193 total views
‘You make all things beautiful in the church and in the life of the Priest’.
Ito ang mensahe ng Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas sa may higit anim na libong miyembro ng Mother Butler Guild na dumalo sa MBG National Convention na ginanap sa World Trade Center, Pasay City.
Ipinaalala ng pari na ang lahat ay naglilingkod hindi para sa sarili kundi para sa Panginoonn na siyang patuloy na hamon sa bawat laykong naglilingkod ng simbahan.
“Your life is not about you, but about God. We here on earth for Christ, not for ourselves. Your life is about god. So put God first,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual.
Paalala pa ng pari, hamon din sa MBG ang pagpapanibago ng kanilang misyon sa simbahan, hindi lamang pagsisilbi kundi pagsisilbi ng buong husay na may pagmamahal.
Umaasa rin ang pari na maiisama ng mga MBG ang kanilang pamilya sa pananampalataya at pagsisilbi sa Panginoon.
“Don’t stay too much inside the church. Pag mahaba ang oras nyo sa parokya, kulang ang mother butler sa parokya nyo. You need to be home for your family and to do your other work,” ayon kay Fr. Pascual.
Hinikaya’t naman ni Zenaida Capistrano, pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas ang MBG members na makibahagi sa mga isyung panlipunan dahil ang lahat ng sitwasyon ay isang pagkakataon para magpahayag ng salita ng Diyos.
“We are the sleeping giant? In terms of numbers, because hindi tayo nakikita, hindi naririnig, hindi nararamdaman sapagkat we are not involved in issues affecting us. We are Layko…pinakamalaki at pinakamalakas,” ayon kay Caspistrano.
Ang MBG ay itinatag noong 1961 at napaloob na miyembro ng Sangguniang Layko ng Pilipinas taong 1976. Sa kasalukuyan ay may 35 libo ang kabuuang miyembro ng MBG sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Amb. Henrietta De Villa.