Batangas LGU, binalaan ang mamamayan sa kumakalat na fake news

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Nagbabala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas hinggil sa kumakalat na facebook post na nagsasaad ng mandatory evacuation sa mga lugar na nakapaloob sa 14-kilometer radius mula sa Bulkang Taal.

Nagdulot ito ng labis na pangamba at pag-aalala sa mga residenteng naninirahan malapit sa bulkan.

Ayon sa Batangas Public Information Office, ito ay fake news o walang katotohanan, at wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa paglikas.

“Binibigyang-linaw ng Batangas Incident Management Team at ipinapaalam sa publiko na walang katotohanan ang post patungkol sa mandatory evacuation sa mga lugar na nakapaloob sa 14-kilometer radius mula sa Taal Volcano Main Crater… Walang inilalabas na opisyal na pahayag o pabatid ang DILG para sa naturang paalala,” paalala mula sa facebook post ng Batangas PIO.

Dagdag pa ng Batangas PIO, dapat tiyaking mabuti ng publiko ang bawat nakakalap na balita bago ito ibahagi sa kapwa upang hindi magdulot ng pangamba at kapahamakan sa mga tao.

“Sa panahon ngayon, mahalaga na tama ang impormasyon na nakakalap at ibinabahagi. Tiyakin na totoo ang impormasyon bago i-share. Palaging mag-fact-check at tumingin sa verified at legitimate sources,” ayon sa pahayag.

Samantala, naglabas na ng panuntunan ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas kaugnay sa pagbiyahe sa loob ng lalawigan upang mapanatili ang kaayusan at mabawasan ang panganib sa ibang mga tao na maaaring maapektuhan ng anumang kaganapan dulot ng aktibidad ng Bulkang Taal.

Gayundin ay mahigpit nang ipatutupad ng Department of Environment and Natural Resources – Region 4-A CALABARZON, sa ilalim ng Protected Area Management Office – Taal Volcano Protected Landscape, ang Window Hours sa mga aktibidad sa lawa mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dos ng hapon.

Dahil dito’y hinihikayat ang mga residente na tumalima sa panuntunan dahil sa nakaambang panganib kaugnay sa pagliligalig ng bulkan.

Ayon naman sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal kaya mahigpit na ipinagbabawal ang paglaot sa lawa ng Taal at pagpasok sa Taal Volcano Island o Permanent Danger Zone.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 86,214 total reads

 86,214 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 126,774 total reads

 126,774 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 149,451 total reads

 149,451 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 197,719 total reads

 197,719 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 216,454 total reads

 216,454 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 131,865 total reads

 131,865 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top