 2,247 total views The Gospel of the Lord Jesus is the Gospel of Life. It is this Gospel we must preach. It is this Gospel that we must uphold. We therefore unequivocally oppose proposals and moves to return the death penalty into the Philippine legal system. We took a considerable stride in the defense of life

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top