Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Enerhiya at Kaunlaran

SHARE THE TRUTH

 1,083 total views

Kapanalig, malaki ang bahagi ng enerhiya sa kaunlaran ng kahit anong bayan. Ang sektor ng enerhiya ay napakahalaga hindi lamang sa dami ng trabaho na nalilikha nito, kundi dahil ang enerhiya ang nagpapatakbo ng maraming mga operasyon sa iba ibang industriya at sektor sa buong mundo. Ang enerhiya rin ang nagbibigay kuryente sa ating tahanan, at langis para sa ating paroot-parito.

Habang tumatagal ang panahon, ang energy demand ng ating bansa, at maging sa maraming mga bansa sa buong mundo ay patuloy na tumataas. Ayon nga sa International Energy Agency (IEA), tinatayang kailangan ng humigit kumulang na US$38 trillion upang mapunan natin ang energy demand sa buong mundo. Ayon naman sa Institute of Energy Economics Japan, ang mga bansa ng China, India, at mga bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations gaya ng Pilipinas ay mas tataas pa ang konsumpsyon ng enerhiya sa darating pang mga taon.

Maraming implikasyon ang pagtaas ng demand at konsumpsyon ng enerhiya sa ekonomiya ng isang bansa. Unang una, sustainability ng supply.

Kapanalig, maraming mga pagkakataon na nagiging kulang ang suplay ng enerhiya sa maraming lugar sa ating bansa, lalo na sa panahon ng tag-init. Nagkakaroon ng mga brownouts sa maraming mga lugar sa Mindanao, halimbawa. Kapag tataas ang demand, saan pa tayo kukuha?

May implikasyon din ito sa presyo. Dahil mas mataas ang demand at hindi sapat ang suplay, maaring tumaas ang presyo. Kaya pa ba ng karaniwang Pilipino bayaran ang mas mataas na halaga ng kuryente, kahit hindi naman tumataas ang sweldo?

Malaki rin ang epekto ng pagtaas ng demand sa enerhiya sa ating kapaligiran. Kapanalig, hindi naman nanggagaling sa mga renewable sources gaya ng araw o tubig ang lahat ng ating kuryente. Ang totoo, ang bulko ng ating suplay ay mula sa coal at langis, na minimina pa at naglilikha din ng mga emissions na masama sa katawan ng tao pati na rin sa ating kapaligiran. Ang mga emissions na ito ay nagpapa-init ng mundo at nagpapalala ng epekto ng climate change.

Kapanalig, tumataas ang worldwide population. Halos lahat tayo ay nakadepende na sa enerhiya para sa halos lahat din ng ating pang-araw araw na gawain. Kailangan natin makontrol ang pag-gamit ng kuryente, mas palawigin ang mga renewable sources, at gumawa ng mga teknolohiya na mas energy efficient. Nakasalalay sa mga ganitong pagkilos hindi lamang ang halaga ng kuryente, kundi ang ating kinabukasan.

Isang paalala mula sa Sollicitudo Rei Socialis ang nawa’y gumising sa atin: Ang lahat ng material na bagay at ang pagpalago at pag-gamit natin sa kanila ay mga biyayang mula sa Panginoon. Nilalayon ng mga ito na ilabas ang ating angking pagkakakilanlan bilang mga anak ng Diyos.

Sa ating pag-gamit ng enerhiya tungo sa kaunlaran, alalahanin natin na ito ay biyayang dapat nating inaalagaan at hindi nilulustay.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,426 total views

 11,426 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,399 total views

 17,399 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 23,154 total views

 23,154 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,417 total views

 30,417 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,401 total views

 38,401 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘No permit, no exam’, bawal na

 99,064 total views

 99,064 total views Mga Kapanalig, ang pag-aaral ng mga bata ang isa sa mga laging naisasakripisyo kapag dumaranas ng problemang pinansyal ang isang pamilya. Kapag nawalan ng trabaho ang pangunahing naghahanapbuhay sa pamilya o may matinding sakit na dumapo sa isang kamag-anak, nagiging paraan ang pagpapatigil sa pag-aaral ng mga estudyante upang makaraos. Masakit ito sa

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

U-turn sa giyera kontra droga?

