VeritasPH

The Word, The Truth

Makabuluhang Tulong para sa ating mga Maliit na Mangingisda

SHARE THE TRUTH

 1,108 total views

Isa sa mga pinakamahirap na sektor sa ating bayan ay ang mga mangingisda, partikular na ang mga maliliit o artisanal fishers ng ating bayan. Tinatayang nasa 30.6% ang poverty incidence sa kanilang hanay. Pinaka-mataas ito sa ating bayan.

Talagang hikahos sa kanilang hanay, kapanalig, lalo’t palakas ng palakas ang epekto ng pagbabago ng klima, sabay pa nito ang patuloy na panggigipit sa kanila ng mga dayuhang bansa, pati na mga mga malalaking mangingisda na pumapasok kahit pa nga sa mga municipal waters, o yaong mga laot na 15 kilometro lamang ang layo sa ating mga baybayin.

Kailangan ng tulong ng ating mga maliliit na mangingisda, kapanalig. Karaniwan na nating naririnig na marami sa kanila, nangangarap na magkaroon ng sarili nilang bangka. Karaniwan na nating naririnig na marami sa kanila, nais ng konting ayuda o assistance, lalo na sa mga panahong mahina o walang huli. Karaniwan nating naririnig sa kanila, depensahan naman sila sa mga dayuhang gumigipit sa kanila sa laot. Maaaring magbigay ang private at public sector ng ganitong tulong, kapanalig, pero hindi ito sasapat. Panahon na upang maging mas makabuluhan at sustainable naman ang tulong na ating ibibigay.

Ang livelihood diversification ay isa sa mga mas useful at sustainable na paraan upang matulungan natin ang ating mga mangingisda. Ito ay isang paraan upang magkaroon ng karagdagan at alternative incomes ang mga artisanal fishermen natin.  Kapag tagumpay natin itong nailatag sa mga magsasaka ng bayan, ang kanilang source of income ay hindi na lamang manggagaling sa pangingisda lamang, may iba pa silang kabuhayan na maaari nilang gawing sabay o halinhinan sa pangingisda.

Isang halimbawa, kapanalig, ay pagtataguyod ng mga kooperatiba sa hanay ng mga mangingisda upang mula sa samahan na ito ay umusbong ang mga maliliit na negosyo na kaugnay din sa pangingisda, gaya ng halimbawa, food processing – ang mga isdang nahuli pwedeng gawing gourmet sardines or fish in a can or bottle. Maaari rin paggawa o pagkukumpuni ng banca. Kung malapit sila sa mga tourist areas, marami ring mga maliit na kabuhayan na maaaring itaguyod sa hanay ng mga mangingisda.

Ang ganitong uri ng assistance ay ginagawa na sa ilang mga lugar sa ating bayan, at mas maganda sana kung mas lalawig pa at mas marami pa sa ating mga mangingisda ang makikinabang. Ang paglaban sa kahirapan, kapanalig, ay ating mapapagtagumpayan kung ating bibigyan ng oportunidad at kaalaman ang mga pinakamahirap sa ating lipunan, gaya ng mga maliliit na mangingisda. Sa pamamagitan nito, ating naisasabuhay ang ating kristyanong obligasyon na ibahagi ang mabuting balita ng Panginoon – na andito siya, kasama natin, at sabay nating itinataguyod ang panlipunang katarungan. Sabi nga sa Economic Justice for All mula sa mga US Catholic Bishops, ating pinalalakas ang ating Simbahan sa tuwing ating tinutulungan ang mga pinakabulnerable at mahirap sa ating hanay.

Sumainyo ang Katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,848 total views

 6,848 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,834 total views

 22,834 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,879 total views

 30,879 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,959 total views

 35,959 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,665 total views

 41,665 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘No permit, no exam’, bawal na

 99,044 total views

 99,044 total views Mga Kapanalig, ang pag-aaral ng mga bata ang isa sa mga laging naisasakripisyo kapag dumaranas ng problemang pinansyal ang isang pamilya. Kapag nawalan ng trabaho ang pangunahing naghahanapbuhay sa pamilya o may matinding sakit na dumapo sa isang kamag-anak, nagiging paraan ang pagpapatigil sa pag-aaral ng mga estudyante upang makaraos. Masakit ito sa

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

U-turn sa giyera kontra droga?

