Diocese ng Hongkong, nagpalabas ng panuntunan upang makaiwas sa nCoV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 458 total reads

Nagpalabas ng bagong panuntunan ang Diocese of Hongkong para sa ilang gawain ng simbahan bilang hakbang sa pag-iwas ng lumaganap na 2019 Novel Corona Virus (NCoV).

Sa inilabas na abiso ng Chancery batay na rin sa kautusan ni Cardinal John Tong hinimok nito ang mananampalataya na umiwas sa malalaking pagtitipon at sa matataong lugar upang maiwasang mahawaan NG sakit.

Hinikayat ng diyosesis ang mananampalataya na pansamantalang manuod na lamang ng pagdiriwang ng Banal na Misa tuwing Linggo sa webcast sa www.catholic.org.hk at tumanggap na lamang ng komunyong espiritwal.

Mariin ding pinagbabawalan ng diyosesis ang pagdalo sa mga misa ng mananampalatayang nagmula sa mga lugar na higit apektado ng NCoV tulad ng Wuhan China at iba pang lugar na apektado, sa halip ay makiisa na lamang online mass sa kanilang tahanan o mga quarantine areas.

Bagamat walang pagbabago sa mga schedule ng misa sa mga parokya, hinimok nito ang mga dadalo na magsuot ng face masks, sunding mabuti ang proper hygiene na iminungkahi ng mga health officials at panatilihin ang wastong distansya sa pagitan ng mga katabi.

Hinimok ni Cardinal Tong ang mananampalataya na patuloy manalangin sa Panginoon na iadya ang kanilang rehiyon sa epekto ng NCoV kung saan sa pinakahuling ulat umabot na sa 18 ang kumpirmadong kaso.

Nauna na ring nanawagan si Balanga Bishop Ruperto Santos sa mahigit 200-libong Overseas Filipino Workers sa Hongkong manatiling nakaalerto at malinis sa pangangatawan upang makaiwas sa posibleng pagkahawa ng NCoV.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 19,605 total reads

 19,605 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 56,502 total reads

 56,502 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 282,772 total reads

 282,772 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 176,239 total reads

 176,239 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 269,222 total reads

 269,222 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top