225 total views
“To be invincible, incarnate and be intimate with the Lord.”
Ito ang tagubilin ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, sa higit anim na libong miyembro ng Mother Butler Guild na dumalo sa MBG National Convention sa World Trade Center sa Pasay City.
Ayon sa Arsobispo ito ang misyon ng Mother Butter bilang tagapagsilbi ng simbahan na bagama’t hindi ipinapakita ang kanilang mga gawain ay nararamdaman ng mananampalataya ang kanilang walang sawang pagsisilbi, maging mukha ng panginoon. “But do not ignore the things that eyes can’t see.And when people see you, when people touch you please make sure that they see Christ and Christ touches them through you,” ayon sa Arsobispo.
Paliwanag pa ni Archbishop Villegas, kailangang iparamdam ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa at ang gawaing patungo sa kabanalan na siyang inaasahan ng marami lalu’t sila lamang ang tanging may pagkakataon na mahawakan ang mga kagamitan na ginagamit sa Eukaristiya.
Ayon pa kay Archbishop Villegas; “You are helpers, katulong, but you are greatful that you are helpers because the Holy Spirit has called himself as helper in the paraglyph and the oldest title of the Virgin Mary was helper and Jesus came down to earth in order to be our helper to the throne of the Father.”
Sinabi ni Archbishop Villegas, ang gawaing ito ang siya ring dahilan ng kulay ng kanilang uniporme –ang kulay brown na nangahulugan ng kulay ng mundo –para magsilbi ng may kagalakan sa Panginoon.
Taong 1961 nang itatag ang Mother Butler Guild- isang samahan ng kababaihan na ang pangunahing gawain ay panatilihing malinis ang gamit ng simbahan at maging katuwang ng mga pari sa bawat parokya.
Sa kasalukuyan ay may 35 libong miyembro ang Mother Butler na mula sa mga diyosesis at arkidiyosesis sa iba’t-ibang panig ng bansa.