Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 538 total views

May mga ilang araw na kapanalig, na kapansin pansin ang haze o maruming kalawakan sa Metro Manila. Marami nga ang nag-aakala na ito ay bunsod pa rin ng abo mula sa pagputok ng Taal Volcano. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, maruming hangin ang pumaimbabaw sa ka-Maynilaan nitong nakaraang mga linggo kaya hazy ang kalangitan nitong nakaraang mga araw.

Ayon sa mga eksperto, poor quality o mababang kalidad ang hangin sa Metro Manila nitong nakaraang mga araw, partikular na nitong mga huling linggo ng Enero. Umabot ng 63 hanggang 65 micrograms per cubic meter ang air pollutants syudad. Mapanganib sa kalusugan ito kapanalig. Ayon nga sa World Health Organization, ang pamantayan o standard ay nasa 25 micrograms lamang per cubic meter.

Hindi natin inaalintana ito masyado, lalo pa’t nasanay na tayo sa dumi ng hangin ng syudad. Pero dapat mabahala tayo dito kapanalig, dahil ang maruming hangin, nakakamatay. Sa buong mundo, ang maduming hangin ay isa sa pangunahing dahilan ng mga sakit sa buong mundo. Ilan sa mga ito ay sakit sa puso, stroke, chronic obstructive pulmonary disease, lung cancer, pati mga respiratory infections in children.

Ayon nga datos ng WHO, umaabot ng 4.2 million ang bilang ng mga kamatayan na kaugnay ang maduming hangin.

Ano nga ba ang magagawa natin sa maruming hangin sa ating paligid?

Kapanalig, kahit na karaniwang Filipino tayo, marami tayong magagawa para makatulong tayo sa paglinis ng hangin sa atin. Unang una, dapat nating maunawaan na ang pag-gamit natin ng enerhiya ay may malaking ambag sa paglala ng kundisyon ng hangin sa ating paligid. Ang enerhiya kasi, gumagamit ng krudo, na kapag sinusunog, nandurumi ng hangin.

Ang pag-gamit din ng sasakyan, nakakarumi ng hangin. Krudo kasi ang gamit nun, at kung sinusunog, dinudumihan din ang kalawakan. Kaya kung mababawasan ang trapiko sa atin, malaking kaginhawaan yan para sa ating kalangitan.

Ang ating hangin ay libre, ngunitkung dinudumihan natin ito ng tuwina, magbabayad tayong lahat ng mahal, katumbas ng ating kalusugan, katumbas ng ating buhay.

Kapanalig, ang ating pagtrato sa ating kapaligiran ay sumasalamin kung gaano natin binibigyang halaga ang ating sariling buhay.

Kagaya ng pahayag sa Caritas in Veritate, “Ang paraan ng pakikitungo ng sangkatauhan sa kapaligiran ay nakakaimpluwensya sa paraan ng pagtrato nito sa sarili, at kabaligtaran.” Tunay sana nating maunawaan ang mga katagang ito, at isabuhay natin upang malasap naman natin ang sariwang hangin at malusog na pangangatawan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,258 total views

 40,258 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,346 total views

 56,346 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,826 total views

 93,826 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,777 total views

 104,777 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 40,259 total views

 40,259 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,347 total views

 56,347 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,827 total views

 93,827 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,778 total views

 104,778 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 94,343 total views

 94,343 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 95,070 total views

 95,070 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 115,859 total views

 115,859 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 101,320 total views

 101,320 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 120,344 total views

 120,344 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top