CBCP, nanawagan sa mga Filipino sa US na maging kalmado at magkaisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total views

June 4, 2020, 11:11AM

Ipinapanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Migrants Ministry ang katiwasayan at pagkakaisa sa Estados Unidos na kasalukuyang nakararanas ng kaguluhan dulot ng hindi pagkakapantay-pantay.

Dalangin ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, na manaig ang katarungang panlipunan at katarungan ng bawat mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya at lahing pinagmulan.

“Here, especially CBCP-ECMI, is praying for you all that peace reigns, harmony and unity come, and justice and order prevails,” pahayag ni Bishop Santos.

Ito ay kaugnay sa kabi-kabilang kilos protestang nauuwi sa karahasan sa Amerika dahil sa pagkakapaslang ng isang pulis kay George Floyd noong ika – 25 ng Mayo sa Minneapolis dahil sa isang simpleng paglabag sa batas.

Sa kumalat na video sa internet, makikitang niluhuran ng isang pulis sa leeg si Floyd habang umapela ang biktima na hindi makahinga.

Kaugnay sa nagaganap na kaguluhan umapela si Bishop Santos sa mga Filipino sa Amerika na manatiling kalmado, magmalasakitan at at pagaanin ang kalooban ng kapwa.

“We appeal to our fellow Filipinos there to remain calm, caring and conciliatory. Yes, we speak. Let our words bring out healing, not division; about truth, not to instill fear; inspire helps, not to hurt. Yes, we stand and make stand,” dagdag ng opisyal.

Sinampahan na ng kasong second-degree murder ang pulis na si Derek Chauvin.

“As God fearing people, we side with God’s tenets of protection and preservation of human life; respect of human dignity and salvation of all,” saad ni Bishop Santos.

Naunang nagpaabot ng panalangin si Pope Francis sa kapayapaan sa Amerika at pagkakamit ng katarungan ni Floyd kasama ang buong simbahang katolika sa Estados Unidos.

Hinimok ni Bishop Santos ang mga Filipino Chaplains sa ibayong dagat na paigtingin ang pangangalaga sa mga Overseas Filipino Worker kabilang na ang mga dayuhang migrante para sa kapayapaan at tuluyang mawakasan ang karahasang nagaganap sa Estados Unidos.

“We appeal to our Filipino chaplains for the pastoral care of OFWs here and abroad, land or sea-based to offer Holy Masses, to pray with their co-nationals in their chaplaincies for peace, end to violence and healing in USA,” apela ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 100,135 total views

 100,135 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 130,359 total views

 130,359 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 157,007 total views

 157,007 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 251,980 total views

 251,980 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 266,495 total views

 266,495 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top