Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘No permit, no exam’, bawal na

SHARE THE TRUTH

 99,781 total views

Mga Kapanalig, ang pag-aaral ng mga bata ang isa sa mga laging naisasakripisyo kapag dumaranas ng problemang pinansyal ang isang pamilya. Kapag nawalan ng trabaho ang pangunahing naghahanapbuhay sa pamilya o may matinding sakit na dumapo sa isang kamag-anak, nagiging paraan ang pagpapatigil sa pag-aaral ng mga estudyante upang makaraos. Masakit ito sa kalooban ng mga magulang, at malaking dagok para sa mga bata. 

Malimit itong maranasan ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga pribadong paaralan, kung saan sinasabing mas maganda ang kalidad ng edukasyon. Marami sa mga ganitong paaralan ay pinatatakbo ng mga parokya ng ating Simbahan at mga religious orders. Gayunman, ang magandang edukasyon na ito ay may katumbas na malaking halaga. Ang matrikula o tuition fee sa mga pribadong grade school at high school ay maaaring umabot ng hanggang ₱150,000 kada school year. Sa mga pribadong kolehiyo naman, ang average na matrikula ay nasa pagitan ng ₱70,000 at ₱250,000 bawat school year. Hindi pa kasama sa mga halagang ito ang bayad sa mga libro, uniporme, at miscelleneous expenses

Dahil nakasalalay ang operasyon ng mga pribadong paaralan sa ibinabayad ng mga estudyante, mahigpit sila pagdating sa mga bayarin. Isa sa mga naging kalakaran na ay ang hindi pagpapa-exam sa mga estudyante kapag hindi sila bayád sa kanilang matrikula, na malalaman kung may maipakikita silang permit para makakuha ng pagsusulit. 

Mababago na ito sa ilalim ng kapapasá lamang na “No Permit, No Exam Prohibition Act” o ang Republic Act No. 11984. Pinirmahan ito ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong ika-11 ng Marso. Umabot din ng limang taon bago naipasá ang naturang batas. Ang principal author nito sa Senado ay si Senador Ramon Revilla Jr, habang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na mas naunang maghain ng ganitong batas, isa sa mga may-akda ay ang ACT Teachers Party-list. Isa nga itong “significant victory for students’ rights and welfare,” ayon Kay ACT Teachers Representative France Castro. 

Saklaw ng batas na ito ang lahat ng paaralan at kolehiyo, pati na rin ang mga technical-vocational schools, na nag-aalok ng tinatawag na long-term courses na lampas sa isang taon. Halimbawa nito ang mga pribadong unibersidad kung saan ang mga estudyante ay may kursong umaabot ng apat hanggang limang taon. Hindi na maaaring i-require ang mga mag-aaral na bayaran muna ang kanilang mga financial obligation bago bigyan ng permit para makapag-exam. Papayagan silang mag-exam basta makapagpapasa sila ng promissory note. Ang mga estudyante namang walang pambayad ng matrikula at iba pang school fees dahil sa mga kalamidad, emergencies, at iba pang “justifiable reasons” ay kailangang kumuha ng certification mula sa DSWD. Ang mga paaralang lalabag sa “No Permit, No Exam Prohibition Act” ay papatawan ng DepEd, CHED, at TESDA ng administrative sanctions.

Magandang balita ito, hindi po ba? 

Sabi nga ng mga mambabatas na nagsulong nito, hindi dapat maging hadlang ang kakapusan sa buhay sa pagkamit ng mga mag-aaral ng edukasyong kailangan nila upang marating ang kanilang mga pangarap. Sang-ayon ang diwa ng batas sa sinasabi ng Evangelii Gaudium, isang Catholic social teaching, tungkol sa edukasyon. Ang edukasyon ay mahalagang sandigan ng “general temporal welfare and prosperity”—o pangkabuuang kabutihan at kaunlaran ng tao. Dapat lamang na kumilos ang mga nasa kapangyarihan na alisin ang mga balakid sa pagkamit ng edukasyon.

Mga Kapanalig, ganito ang mababasa natin sa Mga Kawikaan 9:9: “Matalino’y turuan mo’t lalo siyang tatalino, ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito.” Naniniwala tayong bawat isa sa atin—lalo na ang kabataan—ay may karunungang dapat linangin. Ang paglinang dito ay hindi dapat nakasalalay sa kakayahang magbayad para sa mahusay na edukasyon.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 23,719 total views

 23,719 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 35,436 total views

 35,436 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 56,269 total views

 56,269 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 72,782 total views

 72,782 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 82,016 total views

 82,016 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 23,720 total views

 23,720 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 35,437 total views

 35,437 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 56,270 total views

 56,270 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 72,783 total views

 72,783 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 82,017 total views

 82,017 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 73,643 total views

 73,643 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 81,702 total views

 81,702 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 102,703 total views

 102,703 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 62,706 total views

 62,706 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 66,398 total views

 66,398 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 75,979 total views

 75,979 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 77,641 total views

 77,641 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 94,972 total views

 94,972 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 70,955 total views

 70,955 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 63,813 total views

 63,813 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top