Caritas Philippines, nag-ulat sa bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Pinangunahan ni Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang 2021 State of Caritas Philippines o pagbabahagi ng social action arm ng CBCP sa mga nagawa at tinutukan nitong programa noong nakalipas na taon.

Si Bishop Bagaforo ay muling naihalal sa katatapos lamang ng 122nd Plenary Assembly ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa bilang chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) na nagsisilbi bilang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Kabilang sa mga ibinahagi ng Obispo ang ilan sa mga pangunahing programa at gawain na tinutukan ng Caritas Philippines sa nakalipas na taon partikular na bilang tugon sa malawakang krisis na idinulot ng COVID-19 pandemic at ng ilang mga kalamidad na nanalasa sa bansa.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Bishop Bagaforo ang tatlong bagong programang inilunsad ng Caritas Philippines bilang bahagi ng paggunita ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas na naglalayong patuloy na makatulong sa mga nangangailangan sa lipunan.

Kabilang sa tatlong legacy program na ibinahagi ng Obispo ay ang Scholarship Program, Family Feeding Program at ang Caritas Development Academy na naglalayong higit na mahubog at mahasa ang kahandaan ng mga kinatawan ng Social Action Ministry ng bawat diyosesis mula sa anumang kalamidad o sakuna.

“In celebration of the 500 years of Christianity ay mayroon tayong bagong programang ila-launch ito yung panawagan ng celebration natin ng 500 years of Christianity we would like to offer something sa ating mga kababayan lalong lalo na yung mga nangangailangan ng tulong so yung ating tatlong legacy program ng 500 years celebration natin ng Christianity yung scholarship highly appreciated yun, yung feeding ng mga pamilya highly appreciated din yun at higit sa lahat yung Caritas Development Academy…” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga Social Action Directors at iba pang kawani ng Social Action Ministry ng bawat diyosesis upang makapagbigay ng mga impormasyon na kakailanganin ng Caritas Philippines para sa kagyat na pagtugon sa mandato nito upang maipaabot sa mga nangangailangan ang habag at awa ng Panginoon bilang kamay ng Simbahan.

“In the spirit and principle of subsidiarity malaki talaga ang tulong ng mga Social Action Directors, sila yung ating kamay without them wala tayong impormasyon at saka without them I don’t think we would be able to implement yung mandato na ibinagay sa atin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Umapela naman ng patuloy na suporta ang Obispo sa mga programa ng Simbahan partikular na ng Social Action Ministry ng iba’t ibang diyosesis na naglalayong makatulong sa mga higit na nangangailangan sa lipunan.

Hinikayat rin ni Bishop Bagaforo ang bawat isa na makisangkot at maging mapagbantay sa mga usaping panlipunan partikular na sa paghahanda para sa nakatakdang halalan sa bansa susunod na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 43,127 total reads

 43,127 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 148,599 total reads

 148,599 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 185,386 total reads

 185,386 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 215,962 total reads

 215,962 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 262,673 total reads

 262,673 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top