Limandaang Taong Kristyanismo sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,010 total views

Tayo ay mapalad, kapanalig. Bahagi tayo ng isang dakilang tradisyon: ang Kristyanismo. Sa darating na 2021, ating gugunitain ang ika-500 anibersaryo nito sa ating bansa.  

Sa gitna ng lahat ng pagbabago sa ating mundo, sa loob ng ilang daang taon, ang kristyanismo ay namayagpag at umiral ng lubusan sa ating bansa.  Maraming mga konsepto at kulto, paniniwala at konbiksyon ang lumitaw sa ating lipunan, ngunit ang Kristyanismo ay hindi natinag. Nagliwanag ito sa ating bayan, at nanatiling gabay ng mayoridad.

Ang kasiglahan ng kristyanismo sa bansa ay hindi lisensya upang tayo ay maging kumpiyansa o magsawalang-bahala. Habang dumadaloy ang panahon, mas tumitindi rin ang mga hamon sa ating pananalig. Ang culture of death ay nagpupumilit bigyan ng karimlan ang liwanag ng kultura ng buhay  na dala ng kristyanismo.

Ngayon, nakikita natin ang paglaganap ng pagyurak sa dangal ng tao, gaya ng extrajudicial killings, ang planong pagbabalik ng death penalty at ang pagpapaba ng minimum age of criminal responsibility (MACR) mula 15 hanggang 9. Makikita rin ito sa paglaganap ng hatred o pagkamuhi sa social media, ang patuloy na pagtapak sa karapatan ng mga biktima ng martial law, ang pagpapatuloy ng child labor at human trafficking, at iba pang krimen na nabibigay sakit sa maraming tao.   Ang mga ito ay nagtatangkang patayin ang liwanag ng kristyanismo.

Kaya nga’t kapanalig, kailangan nating gisingin at pagliyabin ang ating pananalig. Kailangan natin itong gawing masiglang inspirasyon ng ating pagkilos sa ating mundo. Kapanalig, puno ang ating mga simbahan kada linggo, ngunit bakit lumalakas ang kultura ng kamatayan sa ating lipunan ngayon? Mahigit 80% ng ating populasyon ay katoliko, ngunit bakit tila, kayhina ng ating pagkilos sa lipunan ngayon?

Dalhin natin sa ating mga tahanan ang magandang balita. Dalhin natin si Kristo sa ating mga tahanan. Hindi nararapat na ang ating pananalig ay manatiling mga sambit at hinaing na ating binubulong sa mga haligi ng simbahan. Kailangan ito ay maging buhay at aktibong pananalig kahit saan man tayo naroroon. Ayon nga sa CBCP Pastoral Letter on the Era of New Evangelization: Live Christ, Share Christ.

Kapanalig, ang krisyanismo ay hindi lamang dogma o konsepto na ating binabalikbalikan tuwing linggo. Ito ay ating pamilya. Ang ating pagsimba ay hindi lamang obligasyon, ito ay isang tuwirang paanyaya: Halika, manumbalik ka sa iyong tahanan., “Come Home.”

At sa ating tahanan, walang puwang ang pagkamuhi. May pagkakaiba, oo, pero mas malakas ang pag-ibig. At ang pag-ibig na ito ay ang dapat mamayani, lalo na’t ika limang sentenaryo na ng ating pananalig. Pakatandaan, ang kristyanismo ay bunga ng pagmamahal: isang luntiang pagmamahal na handang magbuwis buhay para tayo ay maisalba. Ang pagmamahal na ito ang ating identity, ang ating pagkakinlalan.  

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 57,963 total views

 57,963 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 81,115 total views

 81,115 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 151,229 total views

 151,229 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 225,843 total views

 225,843 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 301,706 total views

 301,706 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 57,964 total views

 57,964 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 81,116 total views

 81,116 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 151,230 total views

 151,230 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 225,844 total views

 225,844 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top