Nakibahagi sa alay lakad, pinuri ng Obispo ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,648 total reads

Pinuri at pinasalamatan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang libu-libong mananampalatayang nakiisa sa Alay Lakad patungong International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral noong Huwebes Santo, March 28.

Ikinatuwa ng obispo ang pagiging masigasig ng mga perigrino na nag-alay ng mga barya sa dambana kung saan bukod sa Alay Lakad ang pagiging Bukas Palad para sa pangangailangan ng kapwa.

“As those coins touch the sanctuary of our Cathedral, they resonates the sounds of your cares and concerns. Your prayers and petitions rise merlodiously to Heaven,” ayon kay Bishop Santos.

Tiniyak ni Bishop Santos na ang nalikom na pondo mula sa baryang inialay ng mga perigrino sa dambana ng international shrine ay gagamitin para sa proyekto ng diyosesis na pagpapatayo ng Chapel of Our Lady of Antipolo sa Tanay Rizal na magiging sentro ng pagpapalalim sa pananampalataya at sakramento ng simbahan lalo na ang pag-iisang dibdib.

“With your coins, we will build you a Chapel of Our Lady in our property in barangay Sampaloc, Tanay. A chapel for your family, for renewal of your marital vows, a place where people can congregate and flourish. A wedding destination of the Diocese of Antipolo in honor of patroness Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje,” ani Bishop Santos.

Nagsimula na ang pagtatayo sa kapilya kaya’t malaking tulong ang mga baryang inialay ng mga nakiisa sa Alay Kapwa na ayon sa pamunuan ng Antipolo Cathedral ay kadalasang nakakalikom ito ng mahigit sa 100-libong piso.

Patuloy na pinasalamatan ni Bishop Santos ang mga deboto at mananampalatayang dumadalaw sa international shrine at nagpahayag ng pagsuporta sa mga proyekto at programa ng simbahan para sa kapakinabangan ng mamamayan lalo’t higit ang nangangailangan sa lipunan.

Tanyag ang Antipolo Cathedral bilang pilgrim site lalo na ngayong kinilala ito ng simbahan bilang kauna-unahang international shrine ng Pilipinas at Southeast Asia gayundin ang paggawad ni Pope Francis ng Golden Rose na kauna-unahan para sa isang Marian Shrine.

Pinaghahandaan ngayon ng Diocese of Antipolo at international shrine ang nalalapit na pagsisimla ng pilgrimage season sa Mayo na magtatagal hanggang Hulyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,236 total reads

 50,236 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,005 total reads

 147,005 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,274 total reads

 191,274 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,383 total reads

 214,383 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,315 total reads

 287,315 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top