SLP, umaasang mapanibago ng panalangin ang pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 655 total reads

Umaasa ang isang grupo ng Simbahang Katolika na mapanibago si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng nagkakaisang panalangin ng bawat mananampalataya.

Naniniwala si Dr. Marita Wasan, Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas sa Banal na Espiritu na sa taimtim na pananalangin ay malabanan ang mga negatibong pahayag ni Pangulong Duterte.

“Bilang isang lingkod ng Simbahan ipagdarasal natin ang ating Pangulo na nawa’y maliwanagan siya,” pahayag ni Wasan sa Radio Veritas.

Naniniwala rin si Wasan na dahil sa paggamit ng fentanyl ng pangulo para sa kaniyang karamdaman kaya’t ang mga pahayag nito ay mga negatibo at kawalan ng delikadesa.

Magugunitang sa inilabas na pahayag ng Sangguniang Layko ng Pilipinas hinimok nito ang mananampalataya na manindigan para sa Panginoon at pananampalataya sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawaing banal ng Simbahan lalu’t higit ang pagdalo sa mga Banal na Eukaristiya.

Bukod dito ay hinikayat ng grupo ang bawat Katoliko na hindi lamang sa Salita ang pagsasabuhay ng mga turo ng Panginoon kundi mas ipakikita ito sa gawa bilang mga tagasunod ni Kristo.

Naniniwala si Wasan na mawawakasan din ang tila krisis na kinakaharap ng sambayanan kung sama-sama ang mga 99 na porsiyentong mga layko na bumubuo sa Simbahang Katolika na siya ring kasapi sa pamahalaan ng Pilipinas.

“Sana matapos itong pangyayaring ito na sa tingin ko malaking krisis para sa atin bilang Katoliko ay matatapos din sa pamamagitan ng tulong ng ating Panginoon at Banal na Espiritu,” ani ni Wasan.

Hinimok din ni Wasan ang 54 na lay organization at 53 diocesan council of the laity na maglabas din ng mga katulad na pahayag upang maipakikita ang pagkakaisa at maipararating kay Pangulong Duterte ang damdamin ng mamamayan.

Sa pahayag ng Pangulo kasabay ng awarding ceremony ng 2017 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities na ginanap sa Malacañang, tila hinimok nito ang mamamayan na patayin ang mga Obispo dahil sa pamumuna sa kaniyang pamamalakad sa bansa habang sa isang talumpati ng hinimok nito ang mga tao na huwag dumalo sa mga Misa sa Simbahan kundi manatili na lamang sa mga tahanan upang magdasal.

Subalit sa pagninilay ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ipinaliwanag nito na bagamat makahulugan ang sama-samang pagdarasal ng mag-anak sa mga tahanan ay mas higit na mahalaga ang pagtitipon ng mga mananampalatayang Katoliko sa bahay dalanginan.

Read: Eukaristiya, pinakamataas na uri ng panalangin

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 22,700 total reads

 22,700 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 107,030 total reads

 107,030 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 201,361 total reads

 201,361 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 263,047 total reads

 263,047 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 307,661 total reads

 307,661 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top