Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 263 total views

Ang smartphone mo kapanalig, hindi lang mainam para sa social media o panonood ng youtube. Mahalaga rin ito sa panahon ng delubyo.

Binabago ng mga smartphones ang pagharap ng sangkatauhan sa mga iba-ibang sakuna na nangyayari sa ating buhay. Hindi natin binibigyan ng halaga ang aspetong ito ng smartphones, kapanalig, pero maraming buhay na ang nasalba ng teknolohiyang taglay ng ating smartphones.

Isang halimbawa nito, kapanalig, ay ang pag-gamit nito ng mga Africans sa panahon ng isa sa pinakamatinding krisis sa kanilang kasaysayan. Ayon sa isang pag-aaral, noong panahong pumutok ang sakit na Ebola sa West Africa noong 2014–2016, ang contact tracing ay isa sa mga pinakamahalagang elemento ng pagpigil ng pagkalat ng epidemyang ito. Napakahirap kasi ng paper-based na contact tracing. Minsan hindi kumpleto ang nilalagay ng mga tao sa mga forms, maraming delay sa komunikasyon, minsan di na makita ang mga nakasalamuha ng may sakit.

Nung kahitikan ng epidemyang ito, sinubukan ng ilang mga eksperto ang ang pag-gamit ng app sa smartphone na tinawag na Ebola Contact Tracing Application o ECT App, na gawa ng Earth Institute ng Columbia University. Nakita nila na 63% ng mga contacts ang naabot ng app, kumpara sa 39% lamang gamit ang paper-based contact tracing. Hindi man perpekto, nagpakita ito ng malaking potensyal sa mas maayos at sistematikong contact tracing sa mga ganitong uri ng sakit at epidemya nangangailangan ng mabilisang aksyon.

Mahalaga ito, kapanalig, lalo na sa mga bansang gaya sa atin kung saan marami ang maralita at nakatira sa masisikip ang lugar. Sa mga informal settlements, kapag bumahing lang ang isang tao, marami na agad ang mahahawa. At dahil informal settlements, labas masok ang mga tao, at marami sa kanila, paroot parito kung saan-saang lugar.

Sa panahon ngayon na marami ang takot sa pagkalat pa ng Novel Corona Virus, ang pagdevelop ng contact tracing app na akma sa ating pangangailangan ay magiging isang malaking tulong sa pagkalma ng kalooban ng marami, at ng mas mabilis na pag-alam kung sino ang naapektuhan ng sakit na ito. Mas mainam na ito, diba kapanalig, kaysa sa pag-gamit ng smartphone sa pagkalat ng fake news?

Panlipunang katarungan, kapanalig, ang anumang gawain na magsusulong ng kapakanan ng balana, lalo na ng maralita. Pina-paalala ng Justicia in Mundo, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, “Kung hindi natin pipigilan, ang impluwensya ng bagong teknolohiya ay papaboran lamang ang may kaya at kapangyarihan.” Nawa’y gamitin natin ng tama at makabuluhan ang teknolohiya gaya ng smartphones, kapanalig, lalo na’t nasa gitna ang sangkatauhan ng isang napakalaking hamon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 15,938 total views

 15,937 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 53,778 total views

 53,778 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 64,731 total views

 64,730 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 90,091 total views

 90,090 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 11,088 total views

 11,088 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 15,940 total views

 15,940 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 53,780 total views

 53,779 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 64,733 total views

 64,732 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 90,093 total views

 90,093 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 90,953 total views

 90,953 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 111,742 total views

 111,742 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 97,203 total views

 97,203 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 116,227 total views

 116,227 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 98,901 total views

 98,901 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »
Scroll to Top