25,591 total views
Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi dapat madaliin ang pagpasa ng divorce bill.
Lalu na’t mas maraming mga suliranin ang Pilipinas na higit na dapat bigyang tuon.
Ito ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa minadaling pag-apruba ng House committee on Population and Family Relation ng divorce bill.
“There was too much haste in passing the bill in committee level,” ayon kay Fr. Secillano.
Giit ng pari, ang diborsyo ay hindi lamang usapin ng kababaihan kundi usapin ng buong pamilya na hindi dapat maisantabi sa usapin.
“This is not just an issue for women. Divorce is primarily an issue about the family. So ‘wag nating i-separate ‘yun. You are breaking-up a marriage and a marriage actually, leads to a family,” ayon kay Fr. SEcillano.
Paliwanag ng pari, hindi isinasantabi ng simbahan ang mga ulat ng pang-aabuso at karahasan laban sa kababaihan subalit marami ring umiiral na batas para dito kabilang na ang Magna Carta for Women, at batas laban sa physical abused.
Mariin namang tumututol ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa divorce bill na patuloy na isinusulong sa kongreso.
Sa inilabas na pahayag ang hakbang ay pagpapadali lamng ng paraan ng paghihiwalay ng hindi magkasundong mag-asawa subalit hindi tugon sa dahilan ng paghihiwalay.
Ayon pa sa pahayag ang pamilya ay biyaya ng panginoon gayundin ang kasagraduhan ng kasal.