Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Faith-based organizations, nakiisa sa libu-libong apektado ng C5 NLEX project

SHARE THE TRUTH

 278 total views

Nagkaisa ang Diocesan NLEX Task Force ng Diyosesis ng Novaliches kasama ang ilang kristiyanong denominasyon ng Quezon City para tiyakin ang karapatan ng mga residenteng maapektuhan sa C5 NLEX Segment 8.2 Project ng pamahalaan.

Katuwang ng grupo ang Church People – Urban Solidarity (CUPS), isang national land ecumenical group at iba pang grupo ng pananampalataya sa pakikipagdiyalogo at pakikiisa sa halos 30, 000 pamilya na mawawalan ng tirahan sa pagsisimula ng proyekto.

Ginanap ang Ecumenical gathering sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd sa Fairview Quezon City na dinaluhan nina Novaliches Bihsop Roberto Gaa at mga kinatawan ng Episcopal Diocese of Central Philippines, UMC Manila Episcopal Area, at UCCP Middle Luzon Jurisdiction.

Layunin ng pagtitipon na higit maisulong ang karapatan at dignidad ng mga apektadong mamamayan at maipadama ang pagkilos ng simbahan at mga institusyon para sa kanilang kapakanan.

Tugma rin ito sa paksa ng simbahan ng Pilipinas na ‘Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People’ kung saan binigyang pagpapahalaga ang pakikipag-usap bilang mabisang hakbang sa pagkakamit ng kapayapaan sa lipunan.

Itinatag ang Diocesan NLEX Task Force sa pangunguna ng Basic Ecclesial Community kasama ang mga Pari ng Diyosesis upang gabayan ang mananampalatayang apektado sa segment 8.2 ng NLEX na kabilang sa Build Build Build program ng administrasyong Duterte.

Sa mga pamahayag noon ng Kanyang Kabanalan Francisco, sinabi nitong dapat isaalang – alang ng mga namumuno sa bayan ang kapakanan at karapatan ng mga mamamayan lalo’t higit ang mga dukha sa mga pagpapaunlad na gagawin sa bayan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 3,053 total views

 3,053 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,504 total views

 36,504 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 57,121 total views

 57,121 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,782 total views

 68,782 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,615 total views

 89,615 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top