Guilty verdict sa opisyal ng Rappler, itinuturing na isang persecution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,294 total reads

June 16, 2020, 12:47PM

Naniniwala ang mataas na opisyal ng simbahan na sinadyang patahimikin at idiin sa kasong cyberlibel si Rappler CEO Maria Ressa.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, makikita ang pagsisikap na idiin sa kaso si Ressa at ang kanyang researcher na si Reynaldo Santos Jr. sa kasong nag-ugat noong 2012 at isinampa makaraan ang limang taon sa kabila ng pagpaso ng prescriptive period.

“Talagang it’s a persecution,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa programang Pastoral Visit on-the-air sa Radio Veritas.

Sa ulat ang artikulo ay nailathala apat na buwan bago pa man naisapasa ang Cybercrime Prevention Act na inamyendahan noong 2014.

“Kaya ang sinasabi yung batas ginagamit para magpersecute yung weaponizing the law sa mga kalaban,” ayon kay Bishop Pabillo.

Taong 2012 nang ilathala ng Rappler ang investigative report ni isinulat ni Santos na may titulong “CJ using SUV’s of controversial businessmen.”

Sa artikulo, sinasabing ginagamit ng noo’y si Chief Justice Renato Corona na kasalukuyang sumasailalim sa impeachment trial ang mga sasakyan ng negosyanteng si Wilfredo Keng na inaakusahan din sa artikulo ng human trafficking at ilang pang illegal na gawain.

Si Ressa at Santos ay hinatulang guilty ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng branch-46 ng Manila Regional Trial Court.

Bukod sa anim na buwan hanggang sa anim na taong pagkakulong, pinagbabayad din ng hukuman sina Ressa at Santos ng P400,000 para sa moral at exemplemary damages.

Una na ring inakusahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang website na pinamamahalaan ni Ressa at pangunahing kritiko ng administrasyon na nagkakalat ng mga fake news at pag-aari ng dayuhan.

Ang Rappler ay pinagbawalan din noon na makapasok at mag-cover sa gawain ng pangulo sa Malacañang.

Inihayag ng Obispo na ang nangyari kay Ressa at Santos ay naging banta sa malayang pamamahayag o ang pagsasalita ng katotohanan.

“Nakakatakot na hindi mo alam yung mga karapatan mo na magsalita ka. Yan ba ay igagalang? O baka naman pagnagsalita ka ng laban sa pamahalaan baka ikaw naman ay pag-iinitan.”pahayag ni Bishop Pabillo

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 22,525 total reads

 22,525 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,072 total reads

 43,072 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 116,760 total reads

 116,760 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 202,130 total reads

 202,130 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 248,865 total reads

 248,865 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 296,736 total reads

 296,736 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 394,714 total reads

 394,714 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 315,710 total reads

 315,710 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 421,804 total reads

 421,804 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top