100,372 total views
Mahal na Araw, na kapanalig. Ano ba ang ang mga sakripisyo at penance na nilaan mo nitong kuwaresma bilang paghahanda sa nalalapit na easter?
Isang magandang ayuno ngayong mahal na araw ay ang social media fasting. Ano ba ito?
Kapanalig, ang socal media fasting ay isang gawain kung saan nagpapasya ang isang indibidwal na pansamantalang tumigil muna sa pag-gamit ng social media platforms gaya ng Facebook, Instagram, Twitter, tiktok at iba pa. Sa social media fasting, hindi lamang pagpo-post ang ititigil, kundi pati ang walang katapusang doomscrolling na ginagawa natin araw araw.
Ang fasting na ito ay ginagawa hindi lang bilang sakripisyo. Ito ay dapat nating gawin upang magkaroon naman ng oras at espasyo ang Panginoon sa ating buhay ngayong mahal na araw. Tinatanggal nito ang ating “mindless scrolling,” at pinapahupa ang mga samut-saring reaksyon at emosyon na nati-trigger sa atin ng social media araw-araw. At napakaraming emosyon at reaksyon ito, dahil tinatayang mga 86.75 million ang active social media users sa ating bayan. Kung lahat ng iyan ay magso-social media fasting at makikinig sa Psalm 46:10 kung saan nakasaad ang mga katagang: “Be still and know that I am God,” marami ang makakaranas ng kapayapaan at pagmamahal ng Diyos ngayong mahal na araw.
Pero kahit hindi mahal na araw, dapat natin itong gawin, kapanalig. Ang social media fasting ay nakakatulong sa ating mental health. Kapag naka-unplug tayo paminsan-minsan, napapahinga ang ating isip at damdamin sa information overload at nagkakaroon tayo ng espayo para sa natural na creativity o pagka-malikhain.
Ang social media fasting din, kapanalig, ay nagbibigay ng panahon upang sa real world naman tayo mag-connect. Sa pagtigil sa pag-gamit sa social media. Mas maraming oras at atensyon ang mabibigay natin sa ating mga pamilya at kaibigan. Magkakaroon tayo ng mas maraming pagkakataon na magpalalim pa ng ating ugnayan sa ating pamilya at sa mga taong nakapaligid sa atin.
Kapag binawas-bawasan din natin ang pag-gamit ng social media, tiyak na magiging mas produktibo tayo. Sa pagbawas sa scrolltime at pagbabasa sa walang katapusang balita, mas nahaharap natin ang tunay na buhay, nakikita natin ang mga dapat nating gawin, at nagkakaroon ng oras upang tapusin ang lahat ng gawain. Nagkakaroon pa tayo ng oras para sa self-development.
Angkop na angkop dito ang payo at babala ni Pope Francis mula sa Laudato Si, kung saan tinawag niyang mental pollution ang walang katapusang data na ating kinakalap at binabasa sa social media: True wisdom, as the fruit of self-examination, dialogue, and generous encounter between persons, is not acquired by a mere accumulation of data which eventually leads to overload and confusion, a sort of mental pollution. Real relationships with others, with all the challenges they entail, now tend to be replaced by a type of internet communication which enables us to choose or eliminate relationships at whim, thus giving rise to a new type of contrived emotion which has more to do with devices and displays than with other people and with nature.
Sumainyo ang Katotohanan.