Teknolohiya at Inklusibong Sistemang Pang-pinansyal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,551 total reads

 

Kapanalig, dahil sa pandemya, biglaan at agarang nagshift o lumipat ang mga tao sa online banking at payment schemes. Ang kalakalan sa bansa ay nagbago na. pati palengke, online na rin. Kaya lamang, ang pangyayaring ito ay nagpakita na malawak pang digital divide sa ating bansa.

Kailangan natin masiguro na inklusibo ang ating sistemang pang-pinansyal. Kung pagbabatayan ang datos mula sa Central Bank, marami pa tayong kailangan gawin upang matiyak na lahat tayo ay maisama sa shift o paglipat tungo sa digital financing system at e-commerce.

Ayon sa 2019 Financial Inclusion Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), higit pa sa 51 milyong Filipino adults ang “unbanked” dahil sa kawalan ng pera, kawalan ng mga documentary requirements, at pati na rin kawalan ng interes o kagustuhang magdeposito sa bangko. 45% ng mga unbanked ang nagsabi na ang pangunahin nilang rason ay kawalan talaga ng pera at 27% naman ang nagsabi na hindi nila kailangan ang bank account. Nakita rin sa survey kapanalig, na 40% mga adults edad 15 pataas ay mababa ang kamalayan ukol sa basic deposit account.

Sayang naman, kapanalig, ang mga benepisyong matatanggap mula sa digital financing system kung hindi makikinabang ang lahat o kahit nakakaraming Filipino. Kung tutuusin, mas marami sana ang makakasama dito dahil kasama sa digital financial system ang mga smart phones o celphones. 60% ng mga adult Filipinos, base sa survey ng BSP, ay mayroon namang smart phones, at pito sa sampung Filipino na walang bank account ay may cellphone din naman.

Kailangan mas mapalawig pa natin ang pagbibigay impormasyon. Marami ang hindi nakaka-alam ngayon na mayroon ng mga virtual banks kung saan maari tayong maka-open ng savings account na hindi na kailangan pang pumunta sa bangko. Sa mga virtual banks na ito, kahit sino ay maaring magtransfer ng pondo, magbayad ng mga bills o bayarin, pati utang gamit ang smart phone lamang. Marami na ring available na e-wallets sa ating bansa na magagamit ng mas maraming mamamayan para mamili, magpadala ng remittance, at magbayad ng bills.

Kapanalig, ang mga ganitong plataporma ay mahalaga sa ating panahon ngayon. Kung mas maraming makaka-alam kung paano magagamit ang mga mga online banking and payment systems, mas maraming Filipino ang makikinabang. Ang ayuda ng pamahalaan, halimbawa, ay maari ng mapadala dito- bawas sa pila at mga logistical problems gaya ng venue ng distribusyon, pagsalin ng malaking halaga ng pera sa iba-ibang tao, at iba pa. Ginagawa nitong inklusibo ang pagsulong ng bansa-mas madali at mas marami ang makakasama sa muling pagbangon ng kalakalan.

Mahalaga ang mga sistemang ganito dahil manipestasyon ito kung paano natin maisasabuhay ang prinsipyo ng pantay-pantay na dignidad at karapatan ng tao. Ayon sa Gaudium Et Spes, our equal dignity as persons demands that we strive for fairer and more humane conditions. Pakinggan natin ito upang masiguro natin na wala ni isa sa atin ang maiiwan sa muling pagbangon ng bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 120,058 total reads

 120,058 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,464 total reads

 257,464 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 373,240 total reads

 373,240 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,905 total reads

 488,905 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 120,059 total reads

 120,059 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,465 total reads

 257,465 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 373,241 total reads

 373,241 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »
Scroll to Top