Impormasyon hinggil sa nCoV, ipaalam sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 357 total views

Kinakailangang maging bukas ang pamahalaan sa mga impormasyon kaugnay sa tunay na sitwasyon ng bansa sa gitna ng banta ng patuloy na pagkalat ng 2019 Novel Coronavirus.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo–chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, ito ay upang maging bukas ang kamalayan ng mamamayan sa mga naaangkop na hakbang upang maging ligtas mula sa pagkalat ng sakit.

Paliwanag ng Obispo, hindi dapat na linlangin ng pamahalaan ang taumbayan upang mapanatag mula sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

“Yung appeal natin ay patuloy sanang maging open ang ating gobyerno sa ganitong mga balita para alam ng mga tao, patuloy na gabayan ang mga tao kasi sila naman ang mayroong kakayahan na mag-aral nitong mga virus na ito,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Umapela rin ang Obispo sa mga ospital sa bansa na maging handa sa pagtanggap ng lahat ng mga may sakit lalo na ang mga mahihirap.

Dagdag pa ng Obispo, dapat na maging patas ang pagtugon at pagkakaloob ng tulong medikal sa bawat mamamayan upang na malunasan at hindi na kumalat pa ang nakamamatay na sakit.

“Maging handa sa pagtanggap sa mga may sakit, ang iniisip natin yung mga mahihirap, sana tanggapin kaagad at sana huwag na masyadong pahirapan sa mga ospital natin, sa mga health centers natin kasi kung hindi mas lalong kakalat itong virus na ito, so lalo na sa mga mahihirap sana maging handa sila na tanggapin ang ganitong mga kaso,” dagdag pa ng obispo.

Sa tala ng Department of Health mayroon ng tatlong kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV sa Pilipinas.

Idineklara na rin ng World Health Organization (WHO) ang “global health emergency” dahil sa pagkalat ng novel-coronavirus sa halos 28 bansa kung saan naitalang umaabot na sa mahigit 25,000 ang kumpirmadong nagtataglay ng sakit habang mahigit sa 500 naman ang namatay.

Sa Pilipinas, naitala ang unang kaso ng pagkamatay ng dahil sa nCoV-ang kauna-unahang nasawi sa labas ng China na pinagmulan ng sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,608 total views

 53,608 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,477 total views

 49,477 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,679 total views

 85,679 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,184 total views

 94,184 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,010 total views

 119,010 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top