Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 293 total views

Kapanalig, nakakapagtaka na sa isang bansa gaya ng Pilipinas kung saan hitik na hitik ang init ng araw sa maraming lugar, hindi yumayabong solar energy. Sayang naman, diba? Libre ang pwersa ng araw, at napaka-makapangyarihan.

Malaki ang magiging tulong ng solar energy sa mga mamamayan. Unang una, napakamahal ng kuryente sa atin. Tayo nga ang isa sa may pinakamataas halaga ng kuryente sa ASEAN. Nasa mga Php10 per kilowatt hour ang kuryente natin, at malaki ang halaga nito kada buwan kung may ref ka, aircon, at iba pang appliances. Ang sistema pa, nakadepende sa coal at langis ang enerhiya sa bayan, na nakakarumi ng ating hangin at kalawakan.

Ang suplay din ng kuryente natin ay madalas numipis, lalo pa kung tag-araw. Mas mataas kasi ang demand para sa kuryente pag ganitong panahon. Kapag may nasirang planta, delikado ang suplay.

Maliban sa suplay at gastos, masalimuot din ang pagbibigay access sa kuryente sa marmaing lugar sa ating bayan. Hati-hati ang pulo ang ating bayan, at maraming mga lugar, mahirap abutin lalo na pagdating ng tag-ulan. Malaking gawain ang pagbibigay access ng kuryente sa ganitong lugar dahil hindi lamang kable ang kailangan, diba, sa regular na suplay ng kuryente. May mga transmission towers na kailangan, may transformers, at iba pa.

Kaya nga’t napakagandang bagay sana ang solar power sa ating bansa. Mantakin mo, kung maliit lamang ang suplay na kailangan ng isang kabahayan, sasapat na ang ilang solar panels para kanyang pangangailangan. Ang mga ito ay maaring mailagay sa bubong na may koneksyon at plug na pwedeng saksakan sa loob ng iyong bahay. Hindi na masamalimuot, kumbaga, parang plug and play. Sa isang simple at maliit na solar panel, maari ka ng magka-ilaw, o makapag-charge ng cellphone. Kapag may sakuna o disaster, may maasahan ka pa ring kuryente kung solar power ang gamit mo.

Sana mapagbigyan natin ang solar power sa bayan. Ginhawa ang dala nito, kahit paunti unti lamang. Pwedeng umpisahan ng mga kabahayan sa maliitan na paraan, lalo pa’t paunti unti ng nagmumura ang halaga nito habang nagdadaan ang panahon. Kung mas marami ang gagamit, mas malaki ang pagkakataon na mas liliit na ang halaga ng solar power installation sa bansa.

Kapanalig, ang pag-gamit ng pwersa ng araw ay hindi lamang wais at praktikal na desisyon, ito ay makatao at maka-Diyos na gawain. Ang renewable energy ay isang kongkretong paraan ng malinis na enerhiya, nangangalaga sa kalikasan habang sinasalo ang pangaingailangan ng tao. Payo nga ni St. John Paul II sa kanyang World Day of Peace Letter (“The Ecological Crisis: A Common Responsibility”) noong 1990, “Ang mga estado ay dapat na maging responsable sa pagsulong ng isang natural na lipunan at kapaligiran, kung saan namamayagpag ang kapayapaan at kalusugan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 79,963 total views

 79,963 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,738 total views

 87,738 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 95,918 total views

 95,918 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,459 total views

 111,459 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,402 total views

 115,402 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 79,964 total views

 79,964 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 87,739 total views

 87,739 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 95,919 total views

 95,919 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 111,460 total views

 111,460 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 115,403 total views

 115,403 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 60,290 total views

 60,290 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 74,461 total views

 74,461 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 78,250 total views

 78,250 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 85,139 total views

 85,139 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 89,555 total views

 89,555 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 99,554 total views

 99,554 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 106,491 total views

 106,491 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,731 total views

 115,731 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 149,179 total views

 149,179 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 100,050 total views

 100,050 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top