Green Future – Bagong Buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 91,641 total reads

Kapanalig, malapit na ang easter, ang pasko ng pagkabuhay. Sa Western World, kasabay ito ng spring, kung saan namumulaklak at nabubuhay muli ang mga halaman, at lumalabas ulit ang mga hayop na nag-hibernate sa haba ng winter o taglamig. Hudyat ng bagong buhay.

Ang easter kapanalig, ay simbolo ng bagong pag-asa, ng renewal. Ito ay nababalot ng ligaya at liwanag. Ang selebrasyon ng pasko ng pagkabuhay o easter ay dama, hindi lamang sa ating mga ritwal sa simbahan, kundi sa muling pagyabong ng kalikasan.

Kaya lamang, kapanalig, ang pagyabong na ito ng nature o kalikasan ay compromised o namemeligro sa ating panahon ngayon. Ang Green Future o sustainable future ay kay hirap abutin  – parang konsepto at pangarap na lamang na hindi natin maabot o maintindihan. Pero kapanalig, napakalahaga nito, dahil sa sustainable future nakataya ang buhay nating lahat.

Kapanalig, ang sustainable o green future ay ang isyu ng ating henerasyon ngayon na dapat nating harapin para may kinabukasan pa tayong haharapin. Para sa maliit na bansa gaya ng ating bayan, ang pagtitiyak ng green future ay mahirap – kailangang ibalanse ang pangagailangan ng pag-usad ng ekonomiya at ng kalikasan.

Ngayon, nakikita natin ang imbalance sa ating mga syudad. Ang urban planning sa ating mga bayan ay hindi nakasentro o nakafocus sa sustainability. Kitang kita sa ating mga kalye o lansangan, sa ating  mga pampublikong espasyo – urban jungle na ang ating kapaligiran. Kaunti lamang ang green spaces, pati mga ilog at estero natin natabunan na ng basura at kongkreto.

Ang mga pabahay sa ating mga lungsod ay nakaharang sa mga natural na daluyang tubig kaya mabilis na magbaha. Dagdag pa rito ang kawalan ng mga maayos na basurahan. Makikita mo sa sa mga lungsod natin, kaunti lamang ang basurahan kaya’t ang tao, sa kalye ang tapunan.

Maski sa kuryente o power source ng bayan, mabagal ang uptake o pag-gamit natin ng mga renewables. Kaunti pa lamang ang mga investors o namumuhunan ang nagtataya para sa mas malakawang pag-gamit ng renewable energy sa ating bayan.

Sa ating mga sariling bahay, kapanalig, ang pag-gamit natin ng enerhiya at tubig, minsan, parang di nauubos. Tuloy tuloy lamang at walang pagtitipid. Kaunti na rin ang mga green spaces sa maraming mga kabahayan. Ang ating mga dating gardens, garahe na.

Sayang kapanalig, at sa pagdaloy ng panahon, tila nawawalan ng puwang ang kalikasan sa kaunlaran ng mamamayan. Hindi kailangan maging collateral damage ang kalikasan sa economic development. Ang progress, kapanalig, ay hindi kailangang katumbas ng kamatayan ng kalikasan. Ang economic development, kapanalig, ay hindi sustainable, kung hindi sustainable ang ating kalikasan. Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si: A technological and economic development which does not leave in its wake a better world and an integrally higher quality of life cannot be considered progress. Frequently, in fact, people’s quality of life actually diminishes – by the deterioration of the environment, the low quality of food or the depletion of resources – in the midst of economic growth.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,317 total reads

 20,317 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,548 total reads

 101,548 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,997 total reads

 134,997 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,295 total reads

 170,295 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,167 total reads

 396,167 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 20,318 total reads

 20,318 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,549 total reads

 101,549 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,998 total reads

 134,998 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,296 total reads

 170,296 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top