Mamamayang apektado ng COVID-19 pandemic, bibigyan ng kabuhayan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 573 total views

June 15, 2020, 2:17PM

Tiniyak ng social arm ng Archdiocese of Manila na nakahanda itong tumulong sa pagbibigay ng kabuhayan sa mamamayan lalo na ang mga higit apektado ng krisis na dulot ng pandemya.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila mahalagang maturuan ang mamamayan na magkaroon ng pangmatagalang kabuhayan upang hindi umaasa sa mga ayuda na ibinibigay partikular na sa panahon ng kagipitan.

“Ang Caritas [Manila] ay handang pumasok sa livelihood program sapagkat ito lang ang daan para maging sustainable ang buhay ng isang pamilya na hindi lang umaasa sa abuloy sa gobyerno o simbahan at makatatayo sa sariling paa,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Inihayag ng Pari na makipag-ugnayan ang Caritas Manila sa mga parokya at diyosesis upang matukoy ang mga benepisyaryong tutulungang makahanap ng trabaho o mabigyan ng puhunan upang magkaroon ng regular na pagkukunan ng kita na itutustos sa pangangailangan ng pamilya.

Ang mensahe ng pari ay kasabay ng pamamahagi ng manna food bags sa mahigit isandaang pamilya sa Longos Malabon na sakop ng Santa Clara ng Assisi Parish nitong nakalipas na Linggo ika-14 ng Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo o Corpus Christi.

Sinabi ni Father Pascual na magandang pagkakataon ang pamamahagi ng tulong na mga pagkain sa mga benepisyaryo lalo’t ipinagdiriwang sa Corpus Christi ang pagkain na magpapalakas sa kaluluwa at espiritwalidad ng tao.

“Sa diwa ng Corpus Christi tayo naman ay nagbibigay ayuda sa mga mahihirap upang madama nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain kasi ang Eukaristiya pagkain sa kaluluwa ‘yan,” dagdag pa ng pari.

Batay sa ulat ng Caritas Manila umabot na sa halos walong milyong indibidwal ang napagkalooban ng tulong na food bags, ligtas COVID-19 kit at mga gift certificate sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor at organisasyon.

Hiniling ni Fr. Pascual sa mamamayan ang patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ang tunay na sinasagisag ng Banal na Eukaristiya at ang mensaheng hatid ni Hesukristo sa kanyang muling pagkabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,742 total views

 49,742 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,611 total views

 45,611 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,813 total views

 81,813 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,455 total views

 90,455 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,575 total views

 115,575 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top