 87,101 total views

 87,101 total views Mga Kapanalig, sa kanyang pagbisita sa Germany kamakalian, ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na ibang-iba na ang direksyon at estratehiya ng kanyang administrasyon sa pagsugpo sa paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa ating bansa. Sinabi ng pangulo na sa loob ng magdadalawang taon niyang panunungkulan, ang kampanya ng gobyerno kontra droga ay

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iresponsableng turismo

 107,704 total views

 107,704 total views Mga Kapanalig, para sa marami nating kababayan, ang Semana Santa ay panahon ng pagpapahinga at pagbabakasyon kasama ang pamilya o mga kaibigan. Kasama ba kayo sa kanila? Naisip n’yo bang pumasyal sa probinsya ng Bohol para mapuntahan ang pamosong Chocolate Hills?  Siguradong nabalitaan ninyo ang kontrobersyal na resort na itinayo sa paanan ng

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate Justice

 1,070 total views

 1,070 total views Kapanalig, kada taon,  mula sa unang araw ng Setyembre hanggang sa ika-apat na araw ng Oktubre, na kapistahan ni St. Francis of Assisi, ipinagdiriwang ng Simbahan ang “Season of Creation.” Marahil marami sa inyo ang hindi nakaka-alam nito, at mas kilala pa ang Ghost Month. Ang Season of Creation ay panahon upang ating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teknolohiya at Inklusibong Sistemang Pang-pinansyal

 1,131 total views

 1,131 total views   Kapanalig, dahil sa pandemya, biglaan at agarang nagshift o lumipat ang mga tao sa online banking at payment schemes. Ang kalakalan sa bansa ay nagbago na. pati palengke, online na rin. Kaya lamang, ang pangyayaring ito ay nagpakita na malawak pang digital divide sa ating bansa. Kailangan natin masiguro na inklusibo ang

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bakit mahalaga ang malayang media?

 1,312 total views

 1,312 total views Mga Kapanalig, mahalagang haligi ng demokrasya ang pagkakaroon ng isang malayang media. Kapag malaya ang mga taong naghahatid sa atin ng balita at mahalagang impormasyon tungkol sa mga ginagawa ng mga nasa poder, higit nating napananagot ang mga namumuno sa atin. Kaya ganoon na lang ang pagkabahala ng mga may pagpapahalaga sa kalayaan

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya at Kaunlaran

 1,063 total views

 1,063 total views Kapanalig, malaki ang bahagi ng enerhiya sa kaunlaran ng kahit anong bayan. Ang sektor ng enerhiya ay napakahalaga hindi lamang sa dami ng trabaho na nalilikha nito, kundi dahil ang enerhiya ang nagpapatakbo ng maraming mga operasyon sa iba ibang industriya at sektor sa buong mundo. Ang enerhiya rin ang nagbibigay kuryente sa

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tama ba ang iyong mga pinili?

 1,066 total views

 1,066 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang taon sa araw na ito nang piliin natin ang mga taong nais nating manungkulan sa pamahalaan. Kung nanalo ang iyong mga ibinoto, masasabi mo bang tama ang iyong mga pinili? Malapit na ring mag-isang taon sa gobyerno ang mga nanalo sa halalan, at magandang pagkakataon ito upang suriin natin

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Magsasaka

 2,630 total views

 2,630 total views Kapanalig, ang ating bansa ay isang agricultural country. Kahit pa bumababa ang kontribusyon ng agriculture sa ating ekonomiya, hindi natin matatatwa na napakarami pa rin ang naka-asa sa sektor na ito. Hindi lamang manggagawa kapanalig, kundi tayo. Ang ating food security ay nakakasalalay sa agricultural sector. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), binubuo

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon

 1,744 total views

 1,744 total views Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon Mga Kapanalig, ngayon po ay World Press Freedom Day, at ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Critical Minds for Critical Times.” Nais bigyang-tuon ng UNESCO ang papel ng media sa pagsusulong ng isang lipunang mapayapa, makatarungan, at walang isinasantabi. Sa tulong ng teknolohiya, nalampasan na

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Limandaang Taong Kristyanismo sa Pilipinas

 1,020 total views

 1,020 total views Tayo ay mapalad, kapanalig. Bahagi tayo ng isang dakilang tradisyon: ang Kristyanismo. Sa darating na 2021, ating gugunitain ang ika-500 anibersaryo nito sa ating bansa.   Sa gitna ng lahat ng pagbabago sa ating mundo, sa loob ng ilang daang taon, ang kristyanismo ay namayagpag at umiral ng lubusan sa ating bansa.  Maraming

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top