Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 92,830 total reads

Summer na kapanalig, at halos lahat tayo sa beach na nais magpunta. Ang karagatan ang pangunahing destinasyon ng maraming Pilipino. Sa ating pag-eenjoy sa beach ngayong tag-init, naisip ba natin kahit minsan ang “ocean health”?

Ang karagatan ay napakalawak na katawang tubig na umaakap sa maraming barangay, bayan, at bansa. Sa katawang tubig na ito, matingkad na matingkad nating makikita ang interconnectedness ng bawat bansa. Ito ay napakalaking ecosystem na may dalang napakaraming biyaya para sa lahat.

Isa sa mga hindi natin inaalintanang biyaya ng karagatan ay ang function nito ng pagre-regulate ng klima. Kapanalig, ang karagatan ay 70% ng ating mundo, at nag-tatransport ng init at lamig sa iba ibang parte ng mundo, kaya’t malaki ang bahagi nito sa global climate.

Ang karagatan o ocean ay source ng pagkain at kabuhayan ng maraming tao. Sabi nga ng isang pag-aaral ng World Bank,  ang malusog na karagatan ay nagtutulak ng economic growth at nagbibigay buhay sa mga coastal communities. Sa buong mundo, bilyong bilyong tao ang naka-asa sa karagatan, at karamihan dito ay mga maralita. Sa ating bansa, mahigit 55 milyong katao ang nakatira sa mga coastal areas. Mahigit 1.6 million ay mangingisda, at marami sa kanila, subsistence fishing lamang ang source of income. Sila ang mga pangunahing apektado ng isa sa mga banta ng ocean health, ang overfishing.
Sa ngayon, tinatayang 20% na ang binaba ng fish stocks sa bayan sa nakalipas na dekada dahil sa over fishing, mapanirang paraan ng pangingisda, pagkasira ng ocean ecosystem, at polusyon at dumi mula sa mga land-based activities. Sa pag-init din ng mundo, marami ring mga species ng isda at marine life ang maapektuhan at maaring mawala.

Ang basura at plastic din kapanalig, ay isa mga nangungunang banta sa ocean health. Ang ating bayan nga ang isa sa mga nangungunang plastic polluter sa buong mundo. Kada Pilipino, base sa isang pag-aaral, ay nagkakalat ng 3.3 kilo ng basurang plastic kada taon. Ang basurang ito, sa karagatan din ang destinasyon.

Kapanalig, napaka-ironic na pabaya tayo sa kalusugan ng karagatan, hindi ba, dahil tayo naman din ang pangunahing nakikinabang sa biyayang dala nito. Buksan natin ang ating mga mata. Ang ating kapabayaan ay magdudulot hindi lamang ng kamatayan ng ating mga katawang tubig, kundi ng buhay ng maraming mga Pilipino.

Si Pope Francis, sa kanyang Laudato si, ay matagal ng nanawagan para sa maayos na system of governance para sa ating mga karagatan, isa sa  mga tinaguriang “global commons.” Malaking hamon sa ngayon ang ocean health, at kailangan natin, bilang isang nag-iisang global family, na buhayin o irevitalize muli ang mga karagatan. Ang buhay natin lahat ang nakataya dito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,363 total reads

 3,363 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 55,489 total reads

 55,489 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 140,855 total reads

 140,855 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 187,591 total reads

 187,591 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 235,463 total reads

 235,463 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 336,733 total reads

 336,733 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 55,490 total reads

 55,490 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 140,856 total reads

 140,856 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 187,592 total reads

 187,592 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 235,464 total reads

 235,464 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top