Obispo ng Balanga, hindi natatakot sa banta ng Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Mariing kinundena ng lider ng Simbahang Katolika sa Balanga ang panibagong pang-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga Obispo.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos lubhang mapanganib at magdudulot lamang ng pagkakawatak watak sa mamamayan ang pahayag ng Pangulo na paslangin ang mga Obispo na pumupuna sa kaniyang administrasyon.

“This is a very heartless statement, very harmful to all. Not only attacking the Church but dividing our country and showing that there is only hatred in his heart,” bahagi ng mensahe Bishop Santos sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, nakakaawa na sa hindi maingat na pamamahayag ni Pangulong Duterte ay unti-unti itong nawawalan ng moralidad sa kaniyang pamamahala bilang pinuno ng bansa.

Sa pahayag ng Pangulo kasabay ng awarding ceremony ng 2017 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities na ginanap sa Malacañang hinimok nito ang mamamayan na patayin ang mga Obispo dahil sa pamumuna sa kaniyang pamamalakad sa bansa.

Kaugnay dito, nanindigan si Bishop Santos na hindi ito natatakot sa banta ng Pangulo sa halip ay ipinagpapasa-Diyos na lamang ito.

“I have no fear with his threat. Let us just pray for him,” ani ni Bishop Santos.

Iginiit ng tagapamuno ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang pahayag ng pinuno ng Pilipinas ay nagdudulot ng kahihiyan sa kaniyang sarili at kabiguan sa mamamayang may takot sa Diyos.

Ang maanghang na mga pahayag ng Pangulo laban sa mga lingkod ng Simbahang Katolika ay dulot ng hayagang pagpuna ng mga pastol ng Simbahan sa mga maling polisiya ng pamahalaan tulad ng pagpapatupad ng giyera kontra droga na ikinasawi ng mahigit sa 20, 000 indibidwal, pagtaas ng bilang ng kahirapan dahil sa mataas na presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa at ang pagsawalang-bahala ng administrasyon sa sitwasyon ng West Philippine Sea na inangkin ng China.

Samantala, sinabi naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na pinatutunayan lamang ng pangulo sa kanyang mga pahayag na mayroon na siyang malalang sakit.

Dahil dito, hinikayat ng Obispo ang sambayanan na kaawaan, ipanalangin at huwag na lamang pansinin ang Pangulo.

“Pinatutunayan lamang ni Duterte na may malalang sakit na siya. Kaawaan sya at ipagdasal at ‘wag nang pansinin.” bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,596 total reads

 23,596 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,066 total reads

 8,066 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 48,627 total reads

 48,627 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,163 total reads

 76,163 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 124,428 total reads

 124,428 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,205 total reads

 146,205 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top