 87,121 total views

 87,121 total views Mga Kapanalig, sa kanyang pagbisita sa Germany kamakalian, ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na ibang-iba na ang direksyon at estratehiya ng kanyang administrasyon sa pagsugpo sa paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa ating bansa. Sinabi ng pangulo na sa loob ng magdadalawang taon niyang panunungkulan, ang kampanya ng gobyerno kontra droga ay

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iresponsableng turismo

 107,724 total views

 107,724 total views Mga Kapanalig, para sa marami nating kababayan, ang Semana Santa ay panahon ng pagpapahinga at pagbabakasyon kasama ang pamilya o mga kaibigan. Kasama ba kayo sa kanila? Naisip n’yo bang pumasyal sa probinsya ng Bohol para mapuntahan ang pamosong Chocolate Hills?  Siguradong nabalitaan ninyo ang kontrobersyal na resort na itinayo sa paanan ng

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate Justice

 1,090 total views

 1,090 total views Kapanalig, kada taon,  mula sa unang araw ng Setyembre hanggang sa ika-apat na araw ng Oktubre, na kapistahan ni St. Francis of Assisi, ipinagdiriwang ng Simbahan ang “Season of Creation.” Marahil marami sa inyo ang hindi nakaka-alam nito, at mas kilala pa ang Ghost Month. Ang Season of Creation ay panahon upang ating

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabuluhang Tulong para sa ating mga Maliit na Mangingisda

 1,128 total views

 1,128 total views Isa sa mga pinakamahirap na sektor sa ating bayan ay ang mga mangingisda, partikular na ang mga maliliit o artisanal fishers ng ating bayan. Tinatayang nasa 30.6% ang poverty incidence sa kanilang hanay. Pinaka-mataas ito sa ating bayan. Talagang hikahos sa kanilang hanay, kapanalig, lalo’t palakas ng palakas ang epekto ng pagbabago ng klima, sabay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teknolohiya at Inklusibong Sistemang Pang-pinansyal

 1,153 total views

 1,153 total views   Kapanalig, dahil sa pandemya, biglaan at agarang nagshift o lumipat ang mga tao sa online banking at payment schemes. Ang kalakalan sa bansa ay nagbago na. pati palengke, online na rin. Kaya lamang, ang pangyayaring ito ay nagpakita na malawak pang digital divide sa ating bansa. Kailangan natin masiguro na inklusibo ang

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bakit mahalaga ang malayang media?

 1,332 total views

 1,332 total views Mga Kapanalig, mahalagang haligi ng demokrasya ang pagkakaroon ng isang malayang media. Kapag malaya ang mga taong naghahatid sa atin ng balita at mahalagang impormasyon tungkol sa mga ginagawa ng mga nasa poder, higit nating napananagot ang mga namumuno sa atin. Kaya ganoon na lang ang pagkabahala ng mga may pagpapahalaga sa kalayaan

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tama ba ang iyong mga pinili?

 1,090 total views

 1,090 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang taon sa araw na ito nang piliin natin ang mga taong nais nating manungkulan sa pamahalaan. Kung nanalo ang iyong mga ibinoto, masasabi mo bang tama ang iyong mga pinili? Malapit na ring mag-isang taon sa gobyerno ang mga nanalo sa halalan, at magandang pagkakataon ito upang suriin natin

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Magsasaka

 2,655 total views

 2,655 total views Kapanalig, ang ating bansa ay isang agricultural country. Kahit pa bumababa ang kontribusyon ng agriculture sa ating ekonomiya, hindi natin matatatwa na napakarami pa rin ang naka-asa sa sektor na ito. Hindi lamang manggagawa kapanalig, kundi tayo. Ang ating food security ay nakakasalalay sa agricultural sector. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), binubuo

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon

 1,768 total views

 1,768 total views Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon Mga Kapanalig, ngayon po ay World Press Freedom Day, at ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Critical Minds for Critical Times.” Nais bigyang-tuon ng UNESCO ang papel ng media sa pagsusulong ng isang lipunang mapayapa, makatarungan, at walang isinasantabi. Sa tulong ng teknolohiya, nalampasan na

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Limandaang Taong Kristyanismo sa Pilipinas

 1,040 total views

 1,040 total views Tayo ay mapalad, kapanalig. Bahagi tayo ng isang dakilang tradisyon: ang Kristyanismo. Sa darating na 2021, ating gugunitain ang ika-500 anibersaryo nito sa ating bansa.   Sa gitna ng lahat ng pagbabago sa ating mundo, sa loob ng ilang daang taon, ang kristyanismo ay namayagpag at umiral ng lubusan sa ating bansa.  Maraming

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top